Busy ako sa pagbabasa ng libro ng biglang nag ring yung cellphone ko."Hello?" sinagot ko iyon ng hindi tinitingnan kung sino ang caller.
"Good morning baby.."
Napaayos ako ng upo ng bigla kong narinig ang napakagandang boses na may halong lambing ni Ethan.
d^_^b
Anyways, I'm Phoebe Raizelle Luzares, 19 years old at naniniwalang don't judge the book cover by it's look.
dO_Ob ?
Wait parang mali...
Ah basta ayon na yon.
"Good morning din," kaswal kong sabi at hindi pinahalata na excited ako sa date namin mamaya.
"Ah baby? Sa date natin mamaya.."
Speaking of.
"Yes? What about our date?"
Saan kaya kami mag-d-dinner mamaya? Excited na'ko. Miss ko na kasi siya. One week kaming hindi nagkita dahil sa school works kaya dapat maganda talaga ako mamaya. Hmm. Ano kaya magandang kulay na pwedeng isuot mamaya?
Black? Nah. Mukha kaming pupunta sa lamay. Pink? Ang girly din naman masyado. Red? Hmm. I think color red will do.
I'm excitedddd! I miss my baby!
"Baby, pwede the day after tomorrow tayo mag-date? May importante kasi akong gagawin at pupuntahan.."
Bigla akong natigilan.
'The day after tomorrow..'
'The day after tomorrow..'
'The day after tomorrow..'
'The day after tomorrow..'
'The day after tomorrow..'
Alam mo yung masakit?
HINDI KO MAINTINDIHAN.
Monday ngayon.
Tuesday bukas.
The day after tomorrow?
So Wednesday?
Joke lang people, naiintindihan ko talaga. Smart yata to.
Pero hindi ko rin maintindihan kung bakit sa Wednesday pa?
Bigla tuloy nawala ang excitement na naramdaman ko. Parang sa isang iglap ay nanlumo agad ako.Excited pa naman sana ako.
Hay, buhay.
"Sige, ingat."
Yun lang at pinatay ko na ang tawag. Gagala na lang ako. Nawalan na'ko ng gana magbasa.
Naligo at simpleng maroon shirt at black jeans lang ang sinuot ko. With white sneakers, duh.
Nagliptint at pulbo lang ako dahil wala naman akong dapat pang pagandahan. Kainis kasi si Ethan, eh.
Siguraduhin niya lang na importante ang gagawin niya.
Nakanguso kong sabi sa isip.
Nagpaalam na ako kay mama at nagtungo na sa mall.
***
Argh!
Pangatlong restaurant na tong napuntahan ko! Puro puno, bwisit. And worst, puro mga couples pa ang nandoon. Duh? Ang layo pa kaya ng February.
Pumunta na lang ako sa McDo. Hindi masyadong puno, eh. Umorder ako ng large fries at ice cream. Maghahanap na sana ako ng mauupuan ng biglang may nahagip ang ang mga mata ko. Kumurap ako ng tatlong beses at tinitigan yon. Inilapag ko ang order ko sa may malapit na lamesa. Bahala na kung may nakaupo dun.
Tumitig ako kay Ethan at sa babaeng kasama niya. Importanteng gagawin pala, ah?
So, importante na pala ngayon ang pagbababae?
Sinubuan pa nung babae ng fries si Ethan. At etong si Ethan, parang gusto rin! Nagsubuan pa sila at parang biglang kumulo ang dugo ko ng biglang kiniss nung babae sa pisngi si Ethan!
Huminga ako ng malalim at sinugod sila.
"Walanghiya ka!" Sinabunutan ko ng buhok si Ethan. Nagulat naman bigla yung babae at tumayo.
"Ano ba!" Binitawan ko si Ethan at pairap na sumulyap sa babaitang sumigaw.
"Ano ba?" Mataray na sabi ko sa kanya.
Walangya, talaga.
Siya pa may ganang magalit, ha?
"Ano bang problema mo, Ate?!"
Ate huh?!
Buang yata tong babaeng to, eh.
Sinampal ko siya na ikinagulat niya. Parang napikon din yata siya kaya gumanti siya ng sampal sakin.
Langya ang saket!
Sa panahon dapat ngayon, walang karapatan manakit ang kabit!
Infairness ang sakit manabunot ng babaeng to.
Goodluck, my hair.
"Ano ba Raizelle! Tumigil ka nga!" Sigaw sakin ni Ethan.
Bwiset siya! Bwiseeeett!!
Ako pa pinapatigil niya?
Gago!
"Ano bang nangyayare sayo? Hindi ka naman inaano, ah!"
Sigaw nung babae sakin.
Lintek, ang dami ng nanonood. May nagvvideo pa. Kalat na talaga sa mundo ang mga chismosa, psh.
"Hindi inaano?!" Sarkastikong sigaw ko sa kanya.
Tanga lang?!
"Hoy girl! Sinulot mo lang naman ang boyfriend ko! Anong sa tingin mo ang gagawin ko?! Matuwa sa saya?!"
Bigla siyang natigilan at tumawa ng malakas.
Crazy!
Tiningnan ko ng masama si Ethan ng tumawa din siya!
"Hoy Ethan! Simula ngayon, break na tayo! Wala ng ikaw at ako ako." Inirapan ko siya at tiningnan ng masama yung babae. "Magsama kayo ng babae mo!"
Sa isip ko ay gusto ko ng umalis. Masyado ng maraming tao ang nakapalibot samin. Oh well, hindi rin naman ako ang napahiya.
Pero, nakakainis!
Ang lakas ng tawa nung babae!
"WAHAHAHAHAHAHA Babae daw? HAHAHAHA!"
Wait?
Baka tomboy siya? Baka barkada lang siya ni Ethan?
Teka?
Tinitigan ko yung babae at imposible namang lalake to, tch!
Tumalikod na'ko dahil mukhang wala namang balak si Ethan na suyuin ako! Walang kwenta! Hindi pa ako nakakalayo sa kanila ng marinig ko yung sinabi ng babae..
Dahilan para matigilan ako...
"Pfft! Mukha ba tayong magjowa, Kuya?"
~ E N D ~
✍🏼 by: duskella