WRF.09

0 0 0
                                    

Stay hydrated guys!!!

Saranghaeyo and Gomawo;)


Ramdam ko ang bigat ng katawan ko, pakiramdam ko magkakasakit ako.

Tumunog ang phone ko, reminder lang na birthday ni Zach.

"Tcchh hindi ko pa natatanong kung sasama si Rhaine"

"Hmm, ininvite ako ni Zach"

Sabay na napalingon sakin si Alli at Rhaine.

"Saan? Anong meron?", si Alli.

"Birthday niya!"

Nagpatuloy sa pagkain si Rhaine,

"Rhaine", tawag ko sa kaniya.

"Go lang girl, niyaya ka naman niya e---

"Yup at isama daw kita"

Nabitawan niya ang tinidor na hawak niya at naka awang pa ang bibig na tumingin sakin.

"Puteekk, seryoso? Yiiee may lovelife ka na babaita!", pang aasar ni Alli sa kaniya habang sinusundot ang gilid niya.

Kinikilig ang isang to! ! nakangiti akong pinagpatuloy ang pagkain ko.

***

Naka receive ako ng text galing kay Zach.

Fr:
Isama mo buong squad mo ah :) I'll wait for you!.

Mabilis ko namang tinext yung dalawa dahil matic ng sasama si Alli. Hindi nagpapaiwan yun!

Nag okay naman sila, sasakyan ni Summer ang gagamitin.

***

"Nakakainggit naman ang kagandahan nitong si Rhaine", si Win.

Kasalukuyan kaming papunta sa bahay ni Zach. Naka dress si Rhaine na kulay peach tapos off shoulder pa.

"Kinabog si Alli, walang jowa, hahahaha!"

Tawang tawa tuloy ako sa kanila.

"Huh! Peste kayo! Bakit ikaw wala ka ring jowa no!", turo niya kay Win. "At ikaw!", turo niya rin kay Summer bago sakin.

"Mas lalong walang jowa yan!"

Ako naman ang inasar ng bakla.

Napakamasunurin naman ni tadhana hindi niya talaga pinakita sakin si anak ni Zeus.

Maya maya pa ay nasa subdivision na kami nila Zach, kaagad ko naman siyang intext na nandito na kami.

Bababa na sana ako ng sasakyan ng pinigilan ako ni Rhaine, nagtataka ko naman siyang tinitigan.

"Sure ka bang okay lang itsura ko? Presentable ba?", tanong niya habang pinaplantsa ang damit gamit ang kamay.

Nginitian ko siya "Gorgeous, nasa lahi natin yan. Nakalimutan mo na?"

Natawa naman siya sa sinabi ko.

Sinalubong ako ni Zach na naka open arms pa parang yayakapin pa ako.

Hindi naman na ako nakapalag ng bigla niya nga akong niyakap at...

"Hindi ko pwedeng yakapin si Rhaine e, ikaw na lang muna!", bulong niya sakin saka kumalas ng pagkakayakap.

"Pasok na kayo sa loob", nakangiting yaya pa niya.

"Ay ganun, si Fierra lang ang may yakap wala kami?", reklamo ni Win sa kaniya.

"Come to papa!"

Natawa naman kami sa sinabi ni Zach kay Win at ang bakla sinugod si Zach para yumakap.

When Rains FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon