CHAPTER THREE (ANOTHER ENCOUNTER)

15 4 0
                                    

Maih POV

At pagkatapos ng mahabang pakilalahan at kakarampot na contribution ni Ice sa buong klase kanina, nandito na kame sa reataurant este cafeteria pala hahaha.. Namamangha pa din talaga ako sa cafeteria nila antaray lang kase akalain mong ang sosyal ng kainan sa school nato and take note ha kapag nakuha mo na ang official ID's mo at membership card viola libre na lahat dito aba nakakaloka sila ang sosyal!!! Parang gusto ko tuloy makilala ang may - ari neto at palakpakan ng bonggang bongga.. hahaha

"Ano mag iimagine kana lang ba o kukuha ka na ng pagkain?"- Ice... syempre si Ice yan ang dakila kong napakabait na kaibigan..

"Ay andyan ka pala akala ko wala akong kasama" pang aasar ko..

"Tsssk gutom na ako"- Ice....

"Oh eh ano ba gusto mo aking kamahalan" - ako....

"Basta yung makakain" -walang kwenta nyang sagot.. Ay bwesit talaga tong babae na to akala mo naman napagod sya sa pagsasalita kanina sa klase eh sya nga tong kakaunti ang sinabe sa aming lahat.. Infairness din naman ha walang panget sa mga classmates namen hahahahahaha lalo na sa boys ang gugwapo mygosh ....

"Ano ba maih"- Ice..

"Eto na nga! Reklamadora!" Tatayo na sana ako at pupunta sa counter kung saan mag oorder ng naghiyawan ang mga estudyante na nasa cafeteria.. GRABE LANG HALOS MABASAG ATA EARDRUMS KO LIKE DUHHH...

"OMG!!!!! LEIGHTON!! ZANO!!! SHIRO!!!"
"YOUR SO HOT GUYS!! ILOVEYOU!!"
"MARRY ME LEIGHTON!"
"BE MY BOYFRIEND ZANO MY LOVES!!"
"PRINCE SHIRO!!"

Ilan lang yan sa mga naririnig namen ngayon.. at literal na tumaas ang kilay ko ha!! aba eh kung makatili ang mga to akala mo dumating si Lee min hoo at BTS.. nakakaloka sila grabe... Nang makita ko ng tuluyan yung mga nilalang na tinitilian nila eh MGA CLASSMATES ko ang mga yan ahh!!! Ay akalain mo yun sikat pala yang mga kumag na yan dito.. Hmmmm sabagay mga gwapo nga talaga yung isa mukhang japanese tapos yung isa mukhang chinese at yung isa mukhang koreano aba mga may lahi ang taena 😂😂😂 nakaka amaze!!!.. Basta ampopogi nila yun ang masasabi ko!! Pero teka yung isa na mukhang arina yun yung kausap nitong Kj kong kaibigan ahh..

"Oy ice diba yun yung kausap mo kanina at katabi mo? Si Mr. labanos, akalain mo sikat pala yan" - dada ko sabay lingon-----

Toinks asan na yun wengya dada ako ng dada nilayasan na pala ako ng gaga.. Ay kahit kelan talaga napaka nung babaeng yun.. Hinanap ng mga mata ko si Ice at natanawan ko sya na nakapila sa may counter. Naglakad ako papalapit sa kanya at laking gulat ko na nandun din yung mga BTS boys chaarr wala ako matawag sa kanila eh.. ano ba dapat.. THE LABANOS BOYS.. THE SUPER ARINA BOYS... o THE BIG WHITES ... hahaha whatever...

"Mis pila namin yan"- narinig kong sabi ng isa sa mga BW yung kausap ni ice ata yun kanina.. nakita kong si ice ang sinasabihan nya.. lumapit ako at pinanonood sila..

"Nauna ako dito" - si ice .. Syempre poker face na naman yan alam nyo naman yan si ice pinaglihing naka poker face..

"Pero dyan ang pila namin since Ist year" - si labanos....

"So?" - ice... Grabe natatawa ako kase halatang naaasar na sila pareho at yung dalawang kaibigan ni labanos nanunuod lang din sa kanila.

"Anong so? Eh dyan nga ang pila namen it means samen ang pwesto na yan.. dyan kame lagi pumipila at nakalaan yan para samen mis" - paliwanag ni labanos..
uhmmm naiintindihan ko naman sya diba kase tayo may mga nakasanayan nga naman tayong gawin since sila ang nauna sa school nato baka ganun ang nakagawian nila... Hindi naman sya tunong nagmamayabang but alam mo yun aminado ako na isip bata sya pero base talaga sa napapansin ko sikat tong mga mokong na to dito at itong walang kaabog abog kong kaibigan eh laging natyetyempo kay mr.labanos...

"Nakalaan para sa inyo? Ano may favoritism? Baket naka selyo ba pangalan mo sa simento?"- sarkastikong wika ni ice.. grabe talaga wala syang kupas hahahaha...

"Alam mo your unbelievable!"- inis na wika ni labanos.

"Ha!" Ako pa baka ikaw anlakas ng sapak mo sa ulo" - seryosong wika ni ice habang inaabot ang pagkain..

"Your so annoying at sobra kana mis kanina kapa sa room" - bawi ni labanos..

"baka ikaw ang kanina pa"- bawi ni ice sabay layas sa pwesto na kinalalagyan nya. Akala ko tapos na pero huminto si ice.

"Sa susunod kase lagyan mo ng pangalan mo yang sahig para alam ko na pag aari mo yan di yung susulpot sulpot ka bigla at mang aakin ng di iyo tsssh" - banat nya....

Gusto kong tumawa ng malakas na malakas sa sinabe nya at sa reaksyon ni mr. Labanos.. hahaha naiwang nakanganga yung pogi tapos tong kaibigan ko biglang sinabayan ng alis.... Nakakaloka kase andaming estudyante ang nakatingin sa kanila.. feeling ko magiging masaya ang school year namen dito.. Hahaha Im super duper excited... Tumatakbo akong sumunod kay Ice pabalik sa table namen.. laptrip ang bwesit....

"hahahahahahahahahahahaha" saka ako tumawa ng tumawa habang hawak ang tyan ko..

" anong trip yan?" - mataray na tanong ni ice..

"nakakatawa kayo talaga ni mr.labanos ice grabe sobra para akong nanunuod ng live wrestling!"- ako...

"Wrestling? Baket nagsapakan ba kame?- pamimilospo nya..

"Gaga..nakakatawa ka kase mas lalo mong pinikon eh halata namang pikon yung tao sayo!" -ako sabay kagat sa chicken ko.

"kanina pa kasi yung taena na yun. Inuubos ang pasensya ko" -inis na wika nya..

"Aba eh halos sumabog sa inis sayo yung tao.. namula na sa inis yung maputi nyang pagmumukha, hahahaha!" -ako...

"Bat ganun kulay nun parang kinulang sa dugo"- wala sa sariling wika nya..

"At talagang nakapagbiro kapa ha.. nakikita mo ba yang mga students na yan oh ayan tignan mo sila ansasama ng tingin saten dahil sa exena kanina nakakaloka ka talaga!" - mahabang lintanya ko..

"wala akong pakealam sa mga yan" -ice..

"Oo nga naman ano nga namang bago doon.. kelan ka ba nagkaroon ng pakialam nuh!"-pang aasar ko pa.

"Pwede ba kumain kana lang" -ice ..

"Sinasabe ko sayo, ihanda mo ang sarili mo dahil siguradong magiging madugo pag aaral naten dito" -pagbabanta ko sa kanya...
Ramdam ko pa din yung masasamang tingin ng mga estudyante dito sa amin..At itong kaibigan ko ayan deadma na naman.. Haaaay ngayon pa lang ihahanda ko na ang sarili ko sa mga susunod na araw... Tssk tssk tssk wish ko lang na di na maulit yung nangyare kanina.

HER STORY Where stories live. Discover now