NKKLK ang maghapon na toh. Okay na man ang first day of School ko dito. Okay naman ang students. Okay naman ang mga co-teachers. Okay naman so far ang lahat. Yun nga lang e maghapon akong nastuck up sa mga memories ko noon. Mag hapon kong binalikan ang mga mapapait na nangyari.
At hindi lang pala maghapon. May sumingit pang flashback na eksena bago ako matulog. Ano ba yan? Eto ba ang epekto ng katangahan ko? Ganito ba talaga? Yung paulit ulit pinapaalala sayo yung sakit at lalo na yung kabobohan mo.
Bakit naaalala ko pa si Joey? Bakit ko pa binabalikan ang nakaraan? Bakit ako nag pakatanga? Easy to get ba talaga ako? Minahal nya ba talaga ako?
Ang mga tanong na yan ang paikot ikot sa isipan ko habang nakahiga. Ang mga tanong na yan din ang nag bigay daan para maalala ko muli ang isa pang pangyayari nung kami pa ni Joey. At ang mga tanong na yan ang ngayo'y nagiging dahilan para magsisi ako.
Bakit hindi pa ako sumuko nung time pa lang na bihira na lang sya magtext, bihira tumawag at bihira sagutin ang tawag ko. Nung lagi syang nasa tropa nya (tropa nga ba?) at panay jamming.
Kahit hindi ko na sya gaano maramdaman, may namumuong pag asa pa rin sa akin. Lalo na nung pumayag siyang pumunta ako sakanila. Parang nabuhayan ako ng sobra at naisip ko na baka eto ang matinding bawi nya sa akin.
Hindi ako nag dalawang isip at pumunta ako sakanila right after my morning class. Dun na daw ako mag lunch. Huwaw! This is it! Magiging formal at legal na talaga ang relasyon namin.
Tinext ko sya nung time na nasa labas ako ng bahay nila. Lumabas naman agad sya ng gate at bumungad sakin ang maganda nyang ngiti. My god! Namiss ko ang ngiting yan. At most of all namiss ko sya. Ang gwapo nya talaga
Masyado akong welcome sakanila. Palakwento ang mama nya at close din kami ng Papa nya dahil malapit sa bahay namin ang resort na pinagtatrabahuan nya. Kumain kami na para bang one big happy family. Ang saya ko talaga.
After that niyaya nya ako sa kwarto nya at dun daw kami mag usap. Natetense talaga ako nung pumasok kami. Nag usap naman talaga kami at nag paliwanag sya (or nagpalusot!) Tapos biglang tumahimik ng bigla nya akong hinalikan. I kiss him back pero yung kiss nya yung ramdam mo na hindi sya komportable samantalang ako damang dama.
At yun na nga nangyari na ang pinaka tangang desisyon na ginawa ko. Hindi ko man lang inisip that time kung tama bang bumigay ako sa gusto nya kahit pa hindi pa kami ganun katagal.
Eto yung tinatawag na Making Love pero hindi ko maramdaman yung love sa bawat kilos nya. Parang nag aalangan. Hindi ko alam kung nahihiya sya. Pero parang nandidiri sya ewan ko ba pero ramdam ko talaga na di siya komportable. Ni hindi ko naramdaman mag exist yung Romance that time.
Yun ang Making Love na walang love. Or should I say it was just sex.
Sabi nga ni Roxie sa Wattpad Story nya, "yung wla pang three months pero binigay mo na pagkababae mo sknya is a sign of kalandian. And if the guy only try once twice or thrice at di na nya inulit pa it means tinikman ka lang nya at di nya nagustuhan ang lasa mo. Kahit pa cnasabi nya sau na gusto nya. For sure chika nya lang yun! At kawawa ka naman."
Saktong sakto yun sa akin. Para bang yung nanunuod ka ng baseball tapos napalakas yung pag tira sa bola at sa dinarami ng audience e ikaw pa ang tinamaan. Ano nga ba tawag nila dun? Realidad!
At dalawang beses kong pang inulit ito. As usual ganun din ang nangyari. Pero nagtetext naman sya sa akin at nag paparamdam after ko pumunta sakanila. Kaso sa araw lang na yun. After that wala na. Wala nanamang text, wala nanamang tawag at wala nanamang sagot.
Dumating yung araw na hindi ko na kinaya, nag break down ako. Hindi dahil sa pinapakita ko na kelangan ko ng taong maaawa sakin, kundi dahil gusto kong ipakita na matatag ako at yung tatag na yun linalamon na ng sakit. Pinipilit ko kasing maging matatag at hindi ko pinapakita sa mga kaibigan ko na nasasaktan ako. Na may problema ako. Lalo na kay Ian dahil sigurado mag fefreak out sya. Usually si Elyn lang ang sinasabihan ko pero hindi detalyado. Sinasabi ko lang na may tampo na ako kay Joey kasi mailap na sya. At eto namang si Elyn e itetext si Joey tungkol sa kadramahan ko. Pero wala. Mag rereply lang si Joey ng "Haha", at kung anu ano pa na para bang wala syang pakialam.
Nung nag 1 month kami kelangan pa syang paalalahanan ni Elyn na monthsary namin that day. Binati naman nya ako pero nakitext lang sya. Sabi nya kasi laging All Text 10 lang ang lod nya. Initindi ko na man yun.
Hindi ko na talaga maramdaman si Joey. Hindi ko na makita yung dating sya. Wala na yung sweet messages. Wala n din yung joyride namin sa motor nya. Wala na yung tawag. Kadalasan na lang ng text nya e mag relax lang daw ako para walang pressure sa relasyon. Hinayaan ko lang sya kahit sobrang sakit na.
Hays! Bakit nga ba sa ganitong oras ng gabi ko pa naisipan mag flashback ng mga yan. May pasok pa ako bukas. Hindi nanaman tuloy ako makatulog dahil sa mga luhang ayaw paawat sa pag daloy sa chubby cheeks ko na noon e hinahalikan pa ni Joey.
Ayan Joey nanaman! Tama na Ey sa kakaisip. Ipipikit ko na lang ang mata ko at lalasapin ang bawat luha. Eto yung tinatawag nilang Crying Yourself to Sleep. Apektado pa din ako. Apektadong apektado.
BINABASA MO ANG
"One-Sided"
Teen Fiction"Naransan mo na ba ang relasyong ikaw na lang ang umaasa??? Yung ikaw na lang ang nag eefort mag text... Yung ikaw na lang yung concern at ikaw na lang ang affected.. Yung relasyong ikaw na lang yung lumalaban... Yung ikaw na lang yung may alam na k...