Chapter 17: Practice

4.2K 23 0
                                    

“El, may tinatago ka ba sa akin ha?” tanong ko sa kanya. Katatapos lang nung last class ko ng tumawag siya sa akin. Kailangan niya raw ng kausap eh. At bilang bestfriend niya, kailangan ko siyang samahan. Kahit male-late ako sa practice namin.

“Ewan. Kahit ako di ko alam.” Sabi niya. Frustrated na frustrated ang hitsura niya. Obvious na obvious na malaki ang problema niya.

“Di kita maintindihan. Ano ba kasi yang bumabagabag sayo ha?” tanong ko.

“Kilala mo naman si Von di ba?” nagulat ako sa tanong niya.

Tumango ako. “Anong tungkol kay Von? Sinaktan ka ba niya? Ano? Sabihin mo sa akin? Susuntukin ko yun eh!”\

Ngumiti siya. Yung pilit. Tapos umiling.

“Eh ano?” tanong ko na mas lalong naguluhan.

“Sabi niya magkakilala daw kami.” Sabi ni Ella.

“Ha? Eh magkakilala naman kayo ah? So ano yung issue mo?” ako.

“Kilala ko raw siya dati pa…” she trailed off.

Nagulat nalang ako sa mga sumunod niyang sinabi, “sabi niya he was my boyfriend.”

Wow! Bestfriends talaga tong Von at si Kiefer! Parehas malalakas ang tama eh! Feeling masyado!

“Sus! Ba’t ka ganyan kung makareact! Nagfeefeeling lang yan! Ganda mo eh!” biro ko sa kanya. Pero di par in nagbabago expression ng mukha niya.

“Di kasi ganun yun Grace eh.” Sabi niya na may bahid na lungkot ang boses.

“Eh ano pa ba? Wag mong sabihing totoo?!” medyo napalakas ang boses ko. Nanglaki ang mga mata ko pagkasabi ko nun.

Impossible naman kasi eh. Kilala ko si Ella eversince. Pero ni minsan wala siyang nabanggit na Von.

“Di ko alam. Di ko alam.” Sabi niya at bigla nalang tumulo ang mga luha niya. Takte! Anggulo!

“Teka nga, di ko talaga maintindihan Ella eh. Ano ba to? Paanong di mo alam? I mean..” napatigil ako sa pagsasalita.

“NAkalimutan ko siya.” Sabi ni Ella.

Papaano nangyari yun? Papaano nagging sila? Papaano naman niya nakalimutan? Naguguluhan na talaga ako.

“Grace. Uwi na ako.” Sabi niya at tumayo.

“Hatid nalang kita Ella baka kung ano pang mangyari sa iyo eh.” Sabi ko.

“Di wag na. late ka na nga sa practice niyo eh. Sige na. bye!” sabi niya tapos niyakap ako at umalis.

Naglakad ako pabalik ng campus patungong gym. Late na ako ng 15 minutes. Pero wala akong paki-alam. Ang nasa isip ko ngayon eh kung ano ang meron kina Ella at Von.

------------------------------------------------------------------------------------------

“Heto yung listahan ng bagong members.” Sabi ni Danica sabay abot ng isang papel.

Nasa gym ako ngayon. Tutulong ako sa pagtrain ng bagong members. Yung iba eh nagstre-streching na. yung iba eh kakarating lang din.  Tiningnan ko ang listahan. Hindi ganun ka rami yung nakapasok sabi nila konti lang din daw kasi yung nagtry-out eh. Pinatuloy ko ang pagtingin sa mga pangalan ng mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na pangalan.

Grace Villa #3

Bigla kong naalala yung araw na nandoon kami sa pizza house. Narinig kong nag-usap sila nung friend niya. tapos namention din yung training. Ayaw daw kasi ni Grace sa mga training training eh.

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon