"HugotSeminarista One Shot
A STORY TO TELL ABOUT A SEMINARIAN
-----------
Most Catholic women have a story to tell about a seminarian. For Catholic titas, most of their narrative plots revolve on how they became the women that supports seminarians financially. But for me, my litany revolves on how I supported a seminarian emotionally. And here is my story…our story.
Being a lector of Eucharistic celebration in the seminary has always been my Sunday routine since Fr. Greg has discovered that I have a crystal voice to share. That was four years ago during the family day of my brother who is an ex seminarian. I still remember when the host of the family day asked me to belt the song “Sayang na Sayang” by Aegis. Actually, ‘di naman talaga ako kumakanta in public. Sa banyo lang, pero ewan ko ba. Wala akong nagawa that time nirequire kasi nila na magkaroon ng intermission per family of seminarians. Dahil ako lang naman ang representative ng kapatid kong si Kennard, wala na akong nagawa. I just let my voice reach the microphone then boom, people have recognized and even told me that I, indeed, have a voice like that of a water—a crystal clear.
Since then, palagi na akong laman ng mga patronal fiesta, kung hindi cantor, ako minsan ‘yung lector. Pinagpapasalamat ko na lang talaga sa host na nagpakanta sa akin sa Family day, because of him, I was able to serve the Lord more and more. And also because of him, nakilala ko si Tom.
Kung may isa man siguro akong ‘di makakalimutang service sa simbahan, 'yun ay nung ordination ni Fr. Mark sa pagkapari. Hindi dahil ‘yun ang una kong service sa ordination, kundi dahil sa taong nakasama ko sa paglilingkod—Si Bro. Tom Joshua, third year theologian ng batch nila.
Mas matanda siya ng dalawang taon sa akin. Ewan ko pero ang lakas ng dating niya. Hindi naman siguro masamang aminin pero crush ko siya. Sa lahat kasi sa kanila, siya ‘yung pinaka-mysterious. Actually, siya lang 'yung ‘di ko pa nakakausap sa lahat ng theologians.
Madalas lang kasi siyang nasa sulok ng choir loft, tumutugtog, after ng misa, aalis tapos hindi na magpapakita. Samantalang mga kasama niya, nakikihalubilo sa aming mga bisita, minsan pa nga, nakakasama ako tuwing general permission ng ilan.
Ewan ko ba dun kay Tom. Napaka-suplado. Parang galit sa tao! Gwapo nga, matalino, at matangkad pero masungit. Saksakan ng sungit!
Siya ’yung arranger ng salmo responsorio na siyang kakantahin ko sa ordination ni Rev. Mark kaya naman siya palagi ang nakakasama ko tuwing gabi sa practice. At tuwing kasama ko siya, napapagalitan niya ako. Wala raw kasi ako sa tono. Naalala ko pa ‘yung isa sa pinakamasakit na sinabi niya ay ‘yung bakit ako pa raw ‘yung piniling kumanta, hindi na lang ‘yung ibang nasa tono talaga. Siguro kahit sino naman ay sasakit ang loob kaya pinili kong umatras noon.
Hindi ako sumipot sa dalawang huling araw ng practice namin. I even listed him out sa mga crushes ko. I told myself not to feel any rush towards him anymore; na ‘di na ako kikiligin tuwing makikita ko siya; hindi ko na rin siya papansinin, at; di ko na rin tititigan ‘yung kaisa-isang picture niya sa Facebook na luma! Never!
BINABASA MO ANG
A story to tell about a Seminarian
Romance"I don't know if it is really a sin to fall in love with a seminarian, but if it is really one, then I'd rather commit it than to never love him."