His Smile

168 9 8
                                    

The smile on yout face let's me kmow that you need me.

Alam ko'ng kailangan mo ako. Your smile needs me.

There's a truth in your eyes, saying you'll never leave me.

At dapat na hindi mo ako iwan sa ere. Katiting lang naman ng pagmamahal mula sa'yo ang kailangan ko eh.

The touch of your hand says you'll catch me, wherever I go.

I can catch you if you fall. But can you catch me?

Paano na? Eh, nahulog na nga ako sa'yo... Kai eh.

"HOY KRYSTAL!!"

Iritang kinuha ko ang pares earphones mula sa tainga ko at sinamaan siya ng tingin. "Ano'ng kailangan mo Itim? Este, Kai?"

"Aba't mang-iinsulto ka pa ha!" Sabi niya sabay kurot ng tagiliran ko.

"Ano ba! Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh. You know, truth hurts," Ma-emosyonal ko'ng pahayag saka niyakap ang sarili.

"Engot! Step 6!" Wushu. Siya lang naman dito ang maitim na engot ah?

"Oo na, oo na. Ihatid-sundo mo siya. Sweet yun," Sabi ko at pumeke ng ngiti.

At tulad ng nabasa niyo, tulay lang ako. "Suus! Sisiw lang yan meyn!"

"Edi, ikaw na!" Sabi ko at isinaksak ulit ang earphones sa tainga ko. Psh, masadyong mahangin.

"Huy!" Kalabit niya. "Ano?"

"Gabi na, puti. Uwi na tayo," Sabi niya. Tumingin naman ako sa langit at tamang gabi na nga. "Oo nga itim noh? Tara!"

Hindi siya gumalaw. "Grabe ka ha. Matapos kitang puriin, insulto ang isusukli mo sa'kin?"

"Ano? Compliment naman yung sinabi ko ah?" Pagbibiro ko at naglakad.

"Diba, doon yung daan papuntang bahay mo? Eh, bakit ka sumasabay sa'kin?"

"Tss. Ihahatid na nga lang kita. Nawili kasi ako kasama ka," Sabi niya at ginalaw-galaw pa ang kanyang kilay. Tss, baliw nito.

Walang anu-ano'y niyakap niya ako ng mahigpit. "Goodnight. Sleep well," He said and smiled at me sweetly.

Hindi ako nakagalaw, hindi ako nakagalaw sa ngiti niya. Seriously? Sino ba dito ang nililigawan? Si Yuri o ako?

And, his smile. Never ko pa yon nakita. T-that smile...

"Ateee! Ate Krystal!" Sigaw ng bunsong kapatid ko. Hindi ko na pala napansin ang pag-alis ni Kai. "Sino yun? Ang gwapo ah? Boyprend mo?"

Tumawa ako ng mahina saka ginulo ang buhok niya, "Sana,"

--

"Bahala ka diyan, Krystal. Napakabagal mo'ng kumilos!" Angal ni Victoria saka lumabas ng ladies' room.

Napatawa ako ng mahina. Sabagay may lovelife. Eh ako? Nganga. Hahaha.

Nakangiting binuksan ko ang pintuan ng ladies' room pero sinarhan ko ulit ito. Dali-dali ako'ng tumakbo sa sink at tinignan ang sarili ko.

Why? Bakit? Bakit ang sakit? Bakit ako umiiyak? Bakit ako umaasa?

"Salamat at pumayag ka, Yuri,"

"Walang anuman, Kai. Ikaw pa! Haha!"

Niyugyog ko ang ulo ko. Hindi lang yun ang ikinaiiyak ko. Bakit? Kasi nakita ko pa silang nagyayakapan.

Baka pinayagan na ni Yuri si Kai na manligaw. How sweet *insert bitter smile*

Dire-diretso ko'ng binuksan ang pinto at mabilis na tumakbo patungong canteen. "Oh? Anyare?"

His Smile (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon