Skip

33 1 0
                                    

        Nang mamulat ang aking mga mata ang una kong nasilayan ang pag - akyat ni haring araw patungo sa maganda at pangarap na kalangitan. isang maaliwalas na araw ang bumungad saking mga mata nang araw na iyon na parang ayaw ko nang alisin ang pagtitig ko sa kalangitan.!!.

isang panibagong araw nanaman to!! ang sabi ko sa 'king sarili walang anu - ano'y tumayo ako at dumiretso sa kusina ng bahay namin , naalala ko ang matatamis na ngiti ng aking mapagmahal na inay, di ko alam kung anung nangyayari sakin na at biglang lumuha ang aking mga mata at kasabay ang pag alala sa kanyang mga haplos kapag ako'y nadarapa. kay hirap isipin na wala na ang aking inay  at itay !! naparang kailan lang magkakasama kaming buong pamilya sa pinaglumaang bahay na ito. 

nang matapos akong kumaen  dumeretso ako sa aking kwarto na dahan dahang naglalakad dahil sa marupok na ang hagdanan. "kippo!! andyan ka pala namiss kita!!" ang sabi ko dahil nakita ko ang aking paboritong aso, kippo ang pangalan nya bigay siya sakin ng aking tunay na kaibigan ng kami'y magtatapos sa elementarya sapagkat ito raw ang alala ng aming pagkakaibigan dahil nung araw naiyon ay sya at ang kanyang pamilya ay luluwas papuntang englatera dahil nagkaroon ang kanyang ama ng malubhang sakit at doon pinagamot. wala na akong balita sa'king kaibigan nang silay umalis. nisulat ay di sya nagpapadala minsay naisip kong siguro kinalimutan na ako ng aking kaibigan ngunit kung magkikita man kami ay yayakapin ko sya ng matagal ! isang pangrap na hanngang ngayon ay hinahawakan ko parin!. 

kay tagal na rin ng panahon ng mangyari ang masamang bangungot na nangyari sakin , isang bangungot na kumitil sa aking pamilya at sa libo - libong mga tao sa mundo . naisip ko siguro'y wala ng taong buhay pa sa mga panahong iyon sapagkat ako'y nagahahanap lamang para sa wala. naging tambayan ko ang aming bahay sapagkat gusto kong maalala ang lahat ng masasaya  na aking dinanas at para mapawi ang takot sa aking puso. 

tanghali na nang ako'y umalis paraa maghanap ng makakain, nang biglang may tumakbo at sumisigaw ng tulong. naging mataba ang aking puso sa pananabik na makakita ng ng bagong kasama, nang bagong alalay ng bagong kaibigan. sumigaw ako ng malakas para madinig nya at itoy kanyang nrinig "bilisan mo ang pagtakbo! halika tutulungan kita!" ang sabi ng aking puso at isipan para sa taong iyon. walang anu - ano'y nakarating din sya at sabay kaming nagtago sa isang maliit na iskinitaupang dun magpahinga . "salamat sa pagtulung mo kaibigan!" ang maliit at parang natatakot na boses ang aking narinig sa kanya, "walang anuman isa rin akong taong nananabik sa paghahanap ng katulad mo sapagkat malapit na akong mawalan ng pag - asa sa paghahanap ng kapwa tao dito sa mundo! ako nga pala si  michael! " ang sabi ko sa kanya na may halong saya. "tulungan mo ko! andun ang kapatid ko! baka makita sya!! " ang nagmamakaawang sabi nya sakin!.  "sige tutulungan kitang kuhain ang kapatid mo! saan ba sya ngayon?!"  "sa malaki at kulay asul na lumang bahay! dyan sya nagtatago! ayaw niyang lumabas baka daw makita sya!" " pupuntahan natin iyon!" pumunta kami nung araw na iyon 'kaba ay hindi ko naramdaman papunta dun sa bahay ng lalaking ito sapagkat ang alam ko lamang ay may humihingi ng tulong.

      palapit na kami sa bahay na sinasabi nya ng may biglang sumigaw! ." ENDRIO USTE NABACHAR!"(salitang bago sa pandinig namin na ang sabi ay may paparating!) nagulat ako at doon ko naramdaman ang kaba at takot na dapat ay kanina ko pa nararamdaman. "kuya! kuya! tulong!" ang sabi pa ng isang maliit na boses, itoy takot na takot! " iyan! iyan ang boses ng  kaqpatid ko!  elena wag ka mag alala papunta na ko dyan! " ang positibong sabi ng aking kasama. bilib ako sa kasama ko dahil kahit ramdam niya ang takot at pangingiig ng kanyang mga katawan ay hinaharap nya pa rin ito para sa kanyang kapaid!

           nang marating namin angpinaroroonan ng kanyang kapatid ay agad kaming lumisan sa bahay na iyon. " bilisan nyo baka maabutan nila tayo!" ang sabi ko sa kanila, tumakbo kami palabas nang biglang .... "sickanor dunn ke atar! este pruego ne rota!!" (salitang nagpapahiwatig ng "di kayo makakatakas!") "kuya natatakot ako!" ang sabi ni elena , wag ka mag alala andito si kuya!" sabi naman nya.  " michael ikaw na bahala sa kapatid kung anu man ang mangyari sakin! basta kapag nagulo ko sila tumakbo na kayo paalis dito! at magtago kayo nang hindi kayo makita!" ang sabi ng patitiwala sa sarili ng kasama ko! " elena ! matatpos rin ito! 'wag ka mag alala babalik rin sa normal ang lahat!"

hawak hawak ko si elena nun ng mga araw na iyon . isang kawawang bata na namulat na sa hagupit at parusa ng mundo! "  hoy! mga gung gung andito ako ! habulin niyo ako!!" ang pang iinsulto nya sa mga nilalang na ngayon ko palng nakita. " michael ! magtago na kayo!" ang sabi nya sakin. ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, biglang nanigas ang aking mga paa na parang ayaw na nilang maglakad o tumakbo pa, pinipilit kong galawin ay hindi ko parin magalaw, kinabahan ako nun at iniisip ko na hanggang dito nalang ba ang buhay ko?!  nagulat ako lalo ng biglang atkihin ang lalaking iyon na kapatid ni elena ng mga nilalang na iyon , "kuya!! kuya!! tama na!! " ang pagsisigaw ni elena ng paglisan ng kanyang kuya!.

"dembrese kunta sekai nuntare" (ang sabi ng nilalang na iyon ay "ngayon kayo naman ang susunod" ) kinabahan ako nung mga panahong iyon. wala kong maisip kundi lamang ang makaligtas pero hindi ko kaya dahil 'di ko magawang igalaw ang aking mga paa.  takot at kaba ang aking naramdaman ngunit alam kong kaya ko pa.

namatay ang lalaking yun dahil sa apoy na ginamit ng mga halimaw , binuhusan sya ng gas para mas lalong lumiyab ang nakakatakot na apo yna iyon. kitang kita ng dalawang mata ko kung paano naging abo ang kaawa awang lalaki. palapit na ng palapit ang mga halimaw sa aming dalawa , si elena ay pumikit nalang at ramdam ko ang kanyang takot dahil sa pagbilis na pagtibok ng kanyang puso. "Andyan pala kayo ahhh!!!" isang boses ng babae na parang sabik na makakita ng mga nakakatakot na nilalang, "tulong! tulong" ang sigaw ko. tumingin sa likuran ang mga halimaw , biglang naglabas ng isang armas ang babae, isang baril at pinutok nya ito sa kanyang mga kalaban.

kauna - unahang kong nakita ang babaeng matapang katulad nya, isang babaeng walang inuurungan  o tinatakbuhan ang isang kalaban isang babae na kung saan ay paborito niya ay ang pakikipaglaban , isang babaeng nagpabihag sa aking puso  at  gumising sa aking isipan para sa haring araw at panibagng bukas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SkipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon