PROLOGUE

64 2 0
                                    

A.N:Hope you guys enjoy my story and kindly vote too, let's support each other :>

"Anak, sigurado ka na ba dito?" tanong nang nanay ko.Tinutulongan niya akong mag empake ng aking mga damit dahil luluwas na akong Manila.

"Oo nay at tsaka para may pangbayad na rin tayo sa tuition ng mga kapatid ko, mag kokolehiyo na sila next year."sagot ko naman sakanya.Gusto kong matawa sa itsura ni nanay, nakita kong usto niyang umiyak.

"Mag ingat ka do'n anak ha? wag kang-"pinutol ko ang sasabihin ni nanay. "Wag akong magtiwala sa kahit sino man, kumain ako sa tamang oras at wag akong magpapagod masyado." ngiting sagot ko.

Eh etong si nanay nong isang araw pa ulit nang ulit kabisadung- kabisadu ko na.Nang sinulyapan ko si nanay ay umiiyak na siya.

"Nay pangako, bibisitahin ko kayo dito pag nakahanap na ako nang trabaho." at niyakap ko siya.Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang aking kapatid, "Ate, Nay, kumain na daw kayo." sabi nang aking kapatid na si Jaden, "Oh sige anak, lalabas na kame." sagot naman nang aking nanay.

Kumakain kami ni tatay,nanay at tsaka ng dalawa kong kapatid nang biglang nagsalita si tatay, "Anak, sigurado ka na ba talaga diyan sa desisyon mo? pwede naman natin itong ibenta ang bahay at do'n muna manirahan sa lola mo?" nagulat ako sa sinabi ni tatay, "Naku tay, wag na po nakakahiya na kila lola at tsaka papadalhan ko nalang po kayo dito pag nakahanap na ako ng trabaho".

Marami na kaseng natulong si lola saamin, siya ang bumili nitong bahay para samen at siya rin ang nagpa aral saakin.

"Ate, mag ingat ka doon ha? at pag nakahanap ka na ng trabaho bilhan mo ko ng swimsu-" hinde na natapos nang aking isang kapatid na si Angela nang binatukan siya ni Jaden.

"Hoy, hinde pa nga nakakaalis si ate grabe ka na maka request" natatawa ako sa kanilang dalawa. "Basta ipagdasal niyo nalang ako na makahanap agad ng trabaho para bibilhin ko kung anong gusto niyo" sagot ko naman at nakita ko ang laking ngisi nitong dalawa.

Bitbit ko na ngayon ang aking mga bag at naghihintay pa ang trysicle dahil hindi pa sila tumitigil sa kakaiyak, "Anak, magingat ka ha?" mangiyak na sabi ni tatay at nanay "Oo nay, tay pangako" at hinalikan ako nila sa noo.

"ATEEE!!!" umiiyak at tumatakbo saakin si Jaden, "Hoy, umayos ka nga ang pangit mo nang tingnan" tumatawang sagot ko, "Bisitahin mo kami dito ha?" sabi naman ni Angel.Tumango na lamang ako dahil gusto na ring magsitulo ang mga luha ko.

"Paalam na po." kumakaway na sagot ko bago sumakay sa trysicle.

Kasalukuyan akong umuupo dito sa bus na papuntang Manila, nasa dulo ako malapit sa bintana kaya kitang kita ko ang magagandang lugar na madadaanan namin.

Tinitingnan na nga ako ng mga tao dito dahil kanina lang akong nganga ng nganga, baka inaakala na nila na isa akong ignorante.

Lingon doon, lingon diyan, lingon dito lang ang ginagawa ko at napapansin kong maraming mga magjowa na naglalandian, basta ako wala talaga sa plano ko magmahal.

Napansin ko ring maraming mga matataray na mga tao dito sa loob ng bus na maraming mga ginto sa kanilang kamay at leeg, nagmumukha na tuloy silang 'jewerly box'.

Di ko na pala namalayan na nasa Manila na pala kami, kinuha ko ang aking mga bag na nasa taas at bumaba na, napanganga talaga ako, grabe hindi ko akalaing ganito kaganda ang Manila, buti at pumunta ako dito.Napabuntong hininga nalang ako,

"Eto na, let's get it, LETS GOOO!!!" hindi ko namalayan na tinitingnan na pala ako ng mga tao dito.

Complicated LoveWhere stories live. Discover now