vi

0 0 0
                                    

Katabi ko si Mela habang kinakain yung binili namin sa Canteen. Nang pumunta si Aaroon sa pwesto namin.

"nayyy! Di man lang nagsama" tapos kinuha sa kamay ko yung kinakain kong nova

"tayyy! Di man lang nagpaalam" sagot ko dito sabay agaw ng nova, kukuhanin niya sana ulit ng dunating si Rick at kinuha ang pinagaagawan naming nova ni Aaroon.

"tumigil nga kayo" sabay subo "tuloy mamaya ha?" si Mela naman ay tuloy ang pagkain habang kausap si Jenique.

"oo, mamaya. Napag usapan na namin ni Gab kanina habang nasa cateen kami"

Dumating si Alec at ang iba pa kung kaya napagusapan na namin kung anong mangyayari mamaya. Habang naghihintay sa susunod na prof na magbibigay samin ng huling exam. Lumipas ang isang oras at natapos na din kami, kung kaya nagkanya kanya na kaming likom at kuha ng gamit at lumabas. Hinihintay ang ilan na kasamang kakain, sa may corridor.

Nakita ko si Shone kausap si Nathan, kung kaya lumapit ako at akin na namang kinilit si Shone. Nung tumingin siya sakin nagtaka ako kasi ngayon lang siya tumitig sakin ng ganun.

"problema mo bb?" tanong ko dito habang naka sandal sa dingding.

"wala naman. Kakain pala kayo mamaya?"

"ahh oo, gusto mong sumama? Celebration na din dahil natapos na ang first grading. Saka kung sasama ka, malay mo maging double celebration" sagot ko dito habang tumatawa

"double celebration? Bakit naman? Nakaperfect kaba sa exam? Nasagot ka ng crush mo?"

"sinagot mo ba ako? Tanong ko dito at tumingin sa mata niya, HAHAHAHAH natatawa ako sa reaction niya kasi halatang nagtataka siya

"sinagot? Wala ka naman tinatanong" tumawa ako ng malakas kaya napatingin saakin ang ilang taonsa corridor. Ang inosente niya talaga, hindi ko alam kung anong sasabihin kasi di ko pa mahanap ang salitang bibitawan ko. Makalipas ang ilang minuto ay kusa na akong huminto ng nakita kong nakakunot ang noo niya.

" ay sabi mo kasi bakit magiging double celebration. Kung sinagot na ako ni crush, kaya tinatanong kita kung sinasagot mo na ako. Ikaw kasi ang crush ko" matapos kong bitawan ang salitang yun ay sinamahan ko pa ng pagkindat, nakita ko naman ang pamumula ng pisnge niya.

Ilang minuto pa ang hinintay namin at lumabas na ang iba, kung kaya bumaba na kami. Habang bumababa sa hagdan, ay hindi ko pa din nilubayan si Shone. Patulog pa din siya sa paglalakad, sumasagot naman din siya sakin. Naguusap kami ng nakarating kami sa ground floor. Nauna na silang lumabas kasi di siya sasama at may gagawin pa daw, kung kaya nagpaalam na kami sa kaniya.

"tara na?" tanong ko sa ilang kasamahan ko. Kasi di pa kami lumalabas ng gate ay kumpleto naman na kami.

"teka lang" sagot ni Jenique, tapos hinahalikwat niya ang nag niya

Lumapit si Mela at tinanong ito "ano bang hinahanap mo?" tapos sinisilip ang bag ni Jenique

"di ko kasi makita phone ko, naiwan ko ata sa room. Teka lang muan, babalikan ko." akmang aalis na siya ng nahagip ko sila Rick at Aaroon na nagpipicture

"Jenique, huwag kanang umakyat para bumalik sa room" tumingin ito sakin na parang nagtatanong ng bakit? Kung kaya tinuro ko yung dalawang taong nakita ko na nagpipicture. At nilapitan niya ito at binatukan, nakita kong pinagsasabihan niya ang dalawa, kung kaya nauna na kaming maglakad ni Mela palabas ng school.

IKAW at AKOWhere stories live. Discover now