Athena's POVTulala sa kisame
Kikilos o kikilos ?
Hays, etong pakiramdam na 'to talaga ang pinaka-mortal na kalaban ng isang tao.
Katamaran !
Malaking pagsubok ito para sa isang tulad kong mahilig magpuyat.
Parang aswang lang.
Lalo na paggising sa umaga, kung pwede lang na maghapon na lang ako nakahilata ay ginawa ko na. Kaso hindi.
Kailangang kumilos.
Kailangan kong pumasok sa school.Kinuha ko ang cellphone ko mula sa ilalim ng aking unan para icheck ang oras. Nangunot ang noo ko ng makita na may isang message. Unknown number ito. Kundi ako nagkakamali ay ito yung tumawag sakin kahapon bago ako pumasok. Binuksan ko ito upang mabasa. Napataas ang isang kulay ko ng mabasa ito.
Good morning. Yan lang. Sino ba kasi talaga 'to ?
At tsaka anong good sa morning ?
Sino ka? Reply ko. Nag-antay ako ng ilang minuto ngunit hindi na ito nagreply pa. Inisip ko nalang na baka nanttrip lang.
Tiningnan ko ang oras, 6am palang. Di ko alam kung bakit ang aga ko nagising. Himala !Bumangon na ako at dumiretso papasok ng banyo at naligo.
Since maaga ako nagising ng konti, nag-ayos muna ako. Nakapag bihis naman na ako ng uniform ko. Naglagay ako ng pulbo sa mukha papunta sa leeg, at naglagay din sa dibdib at likod. Pagkatapos ay naglagay din ako ng cologne, Juicy lang to, pero para sakin ang bango bango na. Gustong-gusto ko ang amoy nito kaya lagi akong bumibili.
Nang makuntento sa itsura ay, kinuha ko na ang bag ko. Maayos na ang mga gamit ko na nakalagay dito. Pagkatapos ko kasing gumawa ng assignment ay ginawa ko na din ito para bibitbitin ko nalang.Mahirap na, baka maulit pa yung nangyari kahapon. Pati panty at napkin nadala ko, tsk !
Pababa na ako ng hagdan ng makita ko si Tito Mio nakaupo sa harap ng lamesa. May binabasa syang dyaryo habang nagkakape.
Good morning po Tito'- nakangiting bati ko sa kanya.
Good morning din hija'- Hindi nya ako tiningnan dahil tutok ang mga mata nya sa binabasa.
Oh, Good morning athena'- Bati ni Tita Trina, papalabas ng kusina.
Good morning po Tita. Si Eliza po ba gising na ? '- Tanong ko.
Ayy naku ! Maagang gumising at pumasok. Kailangan daw dahil may kailangan silang tapusin. Hindi daw nila natapos kahapon yung group work na sinasabi nya kaya maagang pumasok para maituloy nila. '- Paliwanag ni Tita.
Ganun po ba ? Sayang, gusto ko pa naman syang makasabay sa pagpasok '- nanghihinayang na Sabi ko.
Ok lang yan. Mabuti pa at kumain ka na. Baka ma-late ka pa. '- ani Tita.
Tama. Sumabay ka na saamin'- sabad ni Tito Mio, saka ibinaba ang binabasang dyaryo.
Natatakam akong tumitig pansamantala sa mga nakahain na pagkain sa lamesa.
Mayroon sinangag, scrumbled egg, tuyo, hotdog, hiniwang kamatis at tortang talong. Sarap !
Syempre, dahil may pagka-SPG (Sobrang Patay Gutom) ako, nauna na akong kumuha ng mga pagkain.The best almuchow 'to aba !
Nag uumpisa na kaming kumain ng magtanong ako. Nasan na nga po pala si kuya Eleazar ? Tanong ko habang nginunguya ang sinangag na sinamahan ko ng itlog.
YOU ARE READING
Ang Mayabang Na Si Lalaki At Ang Palaban Na Si Babae
Novela JuvenilMayabang Walang sinasanto! Papalag kahit sinong makaharap !