Pahina XXII

154 8 0
                                    

Ika-15 ng Agosto 1896

Wala akong ginagawa ngayon at wala man lang nagyaya sa aking maggala. NAKAKABAGOT!!!!

Nakikipagtitigan na naman ako sa mga bestfriend kong butiki. Natigil lamang iyon nang kumatok si Manang Iza.

"Binibini, narito po si Señorito Melvin." nagtaka naman ako kung bakit siya naririto pero mas ayos na iyon dahil may magagawa na rin ako.

"Ano ang dahilan ng pagtungo mo rito, Ginoong Melvin?" tanong ko sa kanya nang maabutan ko siya na nakaupo sa sala.

"Nais ko sanang magtungo tayo sa ibang lugar. Ayoko po dito sa inyong tahanan." sagot niya. Natawa naman ako sa kanya.

"Ano ang iyong dahilan? Bakit ayaw mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Nais ko sanang makausap ka, iyon bang palihim." pakiusap niya. Wala na akong nagawa pa. Sakay ng karwahe ay tinungo namin ang tahanan nila Bernardo Famodulan.

Naabutan ko silang may mga hawak na mga instrumento at parang gumagawa ng kanta.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kapatid ni Mateo. Ngumiti naman siya at inilapit ang kanyang mukha sa aking tainga at ibinulong.

Nagulat naman ako sa kanyang gagawin. I'm so happy for this na gawin kaya ayun, halos maghapon kaming nasa bahay ng mga Famodulan.

Bago alas-sais ay nagtungo ako sa bahay nila Nene dahil gusto kong makipag-chikahan sa kanya. Malugod naman akong tinanggap ng pamilya Salazar.

"Magandang gabi, Hija." bati sa akin ni Donya Magdalena na ina ni Nene. Pagkasabi niyang iyon ay dumating naman si Donya Sabel, ang tiya ni Nene.

"Magandang gabi din po, Donya Magdalena." sukli ko.

"Halika, maupo ka." yaya niya at kapwa kami naupo sa malambot nilang upuan.

"Malapit nang magdilim, hindi ka ba hahanapin sa inyo?" tanong nila sa akin.

"Hindi naman po. Nagpaalam naman po ako na gagabihin po akong umuwi." sagot ko na kanila namang ikinatango.

"Mabuti't pumapayag sila na gabi ka na umuuwi." dagdag pa nila. Ngumiti na lang ako kasabay ng pagdating ni Nene dala ang jugo (juice) na gawa sa kalamansi. Inabot naman niya ito sa akin na tinanggap ko naman agad.

"Nagluto ako ng mani, Binibining Catalina. Nais niyo po ba?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako dahil doon. Na-miss kong kumutkot ng mani.

Pagbalik niya ay niyaya ko siyang sa kanyang silid na lamang mag-usap.

"Ano po ba ang nais ninyong pag-usapan natin, binibini?" tanong niya sa akin. Medyo nailang naman ako sa pagtawag ng binibini. Halos apat na taon lang naman ang tanda ko sa kanya.

"'Wag mo na akong tawaging Binibining Catalina, ate na lamang. Tutal, gusto ko namang magkaroon ng kapatid na babae." napangiti naman siya sa aking sinabi habang kapwa kami nakaupo sa kanyang kama. "Sige po."

"Kuwentuhan mo naman ako kung paano kayo nagkakilala ni Melvin." panimula ko. Medyo nailang naman siya dahil doon.

"Hindi pa po ba sapat ang aking sinabi noong nakaraan?" tanong niya.

"Gusto kong malinawan pa." palusot ko kahit na ang totoo'y nakalimutan ko lang.

"Nagkakilala po kami noon ni Ginoong Melvin sa puno ng mangga noong ako'y napagalitan ni Ina na umiiyak. Naalala ko pa nga po noon ang kanyang mga sinabi 'Ang drama mo'." kapwa kami nagtawanan dahil doon.

"Tapos???"

"Palagi niya po akong dinadala sa burol na iyon. Palagi niya po akong dinadalhan ng paborito kong bulaklak na gumamela. Siya po ang umukit ng aming pangalan sa katawan niyon nang umamin po siya sa akin subalit hindi ko po tinanggap. Naalala ko pa nga po na siya pa mismo ang umakyat sa puno para lamang itali ang duyan sa isa sa mga sanga doon. Nalaglag po siya dahil doon. Nang mangyari po iyon ay pinagbawalan po kaming dalawa na magkita doon sa puno." pagpapatuloy niya.

If You're Real ElegiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon