Part 1

56 0 0
                                    

          “Dalawang taon na simula nang nangyari ang nightmare ng buhay ko. Magcocollege na din ako. Makakapaghintay pa ba ako sa kanya? Maniniwala pa kaya ako sa mga pangakong binitawan niya?” bulong ni Sharlyn sa sarili niya.

          “Hoy Bestfriend! Nasaan na naman utak mo? Lumilipad na naman ata sa universe,” pasigaw na sabi ni Jade. Si Jade ang bestfriend ni Sharlyn simula ng hyskul. Walang sikreto si Sharlyn na di alam ni Jade at ganun din si Jade kay Sharlyn.

          “Ahh. Ehh. Hmmmm. Halika ka na nga punta na tayo sa mall,” yaya ni Sharlyn kay Jade kasi alam niyang mas hahaba ang usapan kapag sinagot pa niya ang tanung ni Jade.

         “Oo nga pala mamaya na ang birthday party ni Ann. Magpaparlor pa tayo kaya dapat makaalis na tayo kaagad,” sagot naman ni Jade na nagtataka kung bakit di sinagot ng bestfriend niya yung tanung niya.

          Pagkatapos magmall at magpaparlor nila Jade at Sharlyn. Tinawagan naman kaagad ni Jade ang boyfriend niyang si Angelo para sunduin sila sa mall at ihatid sa bahay nila Ann. Matagal na din magboyfriend sila Jade at Angelo. Almost 4 years na din sila. Magkakalove life pa kaya si Sharlyn?

         “Pupunta kaya si Sharlyn ngayon?” paulit-ulit na tanung ni Chris sa sarili niya. Gusto niya kasi maka-usap ito matagal na kaso di sila nagkikita.

         “Pare! Ooh ano naman iniisip mo diyan?” tanung ni Marc.

          “Wala pare, pupunta ba sila Jade dito?” sagot naman ni Chris kay Marc.

          “Oo pare, kasama niya si Sharlyn,” agad na sagot ni Marc.

          “Ahh. Sige pare salamat ha,” nakangiting sagot naman ni Chris pero medyo kinakabahan siya.

Right Time for Us ( Short Story, Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon