Chapter 4

20.8K 314 8
                                    

Marissa's P.O.V.

Nandito ako ngayon sa school grounds at kasama ko ulit ang kaibigan kong si Sean. Mabuti na lang at pogi itong kaibigan ko, hindi tuloy ako nagsasawa sa pagmumukha n'ya kahit araw-araw ko pa s'yang makita. 

Magkatapat kaming nakaupo. Kasalukuyan s'yang nagbabasa ng libro habang kinakalikot ko naman ang cellphone ko. Narinig ko ang paglipat ng pahina ng libro n'ya. Nilipat ko ang tingin ko sa kanya at seryoso pa rin s'yang nagbabasa.

Napatangin ako sa bandang kanan ko at inagaw ng isang babae ang atensyon ko. Naglalakad ito papunta sa direksyon namin habang nakatingin ng masama kay Sean. Tuluyan na itong nakalapit sa amin. Tiningnan ko si Sean at halatang napansin n'ya rin ang babeng nakatayo sa bandang kaliwa n'ya. Inangat n'ya ang tingin n'ya sa babae. Nang nakita n'ya ito ay napakunot ang noo n'ya.

"You d*ckhead!"

Pak!

Napanganga ako nang biglang sinampal ng babae sa pisngi si Sean saka ito naglakad ng padabog palayo. Maging si Sean ay nabigla sa nangyari at walang nagawa. Pinanood n'ya lang ang babae na naglalakad palayo.

"What the hell was that?" Tanong n'ya sa'kin.

"No Sean." Sagot ko. "What the hell was that?" Binalik ko ang tanong sa kanya. Ako ba naman ang tanungin samantalang s'ya itong nasampal.

Natahimik s'ya saglit at halatang merong inalala. Maya-maya ay napatango-tango s'ya. "Oh, that girl."

"Sino ba 'yun?" Nagtatakang tanong ko. Maging ako ay hindi ko 'yun kilala.

"Kung hindi ako nagkakamali, s'ya si Alley?" Patanong na sagot n'ya.

"Tapos?"

"Ewan." Nagkibit-balikat s'ya. "Baka nagalit kasi paggising n'ya noong araw na 'yun wala na ako sa kwarto n'ya. Tumakas kasi ako." At itinaas baba n'ya ang kilay n'ya.

Napailing-iling ako sa sinabi n'ya. Ano pa nga ba ang aasahan ko?

"Pero matagal na 'yun. Last month I think." Depensa n'ya. "Baka ngayon n'ya lang ako nakita ulit." Tapos tumawa s'ya.

Napakunot naman ang noo ko. Ano naman ang nakakatawa?

"Ayos lang ba ang mukha ko?" Tanong n'ya at pinakita sa'kin ang parte ng pisngi n'ya na nasampal.

Tumango ako. "Hindi naman ganoon kalakas ang sampal n'ya para tumabingi 'yang mukha mo."

"Ang ibig kong sabihin, hindi ba ito namumula?" Iritadong tanong n'ya.

"Hindi." Sagot ko at muling kinalikot ang cellphone ko. "Magdasal ka na mayroong sasampal sa'yo ulit para mamula." Sarkastikong tugon ko.

Nagulat ako nang hinablot n'ya bigla mula sa kamay ko ang cellphone ko at itinapon sa likod n'ya.

"G*go ka!" Sigaw ko sa kanya at tumayo saka pinulot ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at okay pa naman. Inis ko s'yang sinabunutan at tumawa lang s'ya.

"Umayos ka kasi." Natatawang saad n'ya.

"Sapakin kita d'yan eh." Muli akong umupo sa tapat n'ya at sinuri ulit ang cellphone ko kung may basag ba. Mabuti na lang at wala.

Pinasok n'ya sa bag n'ya ang librong binasa n'ya kanina at nilabas rin ang cellphone n'ya. Maya-maya ay tinapat n'ya sa'kin ang cellphone n'ya at bumulaga sa'kin ang nakasimangot kong itsura. Pinanliitan ko s'ya ng mga mata at tanging tawa lang ang tugon n'ya. Pagkabukas ko ng IG ko ay nandoon na kaagad ako sa IG story n'ya. Hindi na ako umangal dahil cute naman ako sa picture na 'yun kaya medyo pabor rin sa'kin.

"Ang tagal pa pala bago magsimula ang klase natin." Aniya habang nakatutok ulit sa cellphone n'ya.

"Ikaw kasi, masyado mong inagahan."

Hindi s'ya nagsalita ulit at nakatutok pa rin sa cellphone n'ya. Maaga s'ya nag-ayang pumasok dahil gusto n'yang mag-aral muna. Kaso puno ang tao sa library kaya dito na lang kami sa school grounds. Noong una ay hindi ako pumayag na aagahan ko rin dahil gusto ko ng mahabang tulog. Pero noong sinabi n'ya na ililibre n'ya ako ng lunch, pumayag na ako. Mas masarap kasi ang mga pagkaing binibili n'ya kesa sa binibili ko. Nanghihingi ako ng pera sa ate ko para sa lunch ko. Malaki ang binibigay nito sa'kin pero hindi naman mahal ang binibili ko. Kaya deretso sa bulsa ko ang sobra. At ngayong ililibre ako ni Sean, edi mas masaya.

Ate pasensya, nag-iipon lang ako.

Nakita ko sa bandang likod n'ya si Kevin na naglalakad papunta sa direksyon namin. Nang nakalapit na ito ay tumabi ito kay Sean. Napalingon si Sean kay Kevin at kinunutan n'ya ito ng noo.

"Easy boy." Wika ni Kevin. "Makiki-share lang ako. Wala na kasi akong mauupuan sa library."

Sandaling natahimik si Sean pero maya-maya ay umango-tango s'ya. "Basta h'wag mong babastusin ang kaibigan ko."

Natawa si Kevin sa sinabi n'ya. "Dude, hindi ako lasing at nag-sorry na ako."

"Ibig sabihin kapag nalasing ka magagawa mo ulit?" Tanong ni Sean.

"Hindi na nga." Sagot nito. "Masyado ka namang protective sa best friend mo. Bakit? May nararamdaman ka na ba para sa kanya?"

Sabay kaming natawa ni Sean.

"Patawa ka." Singit ko sa usapan sila.

Ilang beses na rin ba kaming napagkamalan ni Sean na mag-nobyo dahil sobrang close namin sa isa't isa. At sa tuwing napagkakamalan kami, itinatawa lang namin. Si Sean ang lalaking hindi pasok sa ideal man ko. At ako naman ang babae na hindi rin pasok sa ideal girl n'ya. Matagal na kaming magkasama at hanggang pagkakaibigan lang talaga ang tingin namin sa isa't isa. Minsan nga nandidiri kami sa tuwing inaasar kaming dalawa. Kahit isang beses, hindi namin naisipan na ibigin ang isa't isa.

"Dude." Ani Sean. "Si Marissa ay best friend ko at hanggang doon lang 'yun. Pero ito ang sinasabi ko sa'yo, kapag binastos mo 'yan. Makikita mo ang hinahanap mo. Okay?"

"Okay." Kibit-balikat ni Kevin.

Masarap maging kaibigan si Sean. Protektado n'ya ako sa lahat. Pinapakopya n'ya ako noon kapag hindi ako nakapag-aral para sa quizes. Itinuturing n'ya akong prinsesa. Lahat ng sekreto na nasabi ko sa kanya, hindi n'ya kinakalat. Hindi n'ya ako pinapayagan na uminom kung wala s'ya. Kinokontrol n'ya rin ako at ayaw n'yang makarami ako ng inom. At kapag merong nambabastos sa'kin, nilalayo n'ya ako sa taong 'yun. Basta, safe ako kapag kasama ko s'ya. Sa tuwing wala akong pera, nauutangan ko s'ya at hindi ko na nababayaran kasi nakakalimutan n'ya kaagad. At sa tuwing pumupunta ako sa bahay nila, papakainin n'ya ako.

Minsan naisip ko na paano kung magkahiwalay kami ng trabaho pagkatapos naming mag-aral. Baka bihira ko na lang s'ya makikita at makakausap. At nakasisiguro ako na ma-mi-miss ko ang bonding namin lalo na ang mga bangayan namin. Having Sean as my best friend is a gift for me. Bihira lang ang lalaking katulad n'ya na mas gustong kasama ang best friend na babae kesa sa mga barkadang lalaki. Bihira lang ang lalaking katulad n'ya na aalagaan ka kapag nalasing ka at hindi ka pagsasamantalahan. Bihira lang ang katulad ni Sean sa mundo at ayaw kong malayo muna sa kanya.

At kung ako, bilang matalik na kaibigan n'ya ay tinuturing n'yang prinsesa. Paano pa kaya ang babaeng magpapatibok ng puso n'ya at mamahalin n'ya ng totoo. Nakasisiguro ako na ituturing n'ya ito na parang isang reyna.

Sean, sana mahanap mo na s'ya.

Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon