WRF .01

3 1 0
                                    

Stay hydrated guys!!!

Saranghaeyo and Gomawo;)


First Day!!!

"Fierra Allen Dela Cuesta!!!"

Inis akong tinakpan ang mukha ko ng unan, sunod na sunod na katok ang narinig ko.

Peste naman oh!

Inis akong bumangon at tinungo ang pinto.

"O wag mo akong tarayan, lunes na lunes! Aba kilos agad may pasok na tayo!", sabi niya bago ako tinalikuran.

Napahawak ako sa batok dahil sa inis. Hindi talaga ako excited pumasok hahaha.

"Morning", bati sakin ni Rhaine. Nakabihis na siya, ako na lang ang hindi.

Mabilis lang ang pagkilos ko, jeans at checkered shirt lang ang pinili kong suotin. Comfy.

Pumunta na ako ng kusina para kumain.

"Si Summer daw ang manunundo satin!", sabi no Alli.

"O? Bakit may licensed na ba yon?", tanong ni Rhaine.

"Siguro!", kibit balikat na sabi ni Alli.
"Excited ka?", biglang tanong sakin ni Alli kaya naman napatingin ako sa kaniya at tinaasan ko lang siya ng kilay. " Excited ka nga! Halata e!", sarkastiko niyang sabi.

"Sa university may mga dance troupe naman don diba?", biglang singit ni Rhaine.

"Oo naman no! Halos lahat rin ng sports nandon! Iba't ibang clubs, kaya ikaw Fierra pwede ka sa may photographics club ba yon? Basta don!", sabi ni Alli.

"Oo na! Ang daldal mo!", sabi ko at sinubo sa bibig niya ang niluto niyang hotdog.

"Ang shama mo t-tal-aga", sabi niya na halos hindi maintindihan.

"Nye nye nye!"

***
Sa labas ng apartment kami naghintay kay Summer.

Maya maya lang ay dumating na Ito kasama si Win, ngiting ngiti ang bakla.

"Sakay na girls! Ano pagbubuksan ko pa ba kayo?", sabi niya.

"Ang yabang nakisakay lang rin naman!", natatawang sabi ni Alli sa kaniya bago sumakay.

Kasya kaming lima sa loob.

Si Summer sa driver seat, si Win naman ay sa passenger seat at kaming tatlo ay sa likod. Nasa gitna namin si Rhaine.

"Gosh, so excited na akong pumasok alam niyo ba yon?", biglang pasok ni Win na nagreretouch pa.

"Halata naman! Hindi mo na kailangan pang ipagsigawan!", si Alli.

Sa totoo lang minsan may topak talaga ang tenga ko. May araw na gusto kong makinig o magdaldal kasama nila pero kadalasan ay naririndi ako sa mga boses nila.

Tulad ngayon! Rinding rindi ako pero ayoko namang sirain ang excitement na nararamdaman nila.

Maya maya pa ay nasa university na kami. Mabilis na nagpark si Summer at nagkaniya kaniya kami ng labas sa sasakyan.

"Kyyyaaahhh!!!!",sigaw ni Alli at Win ng makababa.

Halos lahat ng estudyanteng malapit samin ay napatingin sa pwesto namin.

Sinamaan namin sila ng tingin at nagtakip lang sila ng bibig.

"My gosh bakla! Andaming fafa!", narinig kong bulong ni Win kay Alli.

Marami nga!'bulong ko sa sarili ko habang pinapanood ang mga estudyanteng naglalabas masok.

"Hayys, out of five hundred plus people here sana naman nandito na ang prince charming natin!", nakangusong sabi ni Summer.

When Rains FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon