01

4 0 0
                                    



"No, Kuya! I will wait for him!" 



Hindi ako pwedeng umalis dito. Nangako sya. Nangako syang pupunta sya at magpapakita na sya sa akin. 



"Ano ba? Naniniwala ka ba talaga sa lalaking yan? Dalawang taon na kayong magkarelasyon, pero ni minsan di mo manlang nakita ang mukha nyan! Di mo nga alam kung nage-exist talaga sya eh!" 



Who would have thought that I will fall in love with the person I just met online, and worst, sa RPW pa.


Tama. Sa Role Player World. Napapad ako doon 5 years ago, dahil uso  and because of my bestfriend. Hindi ako marunong makipagsocialize sa ibang tao kaya ito ang naging paraan ko para magkaroon ng mga kaibigan.


Ang RPW ay parang isang alternate world kung saan nagpoportray kami ng mga sikat na tao. Ang GOLDEN RULE sa mundong ito ay hindi dapat namin ipaalam ang tunay naming identity, at higit sa lahat, BAWAL MA-ATTACH. Dahil ang RPW ay isang pekeng mundo, at wala ni isa dito ang totoo.


Sa loob ng isang taon, ang samahan na binuo ko ay naging isa sa mga sikat na grupo sa RPW. Ang Aresthellaire Sisterhood, at kinilala nila ako doon bilang Golden Sapphire Aresthellaire. 


It's all fun and games until I met Felipe Zachareous o mas kilala bilang ACE. Ang grupo nila ang mahigpit na kalaban ng grupo namin. At naging kaabang-abang ang mga naging sagutan namin online. 


But to make the story short, nagkakilala kami ng lubusan, nung una akala ko ako lang ang nahulog sa sarili kong patibong. Little did I know, una pa lang pala ay gusto na nya ko. Sinagot ko sya noong mismong araw ng birthday nya. At nagkaroon kami ng pangako sa isa't isa. Na sa personal kami unang magkikita. Kaya naging sapat na sa akin ang pagtetext at tawag namin. I have no idea kung anong hitsura nya pero mahalaga pa ba yon? Mahal ko sya.



"How could you even tell that it's love? 17 ka pa lang! Ang bata mo pa para sa mga kumplikadong bagay na ganyan!"



Nagsimula nang bumagsak ang ulan kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mga mata ko. Nawawalan na ako ng pag-asa pero meron sa loob ko na umaasa na nandito sya, na pupuntahan nya ako.



"Kung ang paghihintay sa kanya ngayon dito nang walang kasiguraduhan ay di mo matatawag na love. Well I don't know what I'm feeling for him. Kuya, ito lang yung ginusto kong gawin nang hindi nyo dinidikta. Di ako katulad mo, na kayang ipaglaban kung ano talaga yung gusto mo!" 



Pareho na kaming umiiyak at basang basa ngayon ni Kuya. Napaupo ako sa kinatatayuan ko at ganun din sya sa harapan ko. Kinuha nya ang mga kamay ko at nilagay nya iyon sa mga pisngi nya.



"Umuwi na tayo. Ang lakas na ng ulan. Please, bunso." umiling ako at tinignan sya ng diretso.



"10pm pa lang, Kuya. It's still my b-birthday. P-please.. Let me wait for him until my day ends." tumango sya sa akin at nakita ko ang bakas ng pag-intindi sa mga mata nya. Lalong lumakas ang pag-iyak ko nang yakapin nya ako.


Thank you, Kuya.



Namutawi ang katahimikan sa amin ni Kuya. Wala akong naririnig kundi ang pagpatak ng ulan at ang mahinang paghikbi namin. Pero makalipas ang ilang oras ay nagsalita na din si Kuya.



"How did you know that you love him?"



Humina na ang ulan. Tinignan ko si Kuya na nasa tabi ko na ngayon. Nginitian ko sya at sumilip sa relo ko. 11:57pm. Tumayo ako at humarap sa kanya para sagutin ang tanong nya.



"Mahal ko sya, Kuya. And I am ready to let him go." muling namuo ang mga luha sa mga mata ko, tumingin ako sa langit para pigilan iyon.



"Uwi na tayo." 



Inabot ko ang kamay nya upang tulungan syang tumayo. At hindi nya iyon binitawan hanggang sa makasakay kami.




Hanggang sa muli, Ace. Magkikita din tayo.






~ :>


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BlackWhere stories live. Discover now