Sept POV
" Juneeeeeeeeee! Bumalik ka rito sinasabi ko sayo patay ka talaga saken pag naabutan kitang lalaki ka. How dare you na isuot ang damit ko ha?! " Tumatakbo kong sigaw pababa ng hagdan para habulin ang letse kong kapatid. Mabuti na lang pala nagsuot na agad ako ng bra before lumabas kase naman balak ko pang matulog, nauhaw lang talaga ako kaya ako lumabas. Nasanay kase akong hinuhubad ang bra ko before matulog well yeah mas komportable kaya.
' And sabi kase ng iba kapag daw natulog kang walang bra may chance pa daw na lumaki yung boobs so ayon nagbabakasali lang naman hehe '
Kagigising ko lang and basically late na so i don't care naman kase Saturday ngayon at walang pasok. Then kalalabas ko lang ng room ko at saktong labas din ng magaling kong kapatid suot suot ang over sized kong damit. How dare him wear my shirt kaya pala bukas yung room ko although natatandaan kong nakaclose ito before i sleep last night.
" Ate naman! Baket ba kase ang hilig mo sa over size shirt's kasya na saken ito and ang astig kase neto, i like the brand. Ngayon ko lang naman isusuot, lalabas lang kame saglet ng tropa ko. " sabi pa neto na may paawa effect pa at wait may gana pa talaga siyang magdahilan?! At anong sinabi niya? Kasalanan ko pa na mahilig ako sa oversized shirt's kaya gusto niyang isuot? Walangjo! Paikot ikot kame sa kusina dahil hindi ko siya mahuli.
" Aba't ano na lang sasabihin sayo ng mga friends ko kung makikita ka nilang suot ang damit ko?! Ano na lang sasabihin ng mga kapitbahay naten na halin-hinan tayo sa mga damit ha! Ano na lang sasabihin sayo ng mga nakakita sa akin na suot yan tapos ngayon suot mo naman ha?! Hubadin mo yan, sinasabi ko sayo! " gigil na talaga ako! fk nakakahiya kapag nakita yon ng mga kaibigan ko, eh kapopost ko nga lang sa IG suot ang damit na yon.
Tumigil ako sa paghabol sa kanya dahil feeling ko mauubusan ako ng hangin. Nahihirapan na naman ako huminga and fk i hate this feeling! I'm already 17 but still may asthma padin ako.
" Ate okay ka lang ba? Ate.......? " dali daling lumapit saken tong gunggong na ito at pagkatapos ay inalalayan akong tumayo at umupo sa couch. Tiningnan ko ang mukha niya, namumutla siya at gusto kong matawa sa expression ng mukha niya awww love na love ko talaga itong baby brother ko kahit ganito kame pero mas nabigla ako sa sunod niyang ginawa dahil hinubad lang naman niya ang damit ko na suot suot niya.
" Ate please breathe please, Ate....... Ate eto na yung shirt mo po basta huminga ka lang, gigisingin ko lang si Kuya ha? Okay lang ba sayo na maiwan ka muna dito saglet? Promise ate saglit lang. " Sabi niya na namumutla na talaga siya at bago pa man ako makasagot ay nagtatakbo na siya pataas kung nasaan ang room ni Kuya.
Wth iwan ba ako magisa?
Gusto ko mang batukan niya dahil sa halip na kunin niya ang Inhaler ko ay mas inuna pa niyang gisingin si Kuya but i understand him alam kong sobrang nag aalala lang siya HAHHAHAHAHAHA can't help but to laugh kase kanina nag aaway lang kame pero ngayon hay nako.
Napatingin na lang ako kung saan magkakasunod na mga yabag ang naririnig ko, sobrang nagmamadali and there my worried face of Kuya na topless pa at nakapajama ng Tom and Jerry srlsy Kuya? But wait topless na sila pareho ni Bunso kung nasa school lang kame malamang nagsisigawan na mga babaeng patay na patay sa mga ito.
' Bakit ang hot ng mga kapatid ko? Fk that abs Hahahha. Well my Kuya is already 20yrs old and hanggang dibdib niya lang ako and June is 15 but almost magkaheight na kame hmp '
" Ano Sweetie ayos kana ba? Fk bakit hindi ka sumasagot?! Bakit nakatulala ka lang? Ano sagutin mo ako! Sweetie ano?! " Ingay talaga ng lalaking ito kahit kelan. Hindi ako sumagot at tiningnan ko lang silang dalawa ni June na kulang na lang magkulay suka yung mga mukha nila. " June maybe we need to call Mama and Dada.... I'm so worried damn it! " Oh no! He cussed na kaya malamang galit at sobrang worry na to saken haysss.No need to my inhaler na, okay na ako salamat sa pagmumukha nilang dalawa naging okay na ako HAHHAHAHAHA.