This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events, are purely coincidental.
One-shot.
Typographical errors may occur.
________________________________________________________I WAS in elementary back then.
He's a transferee from the province at ako naman ay mula kinder ay sa Sinclair na nag-aaral. Grade two noong nag transfer siya, the only transferee in our section. At the age of seven, I was taller than him. He's a year younger than me, too.
Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang magustuhan siya. Maybe it was in grade two when he transferred? I remembered getting late for our afternoon class dahil sumunod ako sa mga kaklase naming nagpunta sa kanila dahil tinignan ko kung saan siya nakatira. Or maybe in grade three? We're in the same row, isang tao lang ang pagitan namin, pero hindi naman kami nag-uusap noon. At isa pa, nag transfer ako ng school pagkatapos ng 1st quarter kaya hindi din ako sigurado. In grade four, maybe? Nakabalik na ako noong time na 'yon sa school. We we're in the same row, again. There's two students in between us. Nakakausap ko pero epal ang isa ko pang katabi na lageng nang-aasar sa akin. Or is it in grade five? Magkatabi kami noong first quarter (nasa harap ako kahit matangkad ako, blame my eyes), naging close kami dahil doon. We exchange pens and correction tape. I used to mess with his hair, too. Ang smooth kasi at ang sarap niya sabunutan minsan. O hindi kaya sinasapak ko siya lalo na kapag tintatago niya ang mga gamit ko. Minsan naman ay nakikihati siya sa snacks ko kahit hindi pa niya nabubuksan ang sakanya. Minsan sweet pero madalas, bully. Pero kapag paiyak na ako ay doon na siya tumitigil. Minsan kasi, ang harsh niya magsalita, lalo na kapag nag-aaway kami dahil sa maling sagot, na sakanya ko din naman nakuha. Magulo ang friendship namin. Minsan nagpapansinan, minsan hindi.
And at that time, I was clueless. I thought it was normal for my heart to beat that fast. I have an asthma, kaya normal na sa akin ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko. But what's weird is, hindi naman ako nahihirapang huminga. Hanggang sa magkaroon ng Junior Battle of the Bands. He formed a band together with his friends, Jon and Jake, the twins, assigned in keyboard and the drums, Chris in electric guitar and him, Tyler as the bassist and the vocalist. It wasn't the first time hearing them play though, pero ang nakakagulat lang ay kaya pala nilang tumugtog na may specific instrument. Nasanay akong puro ukulele at acoustic guitar ang tinutugtog nila, ngayon, literal na pang banda na.
It was that day, when everything turned upside down.
"Aia, may tickets ka na para sa JBOTB?", tanong sa akin ni Jea, isa sa mga kaibigan ko.
Niligpit ko ang iilang gamit at nilagay sa ilalim ng desk. Isiniksik ko ang footmap sa pinakagilid ng desk tsaka nag-angat ng tingin sakanya.
"Oo, mamaya na 'yon 'di ba? Mga ala una?", sabi ko at tumayo na din.
"Oo. Uuwi ka ba sa inyo o sa canteen ka na kakain?"
Tinignan ko ang kulay pink kong relo para malaman kung anong oras na. It's already quarter to twelve. Kung uuwi ako ay baka makatulog ako at makalimutan ang event kaya siguro ay sa canteen nalang ako kakain. Nasa tapat lang din kasi ng canteen ang theatre room kung saan gaganapin ang contest.
"Sa canteen nalang", sabi ko kaya doon na din ang deretso namin.
Hindi naging madali ang paghahanap namin ng upuan kaya natagalan kami. Mabuti nalang at nakita ako ni Tyler kaya agad niya akong tinawag papunta sa table nila.
"Jea, Ayena, dito na kayo.", aniya nang makalapit kami sa pwesto nila.
Ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat. Umusog ng kaunti si Jon, na siyang katabi ni Tyler, para maka upo ako habang nasa harapan ko umupo si Jea, sa tabi ni Jake.