THIS is it.. Grade 12 na ako, sana maging maganda ang taon ko. sabi ko sa aking isipan habang nakatingin sa gate ng aking school.
First day of school kaya abala ako sa paghahanap ng aking section. At habang hinahanap ko ito hindi ko maiwasan na kausapin ang aking sarili.
"ABM..ABM..ABM12.. ayon! Nakita din kita. Hihihihi. Sana maging maganda ang taong ito para sakin."
Nagulat ako ng biglang may kumulbit saking balikat, kaya napatinggin ako dito
"oyy" bati nito
Hindi ako nagdalawang isip na yakapin ang taong kumulbit sakin na may ngiting abot hanggang langit.
"kuyaaaaaa! Kaklase tayo ayieee. Hahahaha" habang nagtatatalon pa.
Siya si Arveen Dimaculangan. Matanda sya sakin ng tatlong taon kung kaya kuya ko siya. Si Kuya Arveen ang close kung lalaki. Dahil kaklase ko siya noong ako'y grade 11.
"kamusta kuya? Tabi tayo ha?" habang papasok sa loob ng room
"oo naman bunso. Ayos lang naman ako, kamusta bakasyon? Nahiwalay satin sina Roseanne at Nicole"
"oo nga kuya"
Noong nakaupo na kami sa bandang likuran ay iginala ko ang aking paningin at madami akong nakitang familiar na mukha at mga bago. Ang iba ay kaklase ko din noong nakaraan pero hindi ko naman ka-close.
Lumipas ang ilang minuto na kwentuhan kay kuya arveen ay biglang dumating ang aming adviser. Siya si Mam, Punzalan kilala ko na siya kasi siya din ang guro ko noong grade11
"good morning class" bati nito
"good morning mam" bati namin.
"karamihan o kayong lahat naman ay kilala na ako pero papakilala pa din ako. Ako si Mari Punzalan at ako ang magiging guro nyo"
Nakangiti akong nakatinggin kay Mam, Punzalan dahil alam ko na magiging maganda ang taon na ito. Hindi ko na kailangan mag adjust para makilala ang aking guro.
"unang araw pa lang naman. So kahit senior na kayo at hindi elementary ay gusto ko kayong magpakilala. Pangalan, taon at kung ano pa" sabi ni Mam, Punzalan at umupo sa lamesa sa unahan simulan natin sayo, turo sa unahan.
"hi everyone my name is Jenique Evangelista 17, single and ready to mingle hahahaha. Sana maging friends tayong lahat" nagpalakpakan kami at sumunod naman ang katabi nito hanggang sa magtuloy-tuloy.
Blahh blahh blahh...............
"good morning. Ako si Mela Marquez 18" maigsing sabi nito sunod ay si Nathan. Kilala ko siya kasi kaklase ko siya noong grade10
"yow yow yow! Ako si Nathan De Gracia 17. Single and it's complicated thank you" hahaha baliw talaga nito daming alam, sabi ko na lang sa isipan ko.
"hi ako si Nyl Shone Acuzar 17" maigsing pakilala nito at tila nahihiya. Nagtuloy-tuloy ang pagpapakilala hanggang sa si kuya arveen na ang sunod at ako.
Nang lalamig ang kamay ko at kinakabahan ako di ko alam kung bakit. At ito na ang ako na ang magpapakilala
"uhmm! Good morning everyone my name is Gabriella Castillo 17. Sana maging kaibigan ko kayong lahat" at ngumiti sa kanila at umupo.
Matapos ang pagpapakilala ay nag iwan lang ng ilang paalala si Mam, Punzalan at hintayin daw namin ang sunod na guro.
.
.
.Lumipas ang dalawang oras at recess na. Lumabas ako ng room at tumambay sa corridor. Kinikilala ang mga taong lumalabas at pumapasok sa room.
Ito na grade12 na ako, 10months from now at graduate na ako, sana magkaroon ako ng kaibigan.
YOU ARE READING
IKAW at AKO
Short Storyikaw at ako na kung saan yun lang ang pinang hahawakan ikaw at ako na kung saan kontento na at walang pakialam ikaw at ako na kung saan ayos na, masaya na at wala ng hahanapin pang iba dahil kontento na sa salitang ikaw at ako.. walang tayo pero m...