Chapter 4

9 0 0
                                    


Athena's POV

Lalapit na sana ako sa kanila, ngunit napaatras ako ng makitang papalapit samin ang Grupo nila Bogart Mabagsik. Maitim, malaking tao, malaki ang tiyan, malaki ang mga mata, ilong at mukha.

Ok, lahat sa kanya malaki !

Nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatingin saamin.

Nakakatakot talaga ang panget na'to !

Pito silang lahat sa kanilang grupo. Tatlo sa kanila ang malalaki ang katawan. Isa na dun si Bogart. Ang apat ay puro payat na, ngunit nakakatakot ang mga itsura. Mukha kasing mga bangkay at nag ddrugs. Pambihira ! Grupo ng mga panget ang dapat itawag sa kanila e. Kaso hindi.

Ang pangalan ng Grupo nila ay, Boy Angas Hanep Opras (BAHO)

Kilala sila bilang maangas at mayayabang na grupo. Wala silang patawad. Maraming takot sa kanila. Dahil kahit lalaki, babae, bakla tomboy, bata o matanda pinapatulan ng grupong ito.
Ang balita ko nga e, may itinayong Fraternity ang isang 'to. Puro estudyante sa high school ang nire-recruit galing sa iba't ibang school. Kaya bihira ang nangangahas na pumalag sa kanila. Dahil, di ka pa nakakalayo sa bahay nyo may bigla nalang titira sayo. O di Kaya naman ay aabangan sa labas ng school para banatan.

Tila na-estatwa ang ilan ng makita sila. Natahimik at napahinto sa ginagawa ang lahat. Maliban kina Carita at Pucrita na kasalukuyan paring nagbabalian ng mga buto sa braso !

Ako ang natatakot para sa mga buto nila ! Juskoday!

Kinabahan ako ng lapitan ni Bogart ang dalawan. Hinawakan nyang pareho sa kwelyo mula sa batok para paghiwalayin Ang mga ito. Sa laki ng katawan at tangkad nya, ay walang kahirap-hirap na iniangat nya ang dalawa ng magkaharap ! Parehong nagulat ang dalawa. Bakas ang takot sa mukha ni Pucrita. Maliban kay Carita na mukhang nainis dahil inistorbo ang pag-aaway nila. Tapang !

Di na kayo naawa sa mga sarili nyo, halos puro balat nalang ang meron kayo, nagagawa nyo pang mag away ? '-Nanlalaking mga mata at may diin na pagkakasabi ni Bogart.

Dahil dyan ay nagtawanan ang mga kasama nya.

Tinitigan nya ang dalawa, at maya-maya'y pinaglayo habang bitbit parin sa mga kwelyo nina Carita at Pucrita

Nanlaki ang mga mata ko, ng pag-untugin nya ang dalawa. Sa lakas nun ay bumagsak at halos mahilo-hilo silang sumalampak sa sahig !

Aray ! Sigaw ng dalawa.

Grabe !

Dinig kong bulong ng ibang estudyante na nakakita sa nangyari. Naawa man ay wala silang magawa dahil takot sila sa grupong ito.

Hoy ! Mabilis ang naging paglakad ko palapit sa kinaroroonan ni Bogart. Lumapit naman ang apat na bakla upang tulungan ang dalawang payatot na mga kaibigan.

Tiningnan akong pailalim ni Bogart, kinilabutan ako ng bigla itong ngumisi.

Sa susunod na makita ko pang nagrarambulan kayo dito, ay pag uuntugin ko kayong lahat ! Galit nyang sabi. Namumula Ang nanlilisik nyang mga mata. Kami lang ang dapat at may karapatang gumawa ng gulo dito. Hindi ang tulad nyong mga nagtatapang tapangan lamang ! Dagdag ngunit pasigaw ng ani nya.

Pagkatapos nun ay, tumalikod na sila at umalis.

May araw ka din, pakyu !

Nang mawala sila sa paningin ko ay dinaluhan ko na ang aking mga kaibigan.

Ang Mayabang Na Si Lalaki At Ang Palaban Na Si BabaeWhere stories live. Discover now