CHAPTER I

144 11 0
                                    


"MAMA!!! MAUNA NA KAYO SA EVACUATION AREA KAMI NA BAHALA DITO YUNG IBANG MGA GAMIT ISUSUNOD KO NALANG" (SIGAW NI KLINT)

SOBRANG LAKAS NG BAGYO NANG ARAW NA YUN NA NAG DULOT NG MATAAS NA PAG BAHA SA LUGAR NILA KLINT KAYA NAMAN LAHAT SILA AY NAGPUNTA SA EVACUATION AREA PARA MAGPA LIPAS NG GABI

"ANAK DITO KA LANG MAY BABALIKAN LANG AKO SA BAHAY" (DALI DALING SABI NG TATAY NI KLINT)

DAHIL SA PAG AALALA NI KLINT SA PAG BALIK NG KANYANG TATAY SA KANILANG BAHAY AY SINUNDAN NIYA ITO PARA TIYAKIN NA MAKAKA BALIK ANG KANYANG TATAY NGUNIT HINDI NIYA NA ITO NA SUNDAN DAHIL PAG BALIK NI KLINT SA KANILANG LUGAR AY LUBOG NA ITO SA BAHA

HINANAP NI KLINT ANG KANYANG TATAY UPANG PABALIKIN ITO SA EVACUATION AREA NGUNIT HINDI NIYA ITO MAKITA KAYA'T AGAD SIYANG BUMALIK SA KANYANG NANAY AT NAG BAKA SAKALING MAGKASAMA NA SILA, NGUNIT NANG MAKA BALIK SI KLINT SA EVACUATION AREA AY TANGING NANAY LANG NIYA ANG NAKITA NIYA

MAG ISANG ANAK LANG SI KLINT KAYA WALA SIYANG INIINTINDING KAPATID TANGING MAGULANG NIYA LANG ANG LAGI NIYANG INIISIP, MADISKARTE SA BUHAY SI KLINT MAHILIG SIYANG SUMALI NG MGA MALE PAGEANT LALO NA KUNG ALAM NIYANG MALAKI ANG CASH PRICE BUKOD SA PAGIGING GUWAPO MATALINO RIN SI KLINT KAYA ANG KANILANG MALIIT NA BAHAY AY PUNO NG MGA TROPHY, SASH AT MEDALS NA NAPAPA NALONAN NI KLINT

LUMIPAS NA ANG ILANG ORAS AY HINDI PARIN DUMARATING ANG TATAY NI KLINT, LABIS NA PAG AALALA ANG NARARAMDAMAN NG MAG INA PARA SA TAONG NAGSISILBING HALIGI NG KANILANG TAHANAN, SA SOBRANG PAG AALALA NI KLINT AY HINDI NIYA MAGAWANG MAKA TULOG

HANGGANG SA SUMAPIT NA ANG KINABUKASAN AT DALI DALING GINISING NI KLINT ANG KANYA INA PARA BUMALIK SA KANILANG BAHAY PERO BAGO PA MAN SILA MAKA ALIS SA EVACUATION AREA AY MAY LUMAPIT KAY KLINT SI ANDREW ANG KANYANG MATALIK NA KAIBIGAN

"KLINT WAG KA SANANG MABIBIGLA PERO KASI YUNG TATAY MO NAKITA NAMIN MALAPIT SA BAHAY NIYO---" (SAMBIT NI ANDREW)

NANLAKI ANG MGA MATA NI KLINT AT NAPA NGITI DAHIL SA KANYANG NARINIG

"TALAGA! SIGE PAPUNTA NA KAMI NI MAMA, SAAN DAW SIYA GALING BAKIT HINDI SIYA PUMUNTA DITO SA EVACUATION AREA?" (SAMBIT NI KLINT)

"WAIT LANG KLINT, YUN NGA KASI YUNG TATAY MO KAYA HINDI SIYA NAKA PUNTA SA INYO KASI HABANG NAG SASALBA PA SIYA NG IBA NIYONG GAMIT AY NAKURYENTE SIYA AT NALUNOD

NANG MGA SANDALING IYON AY NAG PINTIG ANG TAINGA NI KLINT PATI NARIN ANG KANYANG INA HINDI SILA MAKA PANIWALA SA KANILANG NARINIG

DALI DALING SUMAKAY NG TRICYCLE SI KLINT PATI NARIN ANG KANYANG INA UPANG BUMALIK SA KANILANG BAHAY, PAG BALIK NILA DOON AY NAPANSIN NILA ANG DAMI NG TAO NA NAKA LIBOT SA MALAPIT SA KANILANG BAHAY

DALI DALING BUMABA ANG NANAY NI KLINT AT TUMAKBO PAPUNTA SA KATAWAN NG TATAY NI KLINT NA WALA NG BUHAY PAG BABA NI KLINT AY TILA GUMUHO ANG LAHAT SA KANYANG PALIGID WALA SIYANG IBANG NAKIKITA KUNDI ANG KANYANG INA NA HAWAK HAWAK ANG BANGKAY NG KANYANG AMA

HINDI MAKA GALAW SI KLINT SA KANYANG KINAKA TAYOAN AT TILA BUMILIS ANG PAG TIBOK NG KANYANG PUSO GUSTO NIYANG SUMIGAW PERO HINDI NIYA MAGAWA DAHIL SA NAHIHIRAPAN SIYANG HUMINGA, LABIS ANG PAG IYAK NI KLINT NG MGA SANDALING IYON WALA NA SIYANG IBANG MAKITA KUNDI ANG MGA LUHA NA BUMABALOT SA KANYANG MGA MATA, NAPA LUHOD NALANG SIYA HABANG TINITIGNAN ANG KANYANG INANG NAGLULUMPASAY SA IYAK HABANG HAWAK ANG KANYANG AMA

MAKALIPAS ANG ILANG ARAW AY NAAYOS NARIN NILA ANG KANILANG MUNTING BAHAY, WALA NG PUTIK AT BASURA BAGKOS AY BALOT NA ITO NG MGA BULAKLAK AT LIWANAG NA NANGGA GALING SA MATINGKAD NA BOMBILYA NA BUMABALOT SA BAHAY NILA KLINT, AT DOON AY MAKIKITA MO ANG MAHIMLAY NA PAGKAKA HIGA NG TATAY NI KLINT SA ISANG ATAOL

HABANG NAKA UPO SI KLINT SA TABI NG KANYANG TATAY AY LUMAPIT SAKANYA ANG NANAY NIYA KASAMA ANG DATING NOBYA NG TATAY NIYA SI DOC. GHALANG,

SYA ANG DOCTOR NA NAG OPERA KAY KLINT DATI NUNG BATA PA SIYA NANG NAGKAROON SIYA NG BUKOL SA ULO AT MAAYOS NAMAN ANG NAGING OPERASYON DAHIL MAGALING NA DOCTOR SI GHALANG

MY ECHOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon