Characters:
Charles Kieron as Chuck
Vivoree Esclito as Violet
====================================
CHUCK
I've never have much love on Valentine's Day.
Sa mga ganitong araw pinapanood ko lang ang mga magulang kong maghalikan sa harap ko. Tinutulongan ko lang ang mga kaibigan ko sa mga babaeng gusto nilang yayaing magdate. Pinagmamasdan ko kung gaano ka saya ang lahat at kaexcited para sa araw na'to. Simula palang pagkabata ko hindi ko sinicelebrate ang mga ganitong okasyon, kasi wala naman akong rason para i-celebrate ito.
Pero ngayon, iba na dahil nahanap ko na ang taong para sakin, na alam kong siya yung tamang tao na minahal ko, sobrang saya na i-celebrate ang Valentine's Day.
"Hi, lover boy."-bati sa akin ni Red habang inaayos niya sa bag niya ang mga letters na merong iba't ibang desenyo. Probably ibibigay niya yan sa iba't ibang babae.
"Nakakabadeng naman 'yang design mo sa letters."-pagtawa ko. " Saka pwede ba, huwag mo nga akong tawaging lover boy. Baka isipin ng iba na magjowa tayo dito."-sabe ko saka napangiwi ng makita kong merong mga estudyanteng nandidiri sa aming dalawa.
Nightmare.
Napatawa lang si Red. "Sege nga, lover boy. Kung mas magaling kang magdesenyo ng letters, nasan na?"
Napalibot ako ng mata saka hinampas siya ng mahina sa batok. "Huwag mo nga kasi akong tawaging lover boy."-suway ko rito.
Nagsimula na kameng maglakad dalawa papasok sa paaralan.
" Relax lang, hindi naman ako ang nakaisip nito."
Napataas ako ng kilay. "Eh sino?"
"Si Hailee. Naiinis kasi si Violet sa ganiyang nickname kaya 'yan ang tinawag namin sayo para mas asarin pa siya."-napatawa siya ng mahina.
Si Red ay isa sa mga naging kaibigan ko, kakambal rin siya ni Violet.
" Mga ulol talaga kayo."-sabe ko.
Napatawa lang ulit siya.
Naabotan namin si Martin na merong kinukuhang letters sa locker niya at malaki ang ngiti nito sa labi.
"Ba, ang dami nanaman nabiktima ni ser."-pagbibiro ni Red. Nabigla naman ito sa pagsulpot namin at agad kami pinalibotan ng mata.
"Huy. Para lang sabehin ko sa'yo, sila mismo ang namimigay sakin ng mga letters na'to. Saka meron na'kong kadate mamaya noh."-sagot ni Martin samin sabay ngisi ulit at isinara na ang kaniyang locker. Napatingin siya sakin. " Oh, lover boy, ano plano?"
Sinuntok ko siya sa balikat dahil sa pagtawag niya sakin ng lover boy kaya napatawa silang dalawa. "Basta, secret."-sabe ko sabay ngisi sa kanila.
"May pasecret-secret pang nalalaman. Saka para lang sa kaalaman mo, sobrang hate ni Violet ang Valentines."-pag-inform ni Red sakin.
Agad napawi ang ngiti sa labi ko ng sabehin niya 'yon, hindi ko alam yun. Hindi ko kasi sinabe sa kaniya ang tungkol sa plano ko ngayong araw na'to.
Saka baket hindi ko naisip na posibleng maiinis siya sa araw na'to? Sino ba namang babae na merong gagung ex ang hindi maiinis diba?
"Hi guys."-matamlay na pagbati sa amin ng isang babaeng agad nagpalaglag ng puso ko sa sikmura ko. Napatingin ako sa kaniya, talagang nagbihis siya para lang ipakita sa lahat kung gaano niya kahate ang araw na'to. Nakasuot siya ng kulay black na damit na merong 'LOVELESS' na nakasulat sa gitna nito, at kung hindi pa napahalata ng T-shirt niya 'yon, yung inis at pagkairita sa muka niya ay siyang magpapatunay.