THE FRONTLINERS

163 4 2
                                    


A  new day of suvival matapos ang isang araw nang pakikipaglaban sa isang kaaway na mabagsik pero hindi nakikita...

Narito uli ako, muling haharap sa kalaban. In full stomach, 'yung inaakala mong kaya kang busugin for eight hours.

Diaper, ready. You may asked diaper? Yes. Kami 'yung naka-diaper. Dahil for eight hours, suot namin ang PPE.

We are allowed to change our PPE's every FOUR hours; para makakain at para sa call of nature. But it is very uncomfortable to wear and remove these protective gears.

Kaya mas pinipili naming hindi na kumain at magsuot na lang ng diaper kesa maghubad at magsuot uli ng PPE.

Simula nang magkaroon ng pandemic at magkaroon ng covid 19 confirmed cases sa ating bansa, , inihanda naming mga nurse ang kakaharapin naming tungkulin.

Kasama rin sa inalerto, ang boyfriend kong sundalo.

Kakabalik lang ni Eric ng Manila mula sa anim na buwang pagkakadestino sa Cotabato noong Pebrero. Nagkaroon kami ng time na mag-bonding sa isa't-isa. Nakapag-date ng dalawang beses.

'Yung huling date namin, pinag-usapan na namin ang aming kasal. Kahit civil wedding lang. Ang importante ay makasiguro na kami na kami na talaga forever. Buo na ang pangarap namin, eh. Konting usap na lang.

Pero bigla na lang siyang ibinalik sa Cotabato matapos na mag-anunsiyo ng lockdown ang Pangulo. Medyo may serious concern na naman doon. Nanggugulo na naman ang mga taong kalaban ng gobyerno.

Nalungkot ako pero tanggap ko na pareho kaming may sinumpaang tungkulin ni Eric. At hindi mo makukuhang talikuran ang sinumpaang tungkulin na kakabit ng propesyon namin.

Sina Eric, yung mga kahera sa supermarket, yung mga bank tellers, ang mga doktor at kaming mga nurses na humaharap sa banta ng virus. Pero ang pinakamatinding sumasagupa sa bagsik ng Covid 19 ay kaming nasa medical world.

FRONTLINERS...

Iyan ang popular na tawag sa amin ngayon. Tumaas na ang tingin sa amin ng mga tao at maging ng gobyerno.

Dati ang tingin ng iba sa amin ay mga de kalibreng utusan at tagasilbi. Totoo naman 'yon kasi ang trabaho namin ay tagapainom ng gamot, taga-tusok ng iniksiyon, tagalinis ng dumi ng pasyente kung walang ibang gagawa at marami pang gawain na tugma sa isang 'UTUSAN'.

But now, mula ng ako ay magkaisip, now ko lang narinig na we are considered unsung hero. At least ang mga doctor, dati nang mataas ang tingin sa kanila. Pero kaming mga nurses, masasabing high class domestic helper an tingin sa amin ng iba..

Kasabay ng pagtaas ng tingin sa amin bilang frontliners and pagkalagas ng ilan sa amin, mapa-doctor o nurse. Dito sa Pilipinas o sa buong mundo.

Sadyang mapanganib ang kalagayan namin ngayon. Halos araw-araw ay may banta na kami ay makapitan rin ng virus, kahit na anong ingat pa ang gawin namin, hindi kami nakakatiyak.

May mga kasamahan na rin kaming nahawa at na-isolate dito sa hospital na pinagtatrabahuhan ko. Siyempre, nakakalungkot. Kasi, ang isang Covid patient, hindi pwedeng bantayan at dalawin ng pamilya.

Mag-isa lang sila sa isolation room. Kami lang ang pwedeng lumapit sa kanila. We are rejoicing kapag naka-survive sila pero sobrang affected rin kapag nanaig ang virus at binawian sila ng buhay.

May nagtanong sa akin. May time raw ba na depressing 'yung feeling habang nasa duty?

"I said, opo. Takot din. But it's our job and commitment. It's our pledged during capping Nightingale."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FRONTLINERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon