Pagpasok namin sa rest house, nagtatakang mukha ng mga pinsan ko ang bumungad. "Bakit ang tagal niyo?" Tanong ni Eros habang kumakain.
"May binili lang." Sabi ko.
"Yup. Erin has finally became an angel from heaven." tumawa si CJ. "Pinag-grocery at binilhan niya ng cellphone 'yung fan."
"Well, deserve naman niya eh." Sigaw ko nang magtilian ang mga pinsan ko.
"Ako nga rin, bilhan mo ng cellphone, Erin." Biro ni kuya Aki.
Pagdating ng hapon, naghanda na kami para umalis. That was a short yet happy vacation.
"Salamat, CJ." I said habang lumabas kami nang nasa tapat na kami ng gate.
"No problem. Nag-enjoy ako. Salamat din." Sabi niya at inabot ang bags namin ni Rayi.
"Pasok ka pa sa loob?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi na. See you nalang kung may time pa para magkita tayo. Bye, Rayi." Paalam niya kaya tumalikod na kami.
Pero hinawakan ni CJ ang kamay ko kaya napatigil ako. Narinig ko ang tili ni Rayi nang maramdaman ko ang mga labi ni CJ sa pisngi ko.
"Bye. Una na ako." Ngumiti siya at pumasok na sa kotse niya.
"Ingat." Sabi ko at ngumiti din.
Buong hapon ay inasar lang ako ni Rayi tungkol sa nakita niya. Buti ay hindi nakita ni Eros at ng mga pinsan ko ang nangyari.
6 PM nang tawagin kami sa baba para sa dinner. Ayaw ko sana dahil pagod pa ako. Pero dahil andito sila Dad ngayon, kumain parin ako.
We're currently eating dinner. Mabuti nalang at maagang naka-uwi sila Mommy at Daddy ngayon.
"I'll take this call shortly." Dad said as he stood up.
New Message
Tosh: Erin, I need your help.
"Erin, don't use your phone while eating. It's disrespectful." Mom said so I took my phone away.
"Tumawag ang Tito niyo. Pupunta tayo sa bahay nila. Rayi, maiwan ka dito. You're too young. At kayong dalawa, you tito wants you there" Seryosong sabi ni Daddy kaya kinabahan ako.
I'm constantly praying that it's not about Tosh, and his text is nothing.
Agad na rin kaming tumayo ni Eros dahil sa pagmamadali. We have no idea on what is happening or what will happen.
Pumasok na kaming apat sa Bentayga ni Daddy at mabilis ngunit tahimik ang byahe. Mommy is fuming mad but she's not saying anything.
"Tito, Tita." Lapit namin sa kakambal ni Daddy at magmamano sana ngunit tinuro na nila ang sofa kung saan naka-upo ang umiiyak na si Tosh, kuya Aki, Ivan at Mark. Galit na galit si Tito Bryce and Tita Bess is crying.
Sumunod ding pumasok sila ate Syd at Aika. Seryoso talaga ito dahil magkakasama kaming lahat. Naluluha na ako ngunit pilit akong pinakalma ni Eros. I can sense what would happen.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Toshio Anthony, what have you done? Hindi mo ba alam na inilalagay mo lang ang pamilya natin sa panganib?" Galit na sigaw ni tito Bryce kaya pilit siyang pina-kalma ni tita Bess.
Napa-pikit ako at napa-luha nalang. Eros is trying so hard to stop his tears.
"Pa-paano nangyari to? You know that homosexuality is against the rule of people, and against the rule of God, Tosh! Papaano?" Naiiling na tanong ni Mom na parang siya ang kapatid ni tito Bryce. Dad's not even talking.
BINABASA MO ANG
Skies' not the limit
RomanceErin Athena Razon. Loved by everyone, feared by many. People look up to her. Looks, wit, talent, wealth. Name it and she has it. She has never felt anything odd and chaotic. Not until CJ - Clavell Jairus Zobel, an Atenean, and Blue Eagles' team Capt...