Chapter 2

4 0 0
                                    


"Ano sasalihan niyo na activities?" Friday na ngayon, isang linggo kaming walang ginawa. Inintroduce lang saamin ang school na every year nila ginagawa. Pati na rin ang mga bagay na pwede at hindi mo pwede gawin inside the campus. Basics.

Kakatapos lang din ng orientation ng each activities kaya naman aligaga na ang mga studyante mag isip.

Nag aabang kami ni Myka ng sagot ni Sage kaya nakatitig kami sakanya, "Uh, maybe arts club?" Pinag iisipan niyang sagot.

"Ay, same tayo." Kinindatan ko siya kaya  nakatanggap ako ng isang kurot galing kay Myka.

"Maharot ka. Wala ka ngang alam sa arts." I make face kasi binuking niya ako. Buong Linggo ako bumanat kay Sage, minsan nga kinikilig na ako sa sarili ko eh. I'm enjoying his reactions.

"Bawal mag joke? Anyway, badminton pa din. But I wanna try volleyball. Namiss ko lang maging captain." Pagyayabang ko. Captain ako ng elem team namin noon.

"Gaga ka. Intrams captain ka lang naman. 1 week! HAHAHA." At least naging captain! Ako kasi pinaka magaling mag volleyball nung elem namin kaya ako ginawa nilang leader AKA captain.

Tinawanan nila akong dalawa kaya I glared at them. "Whatever. Tulungan mo 'ko. Close ka sa captain niyo, di'ba?" Hinawakan ko pa ang kamay ni Myka para mas full force ang pag pilit.

"You can't have two sports activities." Singit ni Sage. I frowned and looked at him with confusion. Hindi ko pa naman naririnig yung rule na yun?

"Pa'no mo nalaman? Sinabi sa'yo? Bakit hindi kami ininform?" Sunod-sunod ko na tanong. Inirapan niya ako kaya tinaasan ko siya ng isang kilay. ATTITUDE!

"Sinabi kanina pero hindi ka nakikinig." Talaga?? Pero the whole time naman ako nakatingin sa nag orient, cute kasi. Puro na naman ata kaharutan ang iniisip ko kanina.

"It's final, then. Kulong ka na naman diyan sa badminton mo." Myka looked disappointed. They support my want to quit badminton kasi daw nawawalan na ako ng time sa lahat ng bagay.

Ilang beses ko na din sinubukan mag quit sa badminton but my coach won't let me. Ako daw ang asset ng school.

"Sage, bigyan mo naman ako ng drawing mo." Binalingan ko na lang ang katabi ko na busy na naman mag drawing at hindi na pinansin si Myka.

"P5,000." Napalingon din saamin si Myka sa gulat. Oh, halatang chismosa.

"Hoy ang OA." Singhal ko.

"Brielle, artworks aren't free because of materials and effort given to the piece." Pangaral niya saakin. Damn, binanggit niya lang pangalan ko pero grabe na impact sa puso ko.

"P5,000 then." Mas nagulat kami nang biglang hinampas ni Myka ang table ko.

"What the hell. Brielle the kuripot, where are you?" She acted like she's looking for someone. Sinaway kami ni sir Jomar dahil sa ingay na ginawa ni Myka.

"Shh, people change." I said while I shoo her away. Pinabalik ko siya sa pakikipag usap kay Hail, yung seatmate niya.

"Are you sure?" Sage asked while looking at my eyes like he doesn't believe me.

"Well, you have a point. The guilt is on me." People nowadays looked down on artists dahil drawing 'lang' naman daw yun. Not knowing the effort, time, and money spent in one single artwork.

"I don't accept money out of pitty." He shrugged and I rolled my eyes. Inabot ko ang kamay niya at nilapag ang P5,000 doon. For some reason, hindi ako nasayangan sa pera na yun. Ipon ko yun pero kasi usually, kahit gaano ko kagusto ang isang bagay, I won't buy it unless kailangan ko talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fix me [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon