Chapter 15: Sick and help
NASA kalagitnaan ako nang mahimbing na pagtulog ng marinig ko ang pagtawag ni nanay sa 'kin.
"'Nay, gusto ko pang matulog. . ." Hindi ko pinansin ang paulit-ulit na tawag nito sa akin at pinagpatuloy ang pagtulog.
"Gising na anak," wika ni nanay habang niyuyugyog ako.
Bakit ba ako ginigising? "'Nay, naman eh. Natutulog pa 'ko, eh!" reklamo ko pero nakapikit pa rin. Nakamot ko ang ulo at sinubsob ang mukha sa unang niyayakap ko.
"Naku, Day-Day! Matutulog ka na lang ba riyan at huwag nang papasok sa eskwelahan? Mag-a-ala siete na!" bunganga nito.
Magaling na nga talaga siya dahil nakukuha niya na akong talakan ngayon. Pero ganoon na lang ang pagmulat ko sa narinig at tiningnan ang cellphone. May klase pala ako!
"Late na ako, 'nay!" taranta kong sigaw at mabilisang gumayak papuntang eskwelahan.
NANG marating ko ang Leehinton ay agad akong pumasok sa room. Agad akong sinalubong ng mga tanong ng mga kaklase kong hindi naman sa akin namamansin noon. Inulan ako ng mga tanong kung bakit ba absent ako ng ilang araw. Malugod ko itong sinagot at napapatango na lang ang iba.
Nang maupo ako ay napansin kong may nakaupo sa gilid ko. Hindi ako pamilyar sa kaniya. Nakasalamin ito at nakatutok lang sa notebook nito. Hindi pa naman nagsisimula ang klase pero nagsusulat na siya.
Napansin niya yatang may nakatingin sa kaniya kaya napaangat ito nang tingin na naging dahilan para magtama ang mga mata namin. Hindi ko inaasahang ngingiti ito sa akin dahil mukhang mahiyain.
"Hi, ikaw si Diane, 'di ba?" alanganin niyang tanong. Napatango ako. "B-bago lang kasi ako rito sa Leehinton. . . s-sana maging magkaibigan t-tayo." Napakamot ito sa gilid ng labi nito at nahihiyang ngumiti.
Ngumiti naman ako para mawala kahit papaano ang hiya nito sa akin. "Ano ka ba? Oo naman! Diane Fernandez!"
"M-Miche Delapaz." Kinuha nito ang kamay kong nakalahad.
Lumipas ang ilang ninuto ay naging palakwento si Miche. Mabilis kaming nagkasundo dahil sa mga bagay na parehong gusto. Naging open si Miche sa akin, nagkuwento ito sa buhay niya kaya mas lalo ko siyang nakilala kaya ganoon din ang ginawan ko. Hanggang sa recess at lunch break ay magkasama kaming dalawa.
Pansin ko ring wala si Dave ngayon, may mga pangilan-ngilan din akong kaklaseng absent dahil may trangkaso raw. Maulan ngayon kaya siguro ganoon.Nagkasakit din kaya siya? Napatigil ako bigla. Bakit ko ba siya pinagtutuunan ng pansin? Bahala siya.
Napatigil ako sa pagsubo ng kanin at hotdog ng magsalita si Miche. "May narinig ako kaninang pinag-uusapan ng bawat estudayante. Hindi ko na sana pagtutuunan ng pansin pero narinig ko ang pangalan mo, Diane."
"Naku, sanay na ako riyan, Miche. Simula noong naging school model ako, marami na akong naririnig na kuwento patungkol sa akin." Tumawa ako.
Binaba niya ang kutsara't tinidor na hawak."Iyong kuwento bang may mga babaeng pumasok sa cr para pagtulungan ka ang naririnig mo?" gulat na tanong niya.
Nangunot ang noo ko at napailing, naging interisado sa sinabi ni Miche. "Ano raw sabi?"
"Na-expelled sila, iyon ang sabi-sabi. Kilala mo ba sina Vina, Yhara at Yna?" tanong nito pero umiling lang ako. "Sila 'yong gumawa no'n sa 'yo."
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na 'to. Hindi ko man lang sila nakita. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon. Mabuti na nga at na expelled sila.
BINABASA MO ANG
Girlfriend of the Campus King (Leehinton Boys #1)
Novela Juvenil(COMPLETED) Leehinton Boys #1 "Hindi ko naman siya kilala noong una, akala ko santo pa, iyon pala anak ni satanas! Letseng hari 'yon!" #1 in filipino teen fiction #1 in campus king