Sorry for errors.
Plagiarism is a crime.Chapter 2
This feels surreal.
Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng dorm. Okay naman ito. Sakto para sa isang tao. Mabuti nalang talaga ay binigyan na kami ng spare key para sa kwartong ito dahil kung wala, baka sa labas na ako natulog.
Nilapag ko ang maleta ko at nagsimula nang mag ayos ng gamit. Inamin ko naman na kikay ako. I brought my shoes na may heels. Yung pang kpop. Nakakadagdag naman yung ng height para sa katulad kong 5 flat.
Okay Lou! It's time to cook dinner. Don't burn this building!
Inaamin ko rin naman na hindi ako magaling magluto. Kaya nagprito nalang ako ng itlog at hotdog. Pinabaon sakin ni mama.
On my way to bed after dinner, I heard a noise from the other side of my wall. Looks like hindi ito soundproof kaya naririnig ko ang kung ano mang gulo sa kabilang kwarto.
Nilapat ko ang tenga ko sa pader para mas malinawan ang pandinig sa kung ano ang nasa kabilang kwarto.
Dinikit ko nang mabuti ang tenga ko. Lapat na lapat na ata yung mukha k sa pader and I can't seem to clarify things yet.
Nang....
Shit!
"I say hey, hey, hey, he-hey
I say hey, hey, hey
I say hey, what's going on?"Napahawak ako sa dibdib ko.
Akala ko nabisto ako."Ma?"
"Anak? Kamusta ka diyan?"
"Ayos naman po ako. Matutulog na nga po sana ako"
kung hindi lang sana nainterrupt ng kung ano sa kabilang kwarto
"Ganoon ba? Mabuti naman. Oh sige. Kinamusta lang kita. Mag aaral ka riyan ng mabuti."
"Opo ma. Mag aaral po ako."
I sighed.
I need to.
Dumiretso nalang ako sa kama.
I silently whispered my prayer as I dozed into a deep sleep.
Maingay.
Iyan lang ang masasabi ko sa unang araw ng eskwela.
Mukhang magkakilala ata ang mga kaklase ko at magbabarkada pa ata dahil close na close sila.
"Okay class. I'm Miss Phi and I'm going to be your Professor on your Fundamentals of Chemistry 1. This may be familiar to you since this has been discussed in your lower years so I'm expecting you all to atleast had the idea what will be tackling about. There's no need for an self introduction since we will be together for a semester. I will know you in each day we will meet."
Diretsong saad ng babaeng hindi naman katangkaran pero ramdan mo ang aura niyang matalino siya. I can't believe na may kabataan pa pala ang Prof namin since I could sense that she is not old. She has a young appearance for me.
She sighed.
"Now, let's start."
I was focusing to the lessons nang maalala ko ang narinig ko kagabi.
I want to know kung ano ang narinig ko kagabi na hindi ko man lang nadistinguish kung ano ba talaga iyon.
I can't pinpoint. That made my curiosity grows.
"Miss?"
I hate it when some things left me hanging.
"Miss?"
Aabangan ko ulit kung meron nanaman mamaya.
"Miss! Are you listening?"
Napukaw ang atensyon ko nang biglang sumigaw si Prof Phi.
"P-po?"
"I said are you listening?!"
"Uhm. Sorry prof. I think I lost my focus momentarily"
She smirked.
"I don't tolerate that Miss. You better watch out because that is my last warning" tumalikod siya at nagpatuloy sa pag discuss.
Naming of chemicals na pala kami. Bakit hindi ko man lang napansin na tinatawag niya pala ako?
I did not expect that.
I looked around and seems like no one cares about what happened just now dahil tutok na ulit sila sa pag tatake down notes ng discussion.
I mentally slapped myself, trying to focus.
Lou, you need to study.
Yes, I need to.
That was a daily routine for me for the whole week.
Papasok sa umaga, uuwi sa gabi at matutulog.
I don't have any friends yet dahil nga may mga barkada na sila. I can't seem to know which circle I should fit in.
It's getting lonelier in each day that past.
Hindi ko na rin naririnig ang sa kabilang kwarto. That makes me wonder.
That sound really soothes me.
Hindi ko alam kung wala na nga iyon o hindi ko lang napapansin dahil natutulog ako agad sa pagod.
It's friday and I just got done packing my clothes. I will go home today.
Finally. I got to see my family.