Chapter 3

86 51 6
                                    

Call me

"Akala ko ba ay mahilig kang magbasa?" Iyun agad ang bungad sa akin ni Rem nang pumasok ako sa Library.

"Mahilig naman po ako." Agad akong nagawalis dahil maalikabok na doon. Kalilinis ko lang nung isang araw, maalikabok na agad?

"Then why didn't you pick up the book I gave you last night?" Kunot noo akong tumingin sa kanya. Naka-pameywang siyang nakaharap sa akin at itinaas ang kanyang kilay.

Naalala kong hindi ko dapat siya sagut-sagotin. He is still my employer's son so it's given that our lives have a gap.

"Hindi ko po alam na galing po sa inyo ang mga libro. Hindi ko po iyun kinuha kasi baka pagkamalan akong magnanakaw." Itinuloy ko ang pagwawalis. Narinig ko siya may bumubulong pero masyado iyung mahina para marinig ko.

Nang malapit nang magtanghalian ay tumikhim siya kaya napatingin ako sa kanya. "Are you not done yet? I already want to eat." Tumaas ang kilay ko dahil sa kanyang sinabi.

"Pwede naman po kayong kumain nang wala ko. Ganoon naman po nangyayari lagi. Mas nauunang kumakain ang mga amo kaysa sa mga kasambahay." Marahan kong sabi sa kanya. Ngumuso siya dahil sa sinabi ko.

"Anak lang naman ako ng amo mo so I think you can eat with me." Ngumiti siya sa akin kaya napakamot ako ng ulo. "Ayaw mo ba akong makasalo?" Syempre gusto.

"Hindi naman po sa ganoon, pero may trabaho pa po kasi ako." I awkwardly said. Gusto ko siyang kasama pero may trabaho pa ako.

"Kumain muna tayo at mamaya na iyang trabaho mo. I can call Aling Linda." Ang kulit naman ng lalaking ito.

"Mas gusto ko pong natatapos ko muna ang trabaho ko, Sir." Mariin kong sabi. Pawisan ako at makikisalo ako sa kanya? Hindi naman ata tama iyun. He's drop dead gorgeous and I'm here, looking like an unkempt child!

"I can help you."

Huh?

"Huwag na po, Sir, binabayaran po ako ng pamilya niyo para magtrabaho. Hindi naman tama kung tutulungan niyo ako." Kinamot ko ulit ang ulo ko. Saan ba ito pinaglihi at bakit ang kulit niya? He rolled his eyes.

"Whether you like it or not, sasabay ka sa akin kumain." Ang hirap niyang kausap at wala naman pala akong choice, sinayang ko lang pa laway ko sa pagbibigay ng paliwanag.

"In this room." Minuwestro niya ang silid.

"On this table." Inilapag niya ang kamay niya sa lamesa. Medyo nagulat ako dahil napalakas iyun.

"You'll eat. With me." Napasuntok nalang ako sa hangin. Napaka-dominant naman.

Kinuha niya ang kanyang phone at may tinawagan. "Aling Linda, I want my food to be delivered to the library. Isama niyo na rin ang pagkain ni Jaliyah. Sabay kaming kakain. Baka po kasi malipasan ulit ng gutom at magkasakit pa."

Taray, may delivery service.

"Ano pang ginagawa mo diyan, umupo ka na." He rolled his eyes at may kung anong pinindot sa kanyang phone.

"Sungit."

"What?" Kunot noo niya akong binalingan ng tingin.

"Sabi ko po masungit ka." Yuko ko iyung sinabi. Totoo namang masungit siya.

"I'm not." I made face pero sinigurado kong hindi niya iyun nakita.

May kumatok sa pinto at agad tumayo si Rem. Napatayo rin ako at sumunod sa kanya.

"Thank you very much, Rose." Nginitian niya si Rose at ibinaling ang tingin sa akin.

"Sir, bakit po dalawa ang pinakuha ninyo? Masyado po ba kayong gutom?" Ipit ang boses niya nang sinasabi niya iyun. Tatawa-tawa pa siya. Natigil lang ang pagtawa niya nang nagtama ang tingin namin.

I Love You, RomeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon