XVIII

224 37 1
                                    

Naging masaya ang unang buwan namin ni Eli. Hindi kami nawawalan ng communication,  minsan naman ay dumadalaw siya sa bahay. Naging busy din kami pareho dahil siya ay nagpapractice ng basketball at ako naman ay tinuturuan ni Dad mag drive.  They also bought me a vios, as a graduation gift. 


Naandito kami ngayon ni Kiana sa mall para sa isang book signing.  Hindi ko siya maintindihan kung bakit bigla na lang siyang nainlove sa mga libro.  Inutusan niya pa nga akong pumila sa isa pang writer para lang mapirmahan ang librong dala niya. Ito ay parang familiar sa akin.  Di ko lang alam kung saan ko nakita. 


"Hi! " bati ng writer sa unahan ko. Nakita ko naman si Kiana sa kabilang pila na nakatingin din sa akin at tumatango tango.


"Hi!" I said and smiled.


"Woah,  Did the sun just come out or did you just smile at me? " he said and winked. Napatawa naman ako sa sinabi niya.  He's cool tho. 


"So ano ilalagay ko di---"


"Tara na, Spice" Kiana cutted him off. Napatingin naman ako sakaniya. Parang kanina lang nandun siya sa kabilang pila. Ang bilis.


"Ki-kiana? " sabi ng writer na nasa harap ko. Magkakilala sila? Inirapan lang siya ni Kiana at hinablot ang libro na binigay ko at kinaladkad na ako palayo. 


"Woy!  Dahan dahan naman" 


"Nakakainis siya!"


Napakunot naman ako. "What happeed to you? "


"Akala ko sa akin lang siya ganon!  Bwiset! " Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hmmm.  Somethings fishy. "What do you mean?  Huh? " I said teasingly.


"Tsk. Nevermind" she said at hinila na muli ako papuntang kung saan man.


-


Naandito kami ni Chloe sa bahay.  Naandito siya kasi sabay kaming kumuha ng driver license. At isa pa andito din siya para ibigay sa akin yung ticket para sa laban nila Kuya Jim at Eli.  Kailangan daw kasi ng ticket for outsiders.


"I have a sin. " Chloe said at napakunot naman ang noo ko. 


"Kuya Jim saw our picture in my phone, yung kasama si Eli" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya at boltaheng kaba ang naramdaman. "What?  Anong sabi? "


"Noong una,  naghisterical siya agad.  Tapos ako naman nagpanic kaya i just make a fake story. " she said and looked down.  "A-anong k-kwento? "


"Do you remember what he said nung Christmas.  Eli needs a distraction,  sabi ko ay dinidistract mo si Eli. Sabi ko ay.... sineryoso mo yung plano niya. " Nanlaki ang mga mata ko. Bakit yun pa ang dahilan?


"Sorry na Spice,  Wala na akong maisip na palusot eh.  Kung sinabi ko ang totoo for sure magkakagulo lang tayo. " Naguilty naman ako sa sinabi niya. 

DUBBED (Social Media Series #1)Where stories live. Discover now