Chapter 15

105 4 0
                                    

CHAPTER 15

Love

Quennie's POV

"Yvan." wika ko. Nakita ko ang lalaking nakatayo malapit sa'kin.

Noong nabasa ko ang tinext ng unknown number ay naglakad agad ako palabas ng school. Hindi pa nagsisimula ang program para sa Prom night ay umalis na agad ako. I need to see him and I need to see my friend, my best friend.

"Nandito ka na, Quennie. Let's go?" nagulat ako sa sinabi niya. Ano ito? Bakit si Yvan ang secret admirer ko? At ano ang gagawin niya?

"Yvan, nasaan si Mimah?" nag-aalala kong tanong.

Nakita ko sa pinadala niyang picture ang walang malay kong kaibigan. And I can't believe na magagawa niya ito. Nababaliw na ba siya?

"Hindi na natin kailangan ang ibang tao, Quennie. Umalis na tayo."

"What?" bigla na akong kinabahan.

Naglakad siya papalapit sa'kin kaya umatras ako.

"Quennie, magiging masaya na tayo." umiling ako sa sinabi ni Yvan.

May nararamdaman akong kakaiba sakanya. May iba sa mukha at mata niya. Nginitian niya ako. Hindi ko magawang ngumiti pabalik. Ibang-iba ang Yvan na kilala ko noon. Naglalakad parin siya papalapit sa'kin kaya umaatras ako.

"Umalis na tayo Quennie. Wala na tayong oras."

"Hindi ako sasama sayo Yvan." nakita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Nagulat siya sa sinabi ko.

"Nasaan si Mimah?" tanong ko. Iginala ko ang mata ko.

Wala akong suot na salamin. At nahihirapan ako kahit may contact lenses. Napahinto ang mata ko sa isang puno, hindi kalayuan.

"Mimah!" sigaw ko nang mapagtanto kung sino ang nandoon.

Tumakbo ako papalapit sakanya.

Nanghina ako nang makita ang kalagayan nya. Wala siyang malay at nakatali siya. The hell! Wala na nga sa katinuan si Yvan. For God's sake! Girlfriend niya si Mimah. Bakit siya ang secret admirer ko!?

Lumuhod ako at hinubad ko ang tali niya. Naramdaman kong gumalaw si Mimah at unti-unting dumilat.

"Quennie, si Yvan." wika niya. Nangilid ang luha ko nang makitang nanghihina siya.

"Shhhh! Aalis na tayo dito." I said. Tinulungan kong tumayo si Mimah.

Imagine? Naka gown kami pareho pero ganito ang sitwasyon namin ngayon. At wala akong maramdaman kundi ang kaba at determinasyon na makaalis kami dito.

Walang tao, madilim. Ang tanging liwanag lang na nagbibigay saamin ang liwanag ng buwan. At higit sa lahat, walang sasakyan. Mabuti nalang at nagpahintay ako sa taxing sinakyan ko kanina.

"Saan kayo pupunta?" sabi ni Yvan. Seryoso na ang mukha niya at may galit na nakikita.

"Yvan, pabayaan mo na kami!" sigaw ko.

"No! Hinintay ko ang araw na ito. I need you, Quennie. Ako ang secret admirer mo. Hindi ka ba natutuwa?" lumapit si Yvan papunta samin. Umatras kami.

Hinawakan ni Mimah ang kamay ko, napatingin ako sakanya. Hinila niya ako papunta sa likod niya. Nasa harapan ko na siya. At kahit na nanghihina ay naglakad siya palapit kay Yvan.

"Mimah, anong ginagawa mo?" tanong ko. Nilingon ako ni Mimah at ngumiti. Naramdaman kong tumulo ang luha ko. Hanggang ngayon ba naman ipagtatangol mo ako?

The Nerd has a Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon