Alam kong kanina pa kayo atat kung sino si Paul. Hihi.
Well, si Paul lang naman ang gwapo namin na kaklase. As in suuuuper gwapo! Ang kulit ko 'no? Eh kasi naman, sino ba naman ang hindi makakaiwas sa killer smile ni Paul? Uhmmm... Matalino rin siya, lalo na sa Math. Kaloka! Sa kanya nga kaming lahat nagpapaturo ng Math eh. Pero, dyahe ata. Ang taray naman kasi. Pero, at least, kapag naman may nangangailangan talaga ng tulong niya, natulong siya.
Anyway, eh 'di heto ako ngayon, nasa classroom namin. Hays. Nakakabagot. Kasi naman si Alyza, iniwan ako. Alam n'yo ba kung nasaan siya? Iyon, nadoon sa Paul niya, hinihintay niya sa may gate. Wala tuloy akong kasama. Wait, hindi sila, ha?! Baka isipin ninyo eh sila. Ganito kasi iyon. Bale hinihintay lang talaga niya ang kanyang 'man of her dreams'. Wahaha!
Nahinto ako sa pagmumuni-muni ko....... YES!!! May nag-approach din sa akin na kaklase ko. To think na November na, ilang buwan na ang nakalilipas simula nang magpasukan.
"Uhm, Darlene. Hello." Medyo nahihiya pa nga si... Sino nga ba siya ulit?
"Ahhh... Hello rin." Sino nga ba siya?
Nag-isip muna ako. Tama! Si Andrea!
"Darlene, bakit ata hindi mo kasama si Alyza?"
"Si Alyza? Kasi naman may hinihintay siya eh."
"Ahhh..." sabi ni Andrea. Medyo nagkakahiyaan pa siguro kami sa isa't-isa.
"Darlene, may sasabihin ako sa'yo, kaso wag kang maingay, ha?" Sabi pa ni Andrea.
Sige, tatanggalin ko muna ang pagiging mahiyain ko.
"Sige. Ano ba iyon?" Kung hindi n'yo po natatanong, may pagkatsismosa po ako.
"Kasi ganito 'yon. Kilala mo naman si Paul, 'di ba?" Hmmm... I smell something fishy. Sige, makikinig muna ako. Told 'ya! Tsismosa ako!
"Oo. Bakit? Gusto mo siya? Gusto mo rin siya? Eh? 'Di nga? Talaga? Eh si bessie rin eh!" Hala! Napatakip tuloy ako ng bibig. Bakit kasi ang daldal ko. Ayan tuloy nasabi ko tuloy. Lagot ka, Darlene. Waaahhh! Bessie, patawad!
"Eh? Ang dami mo namang sinabi. Pati rin naman pala si Alyza. Pati, ano ka ba? Hindi naman kami ni Paul para pagselosan ko si Alyza." Nakakamangha naman ang kabaitan ni Andrea.
Masyado akong na-amaze kay Andrea. Hindi ko tuloy napansin na kinakaway na niya 'yung kamay niya sa harap ko.
"Ay sorry, Andrea. Ano nga pala ang ipapatulong mo?"
Napatawa siya sa insal ko. "Hindi, huwag na lang pala. Kasi balak ko sanang ibigay itong letter na ginawa ko para kay Paul, tutal naman at seatmate mo siya. Pero, okay lang. Baka kasi magkatampuhan pa kayo ni Alyza."
Napatitig ako sa kanya. Napahinto ako saglit at saka nagsalita. "Andrea, sorry, ha? Hayaan mo, next time na hihingi ka sa akin ng favor o tulong, naandito lang ako."
Tumawa naman si Andrea na parang okay lang sa kanya na hindi ko magagawa 'yung pinapagawa niya which is 'yung pagbibigay 'nung letter kay Paul. "Ano ka ba? Okay lang, 'no. Pati friends na tayo, ha?" Sabi niya habang nakangiti.
"Okay," sabi ko nang may ngiting nakapaskil sa aking labi.
Medyo hindi na kami nagkakahiyaan kaya kwentuhan pa rin kami nang kwentuhan hanggang sa may tumawag, o mas angkop gamitin ang 'sumigaw'. May sumigaw kasi sa pangalan ni Andrea.
Maya-maya, lumipat na sa amin yung sumigaw ng pangalan ni Andrea. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Erika? Siya nga ba?
"Hoy, Ericka," sabi ni Andrea nang makita niya si Erika.
"ANDREA! NAANDITO KA LANG NAMAN PALA. KUNG SAAN-SAAN KITANG LUPALOP HINANAP, HA!"
N/A: Pinapasabi po ni Erika na kaya po naka-capslock para daw po instense. Lol.
"Ah... ganun ba? Nagka-kwentuhan lang kami dito nang alam mo na, tungkol kay 'ano'. Anyway, kilala mo naman, 'di ba si Darlene?" Tanong ni Andrea kay Erika.
"Oo. Naging magkaklase na kami ni Darlene noong 1st year."
Tapos bigla ko na lang siya naalala. Oo nga pala, naging kaklase ko nga pala siya.
"Ahh. Oo. Naging magkaklase nga kami."
"Tara labas tayo. Malapit na naman mag flag ceremony eh," sabi ni Andrea.
"Sige."
'Di ko nga naman natandaan na malapit na mag-bell. Naalala ko tuloy ang ginawa ni Alyza. 'Yung pagbuhos niya ng malamig na tubig sa akin para lamang gisingin ako. Hindi pa naman pala kami late eh. Napakamot tuloy ako sa ulo ko.
Eh 'di ganoon na nga ang ginawa namin. Lumabas na kami ng classroom. Wait, nasa saan na nga pala si Alyza? Bessie, where art thou? Palinga-linga ako habang naglalakad. Tapos bigla na lang may nahagip ang mata ko. Kaya naman pala. Nakikipag-usap pa kay Paul. Magka-group kasi sila sa isang project namin.
Mamaya ko na lang sasabihin sa kanya na, 'O, ayan ha bessie, binigyan ko kayo ng quality time ng Paul mo.'
Anyway, kasama ko buong maghapon sina Andrea at Erika, kaya 'yun masaya, kahit wala si bessie. May bago akong friends. :)

BINABASA MO ANG
In Love Ako Kay Dota Boy!
Novela JuvenilHindi ko ine-expect na mai-inlove ako sa kanya. Bigla ko na lang namalayan na gusto ko na siya. Hindi ako sanay sa nararamdamang ito eh. Ngayon lang talaga. 'Di naman siya masyado KAGWAPUHAN. Pero meron talagang kakaiba sa kanya. 'Di ko alam kung an...