Tumakbo ang oras, lumipas ang buwan at mas nakilala namin ang isa't isa. Hindi ko inaasahan na sa loob ng anim na buwan niyang panliligaw ay madami akong malalaman tungkol sa kaniya, at ganun din siya saakin. Maramin siyang nalaman tungkol saakin.
Sa paglipas ng panahon at pagpasok ko sa school, nagtaka ako at kung bakit tila busy ang lahat sa pag dedecorate ng hallway, dingding at classroom. At naalala ko lang kung anong meron nung nakita ko ang dinidikit na larawan ni cupido sa pinto.
Pebrero, araw ng mga puso. Hmmm! Tila magiging masaya ang puso ko ngayon. Pagkarating sa room ay nakita kong nagdedesinyo na din ang ilan sa amin. Kung kaya binaba ko na ang gamit ko at tinulungan sila, lumipas ang ilang minuto at natapos din kami. Simple lang naman ang ginawa namin, para di makalat tingnan.
Lumipas pa ang ilang araw at naging busy na ang lahat sa gaganaping program ng school sa araw ng mga puso. May mag booth na kung saan ang bawat strand ay nagiisip kung anong booth ang gagawin sa araw na iyon.
Naisip namin na mag benta ng nga accessories, kaya naghati-hati kami kung sinong gagawa ng ganito, ng ganiyan at iba pa.
Dumating na ang araw na pinakahihintay ng mga magjojowa. Ang valentines dayyyyyyy.. Yipeeeee! Ay nakalimutan ko wala nga pala akong jowa.
Ang officer ang nasa booth tapos yung ilan naman saamin ay nag uuli para magbigay ng fliers. Nakita ko si Shone sa may isang booth, booth ng H.E.
Lumapit ako at tinapik siya, tumingin siya sa akin at ngumiti "happy valentines"
"hmm! Happy valentines din. Ginagawa mo dito?" tanong konat sumilip oa sa booth ng H.E
" nagtitingin lang kung anong makakain HAHAHAHAHA" hay nakuuu, katakawan na naman nito. Pero isa ito sa mga naging libangan namin. Ang kumain ng kumain, gagala tas hahanap ng makakainan.
"ala hindi eh. Patay ka kay Pres, iba sinusuportahan mo" panloloko ko sa kaniya. Umiiling naman siyang tinalikuran ang booth at inakbayan ako, naglakad kami palapit sa booth namin
"oo nga pala bb, mamaya tara kumain" aya nito sa akin
"sige ba. Sino kasama?" tanong ko habang umuupo sa bench malapit sa booth namin
"tayo lang sanang dalawa."
"oh? Osige" tugon ko at ngumiti.
Halfday lang ang mga booth at sa hapon ay program. Pero naisip namin na hindi naman kami kasali kaya di na lang kami aattend sa program. Pumunta kami sa bayan at kumain, syempre hindi mawawala ang chikahan at kung ano pa. Matagal kaming tumambay sa kainan at kahit tapos na kami kumain ay nakatambay pa din kami.
Tapos bago kami umuwi ay napansin ko na parang hindi siya mapakali kaya tinanong ko na siya "okay ka lang?" tango lang sinagot nito sa akin. Kaya mas nagtaka ako. Kasi kahit galit siya saakin o tampo naimik naman siya kahit okay. Pero ngayon ay tango lang, kaya nagtataka ako.
Bago umuwi ay nagyakag muna akong mag milktea, pumayag naman siya. Pagpasok namin ay umupo na ako, at siya na ang umorder. Pagbalik niya ay nagpaalam siya na ccr lang.
Now i know kung bakit hindi siya mapakali, iihi lang pala. Naghintay ako habang wala pa ang order namin at siya. Pagbalik niya ay dala dala na niya ang order namin. Umupo siya sa tabi ko at nakatitig saakin. Tsk! Inlive na inlove talaga saakin, hirap maging maganda
"oo nga pala, bago tayo umuwi ay samahan mo akong bumili ng donut, pasalubong ko sa tao sa bahay" sabi ko dito
" okay bibili na din ako, para sa mga kapatid ko" sagot naman niya habang nakangiti. Lumipas pa ang oras at nagyakag na akong umuwi, nakabili na din kami ng donut. Habang nag hihintay ng jeep, ay naguusap kami kung ano na kayang nangyari sa program, at sino ang panalo.
Nung nakasakay na kami at nakarating sa kantuhan namin ay bumaba din siya. Nagtaka ako, kasi malayo pa ang kantuhan nila.
"oh bakit ka bumaba? Okay na ako, kaya ko naman umuwi"
"hatid na kita"
"ha? Huwag na" anyari dito. Biglang gustong maghatid. Sumilip ako sa paradahan ng trycycle at nakitang iisa na lang ang kulang
"uwi na ako, ingat ka pag uwi. Dito na lamang ako, umuwi kana din" tumalikod na ako at naglakad, tinawag niya ako kaya humarap ulit ako sa kanya
"gab" lumapit ako at tiningnan siya "ano pedeng magtanong?"
"oo naman pero huwag english kasi bobo ako sa math HHAHAHAHA" tumawa siya at nagkamot ng ulo. Nakuu! May kuto pa ata si bb
"huwag kang mag alala di naman tungkol sa subject ang itatanong ko" kung hindi kaya ay ano? Hindi naman siguro sa paghahatid.
"oh eh ano?"
Lumapit siya sakin at yumuko ng konti, mas matangkad kasi sya sa akin. Tiningnan nya ako sa mata at may binulong, pumatak ang luha ko, madali ko itong pinunasan, hindi ko inaasahan tanong niyang iyon.
Nanlaki ang mata ko at napakurap ako ng hindi lang isa, o dalawang beses, madaming beses pa.
"ah" walang lumabas na boses sa akin, napaiwas na lang ako ng tingin. Nakita ko na umayos siya ng tayo ay napakamot ulit sa ulo. Huminga muna ako ng malalim at tiningnan siya sa mga mata at ngumiti. Tumango ako sa kanya, at nakita ko kung paano lumawak ang ngiti niya
"oo naman"
"talaga?"
"oo nga, parang ayaw mo pa ah HAHAHAHAHA"
"hindi gustong gusto ko. Thank you and iloveyou bb" at niyakap niya ako, napangiti na lang ako kasi ramdam ko kung gaanonsiya kasaya
"hmmm. iloveyoutoo.. Ge na ingat ka pauwi. Chat na lang, byeeee" bago ako sumakay ng trycycle ay hinalkan nya muna ako sa noo
"ge na ingat ka byeee" paalam niya. Nakangiti akong sumakay at nagpaalam sa kaniya.
YOU ARE READING
IKAW at AKO
Short Storyikaw at ako na kung saan yun lang ang pinang hahawakan ikaw at ako na kung saan kontento na at walang pakialam ikaw at ako na kung saan ayos na, masaya na at wala ng hahanapin pang iba dahil kontento na sa salitang ikaw at ako.. walang tayo pero m...