Prologue
Twinkle, twinkle, little star
How I wonder what you are
Up above the world so high
Like a diamond in the sky
Twinkle, twinkle little star
How I wonder what you are
When the blazing sun is gone
When he nothing shines upon
Then you show your little light
Twinkle, twin
kle, all the night
Twinkle, twinkle, little star
How I wonder what you are
Iyon ang paulit-ulit na maririnig mo sa apat na sulok na madilim na silid na iyon. Malamig, sarado ang pintuan at ang tanging maririnig mo ay ang boses ng labing isang taong gulang na dalagita na paulit-ulit na inaawit ang nursery rhyme. Iyon ang tanging paraan niya upang hindi marinig ang malakas na tawanan na at kakaibang ingay na hindi niya alam kung ano sa kabilang silid.
Umuwi sa bahay ang mommy niya at gaya ng dati ay may kasama na naman itong ibang lalaki. Sanay na siya at kapag may kasama ang mommy niya ay kailangan na naman niyang magtago sa silid niya. Kailangan niyang isarado at ilock ang pintuan ng kanyang silid dahil baka maulit ang nangyari dati na pinasok siya ng lalaki nito. Mabuti nalang at nagising ang mommy niya at tinawag ang lalaking muntik ng gawan siya ng masama.
Napapikit siya habang pilit na inaalis ang takot niya, gusto niyang sumigaw gusto niyang umalis at tumakbo. Gusto niyang maging malaya sa hawlang kanyang kinasasadlakan. Pero kahit na anong gawin niya walang makakapagligtas sa kanya. Patuloy lang siya sa mahihinang hikbi habang pinipilit na matulog nalang at humihiling na sana bukas ay iba naman ang buhay niya... sana iba naman.
"Hoy, Naome!" napa-igtad siya ng biglang bumukas ang pintuan ng kanyang silid, nakatulog pala siya habang umiiyak na naman kagabi. "Ikaw bata ka ang kupad mo talaga hindi ba sabi ko sa iyo kapag alas sais na ng umaga ay dapat nakapagsaing ka na? Ako na nga lang ang nagtatiyagang bumuhay sa iyo ako pa ba ang gagawa ng lahat ng gawain sa bahay? Anong akala mo sa akin sampu ang kamay?"
Hindi na lang siya umimik ng marinig ang mahabang litanya ng nanay niya sanay na kasi siyang bunganga nito ang gumigising sa kanya tuwing umaga. Tumayo nalang siya at agad na nagpunta sa kusina pero bigla siyang hinatak ng mommy niya. Napangiwi siya ng maramdaman ang masakit na pagkapit ng mga daliri nito sa braso niya.
"Aray mommy masakit po." Pigil ang iyak na wika niya. Gamit ang isang palad nito ay pinisil nito ang kanyang baba kaya mas lalo siyang nakaramdam ng sakit at napa-iyak nalang dahil wala na naman sa sarili ang mommy niya. Siya na naman ang napagbuntunan nito ng galit.
"Huwag mo akong tingnan." Galit na pakli nito. "I hate your eyes don't you know that? Galit ako sa mukhang ito." At mas lalo nitong pinisil ang cheeks niya kaya napangawa nalang siya sa sakit. Her eyes were green habang sa mommy niya ay brown sabi nito noon nakuha daw niya iyon sa walang kwentang ama niya. Her mom isn't the nicest lady out there, gaya ng sinasabi ng mga classmates niya ang mommy daw niya ay malanding babae at kung sinu-sino ang pinapatulan.
Pinagtatanggol niya ang mommy niya kahit na ang totoo, alam niyang tama ang mga classmates niya but she still try to think that her mommy is good and loving. Iyon lang ang tanging paraan niya para maramdaman niyang may pamilya siya. Hindi niya alam ang kwento pero isa lang ang alam niya may asawa at anak na ang daddy niya ng patulan ito ng kanyang mommy. Her father knew about her kahit na hindi naman sila nagkikita, alam niyang nag-eexist siya dahil pinapadalhan siya nito ng pera para mabuhay siya at pati na rin ang nanay niya. Wala naman kasing permanenteng trabaho ang ina.
BINABASA MO ANG
Marked Series 8: Just Like That (COMPLETED)
Romance"Just like that I fell for you, and just like that you failed to catch me." All Naome wants is to get away from her hell-Allyxander Miguel Ventura. Para itong asukal sa kanyang kape, nakaka-diabetes. Para itong adobo, nakaka-high blood. Para itong...