Lumipas ang araw at lunes na naman kung saan simula na naman ng buong linggo. 6:45am dapat nasa silid-aralan na kami ni Mela ngunit 6:40 na nasa byahe pa kami.
Patay na naman kami nito kay Mame (tawag namin sa advicer namin ay MAME sa halip na Ma'am)
Lumipas pa ang ilang araw at pare-pareho lang ang nangyayari. Papasok sa umaga, makikinig sa klase, kakain sa breaktime, makikinig, kakain ng lunch, makikinig tas uwian na. Yun lang ang nangyari buong linggo sakin.
Dumaang ang mga araw at linggo hanggang sa ipinasa na namin ang ginawa naming short movie. Pinanood sa klase, maraming natuwa sa ginawa namin kung kaya nag decide kami ng barkada na pumunta sa bahay nila Alec para mag canton (skl fav. namin tumambay sa bahay ng barkada para kumain ng canton)
Tatlong buwan na since nung sinimulan kong asarin, inisin o ano pa si Shone, at Alaugust na ngayon buwan kung saan mangyayari ang first periodical test namin. Syempre bilang masipag na estudyante. Di ako nagaaral, hinihintay ko na lang ang second week at test na then boom tapos na.
Habang nagaaral ang mga kaklase ko at ilan sa mga barkada ko, eto ako nakaupo lang sa likod ni Shone. Sinisimulan ko na namang asarin siya. Wala naman kasing reaction kaya di ko alam kung naiinis ba siya o hindi.
Thursday at friday ang schedule ng exam namin at kahit isa wala pa akong naaaral. Bahala na si batman kung anong mangyayari sa araw ng exam. Days pass at thursday na, first day of examination, smooth lang naman ang nagyari. May nasagot naman ako sa awa ng diyos. Natapos ang araw at napagusapan namin na huwag na munang gumala ngayon, bukas na lang para celebration para unang exam.
Umuwi na kami syempre kasama parin si Mela my forever bestfriend. Nasa bahay na ako, nakahilata habang nagcecellphone. Nanonood lang sa youtube at kung ano pa. Tapos naisip ko na ichat si Shone. Buti na lang online siya kaya di na ako nagdalawang isip at chinat ko na siya.
Shonyl Acuzar active now
Gab Castillo: Hi bb
Shonyp Acuzar: kailangan mo?
Gab Castillo: tinatanong paba iyan?
Syemore ikaw, ikaw ang kailangan ko bb kooooooShonyl Acuzar: tigilan mo nga ako bb, alam ko naman na di ako kailangan mo.
Gab Castillo: yoeeee! Bb naman daw. HAHHAHA
Shonyo Acuzar: typing......seen
Dapak? Yun na yun? Tsk! Talaga nga naman oh. Di man lang nagreply. Friday, late na kami pumasok kasi afternoon ang sched namin sa second day ng examination.
Hindi naman mahirap ang mga natitirang exam kaya mabilis akong natapos. Nagpaalam ako sa prof na pupunta ako sa cr pero sa tunay ay sa canteen. Di ko alam na sumunod pala so Mela palabas, kasi akala niya sa cr nga ako pupunta kung kaya niyakag ko na lang siya pa canteen.
"tara mcdo mamaya" sabi ko kay Mela habang naghahanap ng masarap kainin sa canteen.
"sige tara. Tayo lang bang dalawa? Sama natin sila rick para naman madami tayo.
"sige, saka diba sila din naman nagsabi kahapon na ngayon tayo kakain, kasi di tayo gumala kahapon?" tapos na akong pumili kaya pumila na ako at nagbayad
"okidokieeeeee" nauna nang lumabas si Mela at hindi man lang ako hinintay. Umakyat na kami sa floor namin at pagpasok ay wala na ang prof namin kaya umupo na kami sa upuan kung san kami nakapwesto.
YOU ARE READING
IKAW at AKO
Short Storyikaw at ako na kung saan yun lang ang pinang hahawakan ikaw at ako na kung saan kontento na at walang pakialam ikaw at ako na kung saan ayos na, masaya na at wala ng hahanapin pang iba dahil kontento na sa salitang ikaw at ako.. walang tayo pero m...