Chapter 29

40 17 0
                                    

Lawrance

Pagdating namin sa bahay hindi ko siya kinibo. Naiinis kasi ako sa kanya. Ang dami ko sanang gustong gawin na kasama siya kaso na sira lahat dahil sinama niya pa si Vince at si Vector. Sarap talaga nilang pagsusuntokin kaso pinipigilan ko lang ang sarili ko.

Bakit ba kasi kailangan pa nilang gulihin ang buhay ko. Wala ba talaga silang magawa at pati kami ni Gracella ginogulo nila. Naiinis lang ako kay Vince, pero kating kati na talaga ang mga kamao ko na suntokin si Vector. Akala niya siguro hindi ko nakikita ang pasulyap-sulyap niya kay Gracella.

Naiinis talaga ako at sirang sira na ang araw ko. Pumasok na ako sa kwarto at hinayaan lang si Gracella sa baba. Gusto ko man siyang kausapin pero wala akong gana baka kasi ma saktan ko lang siya. Hindi ko kasi minsan na pi-pigilan ang bibig ko kapag nagagalit ako.

Dumapa na lang ako sa kama at sinub-sob ko ang mukha ko sa unan. Sana lang hindi na niya ako puntahan dito. Paano ko kaya matatangal sa buhay ko si Vector para naman panatag na ang loob ko na wala ng may aagaw sa babaeng pinakamamahal ko.

Hindi ba talaga siya marunong maghanap ng iba at paki ang sa akin inaagaw niya pa. Akala ko babae lang ang ahas ngayon pati siya ahas narin. Hanggang kailan kaya niya balak na gulohin kami. Isang pagkakamali na lang talaga niya mapapatay ko na siya.

"Lawrance, kong hindi mo ko kakausapin aalis na lang ako."

Bumangon agad ako ng marinig ko ang busis ni Gracella. Nakatayo lang ito sa may pinto at tinignan lang siya ng seryoso sakin.

"Ano naman ang paguusapan natin?"

"Bakit ba ang sama sama ng ugali mo!"

So, ako pa ngayon ang masama ang ugali. Hindi talaga siya nagiisip, sabagay hindi nga niya iniisip ang mararamdaman ko. Akala niya ba hindi ako nagseselos sa mga pinanggagawa niya at ang lakas ng loob niya na sabihin sa harap ko mis mo magkaibigan lang kami.

Alam niya sa sarili niya na nanliligaw ako sa kanya pero ano tong narinig ko. Kinakahiya niya ba ako o sadyang hindi lang talaga ako karapat dapat na ipagmalaki niya.

"Hindi ka ba magsasalita?"

"Gracella pwedi bang umalis ka na lang. Ayoko makipagaway sayo ngayon. Pagod ako."

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo sinasabi sakin ang problema mo."

"Wala akong dapat na sabihin sayo."

"Lawrance naman. Hindi kana bata. Ano bang ginawa sayo ni Vector at bakit galit na galit ka sa kanya."

Tinignan ko lang siya. Paano ko bato ipapaliwanag sa kanya na nagseselos ako kong siya mis mo hindi niya nararamdaman ang puso ko. Masakit para sakin na ang giangawa niya. Harap harapan na niya ako sinasaktan. Sa tuwing magtatama ang mga mata nila ni Vector nasasaktan ako at para akong tinutusok ng isang libong karayom.

"So, hindi ka talaga magsasalita. Sige aalis na ako."

Bago pa siya makalabas ng kwarto tinawag ko na ang pangalan niya.

"Gracella, gusto mo ba talaga malaman kong bakit kumokolo ang dugo ko sa lalaking yon!  Gracella kong totoong mahal mo ako dapat alam mo ang nararamdaman ko. Nagseselos ako sa kanya. Akala mo ba hindi masakit na makita kayong dalawa na pasimpling nagtitingin. Gracella ang sakit sakit para sakin yun. Tapus sasabihin mo lang sa kanila na magkaibigan lang tayo. Sinayang mo lang ang ginawa kong pagamin sayo. Sinayang mo lang. Sana man lang Gracella pakiramdaman mo rin ang nararamdaman ko."

Bumalik lang ako sa pagkakahiga. Pinipigilan ko lang na pumatak ang mga luha sa mga mata ko. Ayokong umiyak ngayon dahil wala naman say-say para umiyak ako. Hindi naman ito magagamot ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Gracella sana lang hindi parin mag bago ang nararamdaman mo para sakin. Umalis ka na mo na baka kong ano pa ang masabi ko sayo."

Tumalikod na ako, maya maya pa narinig ko na lang na sumirado ang pinto.

Sorry talaga Gracella hindi ko na kasi alam kong ano ang pweding kong gawin. Sakal na sakal na kasi ako dahil sa pagseselos. Sana lang pagisipan mo ma buti ang mga sinabi ko.

Ang gusto ko lang naman ay mahalin ka kaso paano ko payon magagawa kong hindi ka naman naka focus sakin. Gracella wag ka sanang magalit sakin dahil sa mga sinabi ko. Nasabi ko lang naman yon dahil punong puno na talaga ako.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at piantugtug ang bagong kanta ni Lany.

Now playing Good Guys by: Lany.

Paano naman ba kasi ako mananalo nito kong ang kalaban ko ay manloloko. Nagtatago sa isang maamong mukha. Oras na makita ko siya susuntokin ko talaga ulit niya para ma taohan na talaga siya at layoan na niya kami.

It's hurt me knowing that you are not aware of my feelings.

Nagstatus na ako sa facebook. Sana lang makita niya. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Iniisip niya kaya ako?

Gustohin ko man tawagan siya hindi ko magawa dahil natatakot lang ako na baka pagsabihan naman niya ako. Sana lang hindi siya kasing tulad ni Sophia na pinaasa lang ako sa wala. Pagkatapus ko siyang minahal iniwan niya lang ako.

Ngayon ginagamit pa ni Vector siya para pagbataan ako. Matagal na kaming wala ni Sophia. Saksi ang mga magulang ko kong gaano niya ako sinaktan. Hindi ko na siya mahal at kong sisirain niya man lang ako sisiguradohin kong hindi siya magtatagumapay.

"Anak? Okay ka lang ba?" wika ni Papa habang kinakatok ang pinto.

"Pa, okay lang ako."

"Wag mo ng itago sakin. Dahil na kita kong umiiyak si Gracella habang umaalis ng bahay. Buti na lang hindi ito na kita ng Mama mo."

"Pa, pagod ako ngayon ay wala akong balak na kausapin ka."

Narinig ko na biglang bumokas ang kwarto ko. Umopo lang si Papa sa tabi ko habang tinitignan ako. Nakafocus lang ang mga mata ko sa pagfe-facebook.

"Lawrance, alam kong nagaway kayo ni Gracella. Dahil hindi naman siya iiyak ng ganon kong walang nangyari sa inyo."

"Pa, hindi kami nagaway. Nagkasagutan lang kami."

"Lawrance kahit na sana hindi mo na lang ginawa yon."

"Pa, pagod na pagod na ako. Habang buhay ko na lang ba itatago na nagseselos ako. Kong hindi ko sasabihin sa kanya yon hindi siya magiging aware sa nararamdaman ko. Hindi niya mararamdaman na nasasaktan na ako."

"Pero sinobokan mo bang marinig ang side niya?"

"Hindi!"

"Ganon naman pala. Sana hinintay mo mona siya magsalita at magpaliwanag. Ngayon dahil nag away kayo, pariho lang kayong hindi makakatulog ng maayos."

"Wala naman talaga akong kasalanan. Pinaramdaman ko lang sa kanya na nagseselos ako. Ganon lang at hindi ako galit sa kanya."

Alam ko ang ibig sabihin ni Papa. Pero wala na akong magagawa pa na sabi ko na sa kanya lahat ng nararamdamn ko. Hindi ko na mababawi yon. Nasa kanya na yun kong paano niya iintindihin ang mga sinasabi ko sa kanya.

"Lawrance ito lang ang masasabi ko. Mahirap matulog kapag may nasaskatan kang tao. Goodnight na alam kong pagod ka ngayon."

"Salamat pa, good night rin."

Isinara na nito ang pinto. Tama nga naman ang sinabi niya. Kinuha ko na ang cellphone ko at nagiwan lang ng message sa kanya.

To Gracella
Sorry sa mga sinabi kanina. Hindi ko lang kasi kaya pang itago. Good night.

Pinatay ko na ang cellphone ko, alam ko naman kasi na hindi niya na ako re-replyan ngayon. Galit parin ito sakin. Bahala na bukas. Kakausapin ko na lang siya.

---

The Way I love You - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon