"Anak ano ba gumising ka na nga!!"
Yinuyugyog ako ni mama dito sa kama ko, napakamot ako sa aking ulo ng di oras..
"Ano ba ma!! Ang aga aga pa ee.. Madaling araw palang oh..Hmmp.."
Sabi ko kay mama at akmang tumalikod ako..
"Ikaw talaga anak!! Ano ba simbang gabi ngayon!"
Sigaw sa akin ni mama.. Tumayo naman ako agad.. Oo nga ano? Excited pa man din ako mag simbang gabi.
"Oo na ma, heto na maliligo lang po ako saglit."
"Bilisan mo.. Malelate na tayo.."
Agad akong naligo tapos nagpalit na ako. Tapos bumaba na ako nag coffee, pagkatapos nun pumunta na kami ng simbahan..
"Sa ngalan ng ama ng anak ng espirito santo.. Amen.."
"Let's all be sitted and let us listen to father for the homily. Good Morning father."
Nagsasalita na yung pare tapos bigla nalang pumipikit yung mga mata ko sa antok, tapos bigla akong siniko ni mama.. At pinanlakihan ako ng mata..
Kyle's POV
Nakita ko sya. Nalove at first sight ako sa kanya, aish. Ang aga aga ee. Hay, nakita kong siniko sya ng kanyang mama haha.. Pano kasi natutulog ee.. Natawa naman ako bigla doon, tapos si mama siniko din ako..
"Kyle, ano ba yan tumatawa ka jan mag isa, walang nakakatawa sa sinasabi ng pari.. Para kang baliw jan.."
Tapos nginitian ko lang si mama. Ang topic kasi ng pari is about love. Pero hindi naman yun ang tinatawanan ko yung babae kanina.. Actually, i think i like her. Bubuuin ko ang simbang gabi basta meron siya..
* * *
Natapos na ang simbang gabi, madaming tao ang lumalabas hindi na siya mahagip ng aking mata. Hindi ko na siya makita, saan kaya siya nakatira? Saan kaya bahay nila? Paano ko kaya siya liligawan? Este paano ko ba siya kakausapin?
Puro saan at paano ang nasa isip ko. Magkikita pa kaya kami? Bubuuin ko talaga ang simbang gabi basta ba makita ko siya. Pinalabas muna namin yung mga maraming tao, bago kami lumabas nila mama dahil ayaw namin ang makipag sik sikan sa madaming tayo. Tapos nun, bigla akong may natapakan, nang kunin ko isang cute key chain na Angel. Tapos nang binaliktad ko ang Key Chain.. May nakalagay na pangalan.. Kylie Angel :)
Is it possible na siya yung babaeng gusto ko?
"Kyle!! Halika na!!"
Tumakbo agad ako.. At sumakay na kami sa kotse.. Hindi ko mapigilan na tignan yung key chain na ito.
Kylie Angel's POV
Halos manyakin ko na ang bag ko dahil nawawala yung key chain ko. Mahalaga yung key chain na yun sa akin, bigay yun sa akin ni papa bago pa siya mamatay.. Remembrance nya sa akin yun.. Isang angel at kunwari siya ang papa ko yung angel na yun ang nagbabantay sa akin.. Binigay niya muna yun kay mama sabi niya na yung nakalagay na pangalan dun ay yun ang ipapangalan sa akin..
Naaksidente kasi si papa tapos yun binigay niya yun kay mama at bigla namang nanganak si mama nang mga oras na yun at nung lumabas na ako sa sinapupunan ni mama, bigla nalang namatay si papa.
Kaya mahalaga yung key chain na yun sa akin. Mahal na mahal ko yun, dahil yun nalang ang alaala ni papa sa akin.
"Anak ano bang hinahanap mo jan? At halos buong kwarto mo ee parang bingyo?"