Chapter 7

220 16 0
                                    

• • •

Scolded

"Kumain ka nang marami," bilin ni manang habang naglalapag ng pagkain sa mesa. Tinanguan ko siya habang abalang nilalantakan ang pagkaing hinanda niya.

Naningkit ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang suot ko.

"May pupuntahan ka ba?" Tanong niya ng mapansin akong bagong ligo at maayos ang bihis.

Binabalak ko kasing pumunta kila Grant. Masyadong boring dito sa bahay. Baka mabaliw ako kung mananatili lang ako rito.

"Pupunta ako kila Grant, manang."

"Ganoon ba?" Tinanguan ko siya. "Oh sige, mag iingat ka. Nagawa mo na ba ang homeworks mo?"

Napanguso ako. Para naman akong bata nito. "Bukas nalang po. Sabado pa lang naman ngayon," uminom ako ng tubig pagkatapos ng huling subo.

"Pinapairal mo na naman iyang katamaran mong bata ka! Huwag kang aalis hangga't hindi mo ginagawa iyon!" Sermon niya habang tinuturo ako.

"Manang naman!"

"Gawin mo muna ang kailangan mong gawin bago ka umalis!"

Inis akong napakamot sa ulo ko.

Nakabusangot ko siyang tinignan, abala siya sa paghuhugas ng plato. Binalingan ko ang pinto na ngayon ay nakabukas. Tiniklop ko ang ibabang labi ko ng may maisip. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng dining area.

I chuckled when I reached the main door of our house. Lumikha iyon ng tunog ng dahan dahan kong binuksan.

"Bryll!" Sigaw ni manang mula kusina.

Nakita ko pa ang paglabas niya mula sa silid kainan bago ako tuluyang nakatakbo palabas ng bahay. Dumire-diretso ako papuntang gate namin. Tuluyan akong napahagalpak sa tawa ng makalayo na. Paniguradong ilang kurot ang aabutin ko sa kaniya pag uwi.

Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at napagpasyahang tawagin si Grant para ipaalam na pupunta ako. Hindi siya sumagot kahit ilang beses ko nang tinawagan kaya tinext ko nalang para sabihang papunta na ako sa kanila.

Nang makarating sa bahay nila ay diretso ang pasok ko sa loob, gaya ng madalas kong ginagawa. Kumatok lang ako ng umabot sa kwarto niya. Ilang beses akong kumatok pero hindi niya binuksan. Sa pag-aakalang natutulog pa siya, tumuloy na ako. Nalaman ko ang dahilan ng hindi niya pagsagot ng marinig ang ingay ng shower mula sa banyo niya.

Sinara ko ang pinto at humiga sa kama niya. Hindi ko na siya kinatok at hinintay nalang siya na matapos sa pagligo. Nakita ko ang phone niya sa side table, kinuha ko iyon at ginawang libangan habang hinihintay siyang matapos.

Iyon pa rin ang lockscreen niya, hindi nagbago. Picture ko iyon habang pilit na ngumiti, kita ang lahat ng ngipin ko. Napagtripan ko kasi dati ang phone niya at pinalitan ang picture sa lockscreen at home screen nya, pinalitan ko iyon ng picture ko. Litrato kong naka-middle finger ang ginamit ko para sa homescreen.

Triny kong itipa ang password niya at nakitang pinalitan na niya iyon. Pinakialaman ko nalang ang camera niya at kumuha ng ilang litrato roon. Kung anu anong pose ang ginawa ko bago nakita ang picture niya sa side table. Kinuha ko iyon at ginawang props sa ilang picture ko, mayroon pa akong kuha kung saan nakabad finger ako sa picture niya.

Tatawa-tawa ako sa ginawa bago napabaling sa pinto ng banyo ng bumukas iyon. Napatanga ako ng makita si Grant na hubot hubad na lumabas sa banyo. Nabitawan ko ang hawak kong picture frame at phone niya sa pagkakabigla, nalaglag iyon sa kama.

"Kailan ka pa dumating?" Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita, agad akong umikot patalikod sa kaniya.

"Bakit hindi ka muna nagbihis bago lumabas, pre?! Tang *ina mo!"inis na sigaw ko sa kaniya.

Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon