047: Have Faith

319 16 0
                                    

047: Have Faith

---

"Sir Jo? Sir Jo, where are you!?" Hindi na akomagkandamayaw kakaikot sa mansyon. Hinahanap niya si Jo. Pagkatapos ko kasing matauhan ilang oras matapos akong iwanan ni Valence sa kwarto niya ay saka pa lang bumalik sa diretsong pag-iisip ang utak ko. Habang tumatagal padagdag ng padagdag ang mga katanungang hindi ko mabigyan ng sagot.

Nakasalubong ko si Jo na may dalang bouquet ng white lilies na nakabalot pa sa dyaryo. Huminto siya sa paglalakad. "Young Lady Judy, good morning to you."

"Jo!" Agad ko siyang nilapitan. "Where did Val go?" Bakas sa kaniyang mukha ang labis na pag-aalala para sa binata.

"Why do you ask, Young Lady?"

"He left me! He might not come back! I don't know what's he's going to do so please, if you where he is heading, tell me!" pagmamakawa ko.

Sandali siyang nag-isip kung sasagutin ba ng totoo ang tanong ko o magsisinungaling. Ngunit sa nakikitang hitsura ko, bumuntong-hininga na lang ito bilang pagsuko. "I'll tell you. You won't be able to leave this land anyway."

"What do you mean?"

"Young Masters, Caine and Valence, instructed all the guards to keep you in the parameters."

"Why would they do that? Did Caine leave with him?"

"It's for your own protection. And yes, he did leave with him."

"Why did they left me here? Am I being abducted?"

"Of course not. Follow me," instrukto nito.

Tahimik na sumunod lang ako sa direksyong pinangungunahan niyang tahakin. Narating namin ang veranda. Inanyayahan niya akong maupo sa isa sa mga upuan ng hardwood outdoor table set. "Sir Jo?"

"Yes?" Inaayos niya ang mga bulaklak na hawak sa isang mamahaling vase. Transparent ito at hugis anghel.

"If I can't leave, could you do me a favor?"

"Of course. What do you want to know?" Maingat ang paghawak niya sa bawat tangkay ng bulaklak.

"What do you know about, Val?"

Napansin ko ang kagalakan sa pag-angat ng gilid ng labi niya. "It seems you are far more interested in him than your own brother."

Medyo nakaramdam ako ng hiya. Ramdam ko din ang bahagyang pag-iinit ng dalawang pisngi ko. "Err..."

Natawa siya ng kaunti. Pagkatapos niyang ayusin ang naggagandahang lilies sa ulo ng babasaging anghel, humarap siya sa akin. "I'll prepare breakfast. You might get hungry listening to my story." At so iyon nga ginagawa niya. Ipinaghanda niya ako ng simpleng omelette rice at black coffee. Kinailangan ko pa siyang kulitin para sabayan akong kumain. Ikinuwento niya sa akin kung sino si Abramo Ferrari--ang ama ni Val. Nahilakbot ako nang malamang ang lalaking iginigiit na mahal niya ako ay anak ng lalaking isa sa lumapastangan sa ina ko. Pero hinayaan ko siyang tapusin niya ang kwento mula kay Abramo hanggang sa pagtataguyod ni Valence ng samahang Casts para pabagsakin ito.

"You mentioned you were there on Val's first time... killing someone. Were you originally with the Ferraris?" usisa ko. Halos di ko na manguya ang pagkain ko dahil hindi biro ang pinagdadaanan ng bawat tauhan sa talambuhay ni Val.

Nakakamanghang normal lang siya sa pagkain habang sumasagot sa mga katanungan ko. "Yes."

"How did you join the Magnus then?"

"There's someone who took over my position as his adviser. He then appointed me to train Young Master Valence since. I'm originally a freelance hitman."

"Freelance hitman?"

Sandali siyang humigop ng kape bago nagpatuloy. "I'm no clean man. Moving on, I became a Ferrari adviser because the previous boss was interested in my words of wisdom. After Abramo made me his son's babysitter, Logan hired me to train Caine too. Hiroshi--Akio's father--favored my ways so he sends his son to join us. Their training ground is here, this is why the Young Masters has their own rooms in the mansion." Napansin niyang hindi ko na ginagalaw ang agahan ko. Naiintindihan niyang may nabubuhay na pagdududa sa isip ko laban sa tatlong binatang pinalaki niya. Paano nga ba naman, anak ng tatlong lapastangan ang fiance ko, ang half-brother ko, at ang isa pang hindi ko pa nakikilala. "You shouldn't accuse them of the crime they did not commit."

Napapitlag ako sa sinabi niya. Tama siya. Hindi sa lahat ng pagkakataon, kung ano ang puno ay siya ding bunga. "Sorry."

"It's not your fault too."

"What?"

"Caine told me how you became half-siblings."

"Oh..."

"What Logan did to your mother is not your fault."

"I don't think... it's my fault... I think...?"

"Deep down you resent yourself from being alive today. But I assure you, if anybody resented you for living, we wouldn't be having this conversation today."

Hindi ko pa alam sa ngayon. Kailan ko lang nalaman ang malagim na nakaraan. Marami pa akong dapat malaman. Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang pamilya ko. Mas bibigyang pansin ko muna ang mahanal sila bago ano pa man. At bago pa magkalimutan, hindi pa nasasagot ni Jo kung nasaan si Val. Ang alam ko lang may grupo itong pamumunuan at may pinaghahandaan na laban sa ama. "Before I forget, Sir Jo, where did Val really go? What's going to happen to him?"

"Portugal. He'll discuss the infiltration plan to the rest of the Casts. After that they will all fly to Italy to carry it out." Tumayo si Jo. "I'm sorry, Young Lady. I've said quite enough. You shouldn't put your nose to someone else's problem. I only recommend you stay here, where it's safe--"

"Will he come back?" Natatakot ako. Paano kapag hindi ko na uli makita si Val? Sa paraan ng pananalita niya sa akin bago siya umalis para bang ang liit ng tsansang makabalik pa siya ng buhay. Nagpapaalam na siya kaninang unaga for damn's sake! "He promised me he won't leave my side!"

"There's nothing I can do. There's nothing you can do."

"I can't just sit here...!"

"Do you love him?"

"What...?"

"Have faith. He'll come back if his heart is set for it." Inumpisahan niyang linisin ang pinagkainan namin. "If he doesn't--" tiningnan niya ako ng may lungkot sa mata, "--his soul will be with you."

Pagkatapos no'n ay naiwan na akong walang magawa kung hindi timbangin kung alin ba sa lahat ng alalahanin ko ang dapat kong unahing bigyan ng solusyon.

---

VasiliasVampirMou

Belonged to the Mafia 18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon