CHAPTER 20 (Pagtumingin ka, Akin ka) Part 2

811 52 3
                                    

*Crescenta Bloody Moon POV*

Ang pang-apat na sandata na aming hahanapin ay ang pana na makikita sa Sanjusangendo Temple in Kyoto, Japan. Itong lugar na ito ay isang paligsahan sa mga taong gumagamit ng pana kaya maraming pana ang ginagamit dito.

Pagkapasok namin sa temple ay nadatnan namin ang maraming tao nanonood sa mga taong nagpapaligsahan sa paggamit ng pana habang kami ni ginoong Valmer ay hinahanap ang pana na aking sandata.

"And the winner is Francis" sambit ng emcee. "And for the batch 2 competition the prize is bow and arrow" sambit ulit ng emcee at napatingin naman kami ni ginoong Valmer sa pana na papremyo.

Kakaibang pana ang aming nakita ni ginoong Valmer kaya nilapitan namin ito para malaman kung yun na ba ang hinahanap namin. Pagkadating namin sa pana na papremyo sa mga manlalaro ay agad ko itong hinawakan at umilaw naman ito.

Sinabihan naman kami ng emcee na bawal daw hawakan ang papremyo, kung gusto daw naming hawakan iyon ay sumali daw kami sa paligsahan kaya nagdesisyon si ginoong Valmer na sasali siya sa paligsahan.

"And for the last player is Mr. Valmer" sambit ng emcee kaya nagsipalakpakan naman ang lahat ng taong nanonood.

Anim silang lahat na maglalaro at kada round ay maroong maaalis na isang tao at ang matitira ay aabante sa next round.

Ilang sandali lamang ay nagsimula na ang first round at sabay sabay silang tumira para tamaan ang kahoy na mayroong pula sa gitna na nasa kanilang unahan. Nakatutok lamang ang aking paningin kay ginoong Valmer kung paano niya gamitin ang pana at kung paano niya ito bitawan sa ere at mabilis na tumama sa gitna ng kaniyang target.

"Ang galing mo ginoong Valmer" hindi ko mapigilang sumigaw ng tumama ulit ang kaniyang palaso sa gitna ng kaniyang target.

Nagtuloy-tuloy ang laban ni ginoong Valmer hanggang siya ang hinirang na panalo sa paligsahan. Ibinigay ng emcee kay ginoong Valmer ang pana na premyo nito. Pagkatapos na kunin ni ginoong Valmer ang pana ay nagtungo na ito sa aking pwesto at binigay sa akin ang pana.

"ANATA MEUM VOBISCUM" sambit ko ng mahawakan ko na ang pana at nawala naman ito, pagkatapos ay umalis na kami doon ni ginoong Valmer.

________________________________

Patungo kami ngayon ni ginoong Valmer sa Sakurajima na nasa japan din, ang Sakurajima ay isang buhay na bulkan dito sa japan at doon namin makikita ang animal spirit ng pana.

Dinala kami ng portal ni ginoong Valmer malapit sa bunganga ng bulkan. Ilang sandali lamang ay mayroong sumulpot sa aming harapan.

"Ginoong Valmer, matagal-tagal ding hindi tayo nagkita" naka ngiting sambit ng babaeng fairy.

"Nyre, ikaw pala iyan nagagalak akong makita ka muli" nakangiting sambit naman ni ginoong Valmer dito.

"Ano pala ang ginagawa niyo dito ginoong Valmer? Pinadala po ba kayo dito ni reyna Celeste para ako'y pauwiin na sa Immortal World?" tanong ng fairy na ang pangalan ay Nyre.

"Hindi pa namin nakikita ang mahal na reyna pati narin ang kaniyang asawa, naririto kami ngayon para mahanap ang animal spirit ng pana" sambit naman ni ginoong Valmer.

"Siya nga po pala mahal na prinsesa, siya po pala si Nyre fairy of fire at Nyre siya naman ang anak ni haring Cassius at reyna Celeste, si Crescenta" ngumiti naman ako dito at ganoon din siya.

"Nyre, saan pala nakatago ang bolang crystal upang sa ganun ay mabasag na namin ito at pwede ka ng maka-uwi sa ating mundo?" tanong ni ginoong Valmer kay Nyre.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon