Chapitre 3

79 9 1
                                    

Sa mga kaibigan kong nagbabasa, hello! Thank you very much for the support! Love you!!!❤❤❤


Chapitre 3

Best First Day

"Goodafternoon, Ma'am Merisse!" Nakisabay ako sa pagtugon sa pagbati sa bago naming guro para school year na ito.




All smiles pa 'ko at hinayaan ang sarili na maging masaya. Dahil sa wakas, lahat ng paghihirap ko, lahat ng aking mga luha, ngayon, lahat ng iyon ay nagbunga at kasama ko na ulit ang mga kaibigan ko!




"Ram, namiss kita." Biglang bulong sa akin ni Daniel na ikinalingon ko agad sa kanya. "'Yieeeeeee!" Dagdag niya at nagtawanan ang mga katabi ko. Hindi ko napigilang matawa rin, hindi pa rin siya nagbabago.



"Java!" Mahinang tawag ni Candle. "Dito ka! Nandito si Ram, oh!"



Iginala ni Java ang tingin sa upuang nakapaligid sa amin. Wala ng bakante kaya hindi namin nakatabi si Java. Medyo malayo siya sa amin. Nasa bandang unahan siya sa kabilang column, kasama ang ibang lalaking kaklase na hindi pamilyar sa akin. Kami naman ay nasa pinakalikod at ang iingay.



Napapagitanaan ako nina Jana na nasa aking kaliwa at Candle na nasa kabila naman. Katabi ni Jana ang isang babae na medyo singkit at hindi pamilyar sa akin. Samantalang katabi naman ni Candle si Daniel na kausap na ngayon ang iba naming kaklase, nakikipagtawanan.



Nagtama ang tingin namin ni Java. Tumaas ang kilay ko nang dumila siya sa akin. Natawa ako. Parehas sila ni Daniel, mga loko-loko pa rin.



Sa huli ay napangiti ako nang itaas niya ang kamay na nakaporma ng 'finger heart' sa akin at parang may sirang plaka ang kaliwang mata na pakindat-kindat. Bahagya akong nakangising tumango at nakangiting ginaya ang ginawa niya.



"We miss you Ram!" Sabi ni Candle sa akin at hinalikan ako sa pisngi.



"Kaya nga!" Si Janus na nasa harap ko. "Namiss ka namin! Mabuti at magkakaklase na ulit tayo!" Abot-tainga ang ngiti ni Janus. Ginantihan ko ang ngiti niya ng malapad ding ngiti.



Saglit na bumaling ang tingin ko sa dalawang babaeng katabi niya. Nakangiti sa akin 'yong nasa kaliwa at napansin ko agad ang mga itim sa kanyang magkabilang pisngi at kaunti sa kanyang mga mata. Sa palagay ko ay balat ang mga iyon. Ang babae namang nasa kanan ni Janus ay hindi nakangiti pero nakanguso sa akin, medyo chubby siya. But despite of their flaws, bumabawi naman ang hitsura ng mga mukha nila. The two looked beautiful! Pati 'yung singkit na katabi ni Jana.



Napatingin ako sa aking kaliwa nang maramdaman kong may sumusundot sa tagiliran ko. Nadatnan ko si Jana. Hindi siya nagsalita nang magtama ang paningin namin at ngumuso lang sa akin. Nginitian ko siya at tinanguan.




"Napipi ka na ba, Ram?" Puna ni Candle. "Bakit hindi ka nagsasalita?"



"Baka hindi siya masaya na magkakasama na ulit tayo..." Ani Jana na ikinakunot ng noo ko.



"H-Hindi naman sa gano'n..." Hindi niyo lang alam kung gaano ako kasaya!




"Eh, ano?" Tanong ni Janus. Napansin kong bumalik na ang atensyon ni Daniel sa amin.



Napatingin ako sa teacher's desk sa harap. Bumaba saglit si Ma'am Merisse at hinayaan niya kaming kilalanin muna ang bawat isa. Babalik din daw siya agad.



"A-Ano..." Pa'no ko ba sila sasagutin?!



"Ano?" Pangungulit ni Candle.



A Very Beautiful TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon