Chapter 50- Hunyango sa Patibong

121 5 2
                                    

"Kayo po ba si Antonio Balais?" Tanong pa ni Lim sa lalaki.

"Oo, ako nga." Sagot naman nito sa kanya.

----------

Nagsi-tinginan ang mga bisita kay Andre dahil sa pangyayari, at may mga ilan-ilan pang naki-usyoso sa kaganapan. Rinig din ang kanilang mga pagtatanong na may pag-aalala sa bata habang inaalalalayan siya ni Tamayo para makatayo. Ngayon lang din tumulo ang dugo mula sa natamo niyang sugat sa ulo, sa may banda ng kanyang kanang mata —na idinulot ng kanyang pagbagsak noong iniwasan niya ang kotse. Nagtamo din siya ng mga kaunting gasgas sa kanyang braso. Pinunasan niya ang tumutulong dugo galing sa sugat niya sa ulo at akma sanang maglakad papunta sa kanyang motor nang bigla siyang pinigilan ni Tamayo.

"Wag mo na muna yan gamitin." 

"Ayos lang ako." Giit pa ng bata.

"Hindi. Hangga't hindi natin nalalaman kung sino ang nagtangkang bumangga sayo, mas mabuting samahan na muna kita."

"Eh, paano ang motor ko?"

"Ibigay mo ang susi mo." Sabi pa ni Tamayo sakanya.

Noong inabot na ni Andre ang susi ng kanyang motor ay binigay niya ito sa isa sa mga kaibigan ng bata—si Lawrence.

"Ikaw na lang muna ang magdadala ng motor niya pauwi sa kanila. Tapos ihahatid na lang kita pauwi." Utos pa ni Tamayo rito.

"Pero...wala pa po akong lisensya." Sagot nito.

"Wag ka mag-alala, 'wala namang nanghuhuli ngayon. At kung mayroon man, ako na ang bahala sa'yo."

----------

"Maari po bang hingiin ko ang address nila?" Tanong ni Lim kay Antonio na noo'y nakaupo sa kanyang tapat at nahagya lmang na nakaangat ang ulo.

"Oo, bigyan mo lang ako ng papel at ballpen, isusulat ko ang kumpletong
address." Sagot naman nito sa kanya.

"Salamat po."

Nang natapos na itong magsulat ay tumayo na si Lim at nagpaalam para umalis. Saglit niyang tinignan ang kanyang relo at nakita na lagpas alas-nuebe na pala ng gabi.

"Bukas ko na lang sila pupuntahan." Bulong pa niya sa kanyang sarili.

----------

Kinaumagahan, dumating na si Tamayo sa kanilang opisina.

Nagulat siya dahil wala pa si Lim. Napakabihira lang no'n mahuli sa pagdating sa trabaho kaya nagtaka siya kung nasaan ito ngyon at ano ang pinag-aabalahan.

"Nasaan na kaya si Sir?" 

Mula kagabi niya pa kasi itong hindi makontak. Palagay niya ay nakasarado rin ang telepono nito dahil hindi tumatawid ang kanyang tawag kahit na ilang beses pa niyang sinubukan. Ipapaalam pa naman sana niya ang tungkol sa pangyayari kay Andre kagabi.

----------

Halos buong araw na siyang nanghihintay kay Lim pero hindi pa rin ito dumarating. Nagtataka na si Tamayo kung nasaan na nga ba ito at hindi maiwasang mag-alala dahil baka kung ano na nangyayari kay Lim sa mga oras na tutok naman siya sa pagbabantay kay Andre.

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon