HANGGANG ngayon nandito parin sa dibdib ko ang takot at ang kaba dahil sa nangyari kaninang umaga, ayokong lumabas ngayon sa kwarto ko. Ayaw kong makita ang mukha ni Linus. Hindi pa makakauwi sila Daddy at tita Veronica dahil inaasikaso nila ang lahat ng mga preparasyon para sa kanilang kasal sa Boracay. Kaya ngayon iniwan ni Tita ang apat niyang mga anak dito sa bahay namin para daw mabantayan ako.
Wala akong katakas takas dito, mula kanina nung dumating kami mabilis akong pumasok sa kwarto ko at nilock ang pinto.
Wala akong balak na lumabas.
"M-ma'am kaori?" Narinig kong tawag ni macey sa labas ng pinto kaya agad akong bumangon sa kama at binuksan ang pinto.
"Pinapatawag ka po ni pogi" Sambit niya habang kinikilig.
Teka, sinong pogi ang sinasabi nya?
"Sinong po-"
"It's me" Biglang lumitaw si liam sa likuran ni Macey, nakangiti ito ng pagkatamis. He's wearing Dark green na t shirt meron pang tatak na maliit na penshoppe sakanyang dibdib at naka kulay itim na shorts na pambahay. Naka long side yung buhok niya.
Ang gwapo rin pala ni Liam. Noh?
"A-ano ang kailangan mo?" Naiilang pati dila ko sakanya.
"Pwede bang magpasama sa Park? " Tanong niya habang kinakalmot ang batok. Agad namang ngumiti Si Macey na para bang kinikilig. Sarap pokpokin ng babaeng to.
Isang minuto ako napatahimik bago nagsalita. Sasama ba ako or hindi? Pag hindi, magiging kagaya din ba nya si linus pag magalit?
"Okay" Pag sang ayon ko na ikina ngiti pa ni Liam ng malapad.
I feel something strange...
"Macey, magpalit kana at sasama k-"
"Just the two of us" Pagpuputol ni Liam na ikinalakas ng pintig ng puso ko.
Kinakabahan ako, nako kaori ! Masyado kanang praning, tsaka malay mo papasyal lang kayo tapos YUN LANG !
"Ops. Kayo lang daw ma'am, paano ba yan may gagawin pako." Nakangising sagot ni Macey at napaatras na umalis. "Nako nako macey! Lagot ka talaga sakin!"
"Shall we go?"
"T-teka papalit lang ako ng damit" Sagot ko dito, ehh kasi naman nakasando lang ako at naka short agad niya namang pinigilan ang pintuan akmang isasarado ko na sana.
"It's okay, you can have my jacket at isa pa hindi naman masyadong maikli yang short mo. Kapag may bumastos sayo hindi ako magdadalawang isip na upakan yon." Ngumiti pa siya bago niya hinubad ang leader jacket na kulay itim at ipinasuot sa akin, ngayon naka tshirt nalang siya. Bakat na bakat ang muscles niya, pero pwera kay Linus na halatang halata talaga ang matitipuno niyang katawan.
Teka, bat si Linus ang iniisip ko?
"Hey, Kaori? Let's go?" Ngumiti ako sandali at sumunod na sakaniya palabas ng bahay.
Parang may kakaiba sa lalakeng to, iba ba sya sa mga kapatid niya? Bat ambait niya?
Nung makalabas kami ng bahay, nakita ko si liam papunta sa isang motorcycle na Aprilia. Teka...don't tell me na sasakay kami jan?
"Teka L-liam? Sasakay tayo jan?" Sabay turo ko sa motor.
Bumungisngis naman ng ngiti ang bibig niya. Sa totoo palangiti ba'to?
"Yup, kaya halika na" Pag aalok niya, lumapit naman ako. Nakatingin parin ako sa motorsiklo niya. Nagdadalawang isip kung sasakay ba ako o hindi.
YOU ARE READING
Sweet Evil (Trujillo Brothers Series#1)
Fiksi RemajaKaori Agatha Alante, known as the Sweetest,Dearest Responsible girl student from Villavicencio University. She's not that really famous like the other student. Not until the Four Evil siblings came to her life again. Nasira ang lahat ng mga pangar...