"Good morning, Harriette!" Bati sa akin ng manager ko na si Ate Shane nang sagutin ko ang tawag.
"Congrats! You got the role!"Napabalikwas ako ng bangon sa kama, mahina kong sinampal ang pisngi ko para siguraduhing hindi ako nananaginip lang.
"Aray! Shocks! Totoo nga!" humalakhak ang manager ko sa kabilang linya.
"Gaga, hindi ito panaginip lang. Hindi naman ako nagpapakalat ng fake news no! Anong akala mo sa akin? " I bit my lips trying to suppress a squeal. Grabe! Hindi ko akalain na out of almost five hundred auditionees ako ang natanggap for the lead role!
It felt surreal! Hindi talaga ako makapaniwala! I had to slap my cheek for the second time around just to be sure.
Hindi nga panaginip lang!
"You need to get ready by 10:30, gusto kang makilala ng mga big bosses at ng leading man mo" hindi ko na napigilan ang tili ko. I know who my leading man is!
Si Raziel Alaric Del Prado!
He's the Phenomenal Leading man of our generation. Balita ko this project will be his last project for now, gusto niyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng medicine. Hindi pa sigurado kung magbabalik pa ba siya sa mundo ng showbiz pagkatapos nyang mag-aral.
Matagal pa naman ang mag-aral ng ganoong kurso.
Pero hopefully bumalik siya. Aside sa pagiging doctor ay balak nya ring maging direktor.
Swerte nga siguro ako dahil sa huling project niya ako ang leading lady, isipin nyo 'yon, ako na baguhan lamang sa industriya makakatrabaho ang pinakasikat na leading man sa Pilipinas! Ang galing 'di ba?
Noong nag audition ako hindi ako ganon kaconfident na makukuha ko ang role. Kasi may mga sikat na mga artista akong nakasabayan nang nag audition ako. Lahat magagaling, sinong mag aakala na makukuha ko ang role para dito? Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala!
"Hoy, andyan ka pa ba?"
"Sorry ate, akala ko binaba mo na 'yong call. Maliligo na ako, ate. Saan ba tayo magkikita?" Tumayo na ako sa higaan at hinablot ang naka hanger kong tuwalya.
"Sa Star Ent. na lang, alam mo naman doon di ba?" Tumango tango ako habang namimili ng damit na isusuot ko para sa meeting.
"Sige, ate. Thank you talaga!" Kung pwede ko lang lamugin sa yakap si Ate ah nagawa ko na. Pagkababa nya ng tawag ay agad akong nagtititili. Kinatok pa ako ni Mama at tinanong kung anong nangyayari sa akin. Agad kong ibinalita sa kanya ang big news, tuwang tuwa rin naman siya. Sabi niya ay proud na proud sya sa akin.
Nagmadali akong naligo at nag ayos. Naka white sando top ako na tinernohan ko ng nude na blazer at nude na slacks. Umikot ikot ako sa harap ng salamin habang nagi-spray ng paborito kong pabango.
"What a lucky day!" Nakangiti kong sabi sa sa repleksyon ko sa salamin. Nag apply ako ng lip and cheek tint bago hinablot ang bag ko na nasa vanity table.
BINABASA MO ANG
Even When It Hurts
RomanceMarriage isn't "I promise to love you until I stop loving you" its "I promise to make a conscious decison to continue to love you even when it hurts because I'm aware no one is perfect, but you are worth it"