kabanata 4
Swimming Pool
"Saan tayu magsisimula?"
Bwisit nayan! Kailangan ko pa bang simulan e kung ganyang species ang kasama ko.
"A-ah ikaw ba talaga yung sinasabi ni ma'am? Baka nagkakamali ka lang ah" mapaklang sabi ko.
"Yes ako nga, ako lang transferee nga yun" nakangiting sabi niya.
Mukang wala talaga ang magagawa, mukang siya na nga. Huminga ako na malalim. Tiis tiis lang self.
"Okay tara na" mahinahon kong sabi at tumayo na ako sa kinauupuan ko.
"Before that, what is your phone number?" tanong niya. What pati number ko.
"Wala sa usapan yan!" sabi ko.
"Wala sa usapan pero kailangan yun. Lalo na pagmagrereview para alam ko kung saan ka pupuntahan. Gets?" talo na naman ako.
Binigay ko ang number ko sa kanya. Mukang may point nga siya.
"Ano tara na?" tanong niya
"Okay" nagsimula na kameng maglalakad. Dadalhin ko muna siya sa gymnasium. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita habang papunta sa gymnasium.
"How long have you been here?" basag niya sa katahimikan.
"Matagal na" simple kong sagot.
Wala na ulit nagsalita samin. Kitang kita ko ang makisig niyang paglalakad sa tabi ko. Sa tingin ko maraming magkakagusto sa kanya dito sa campus dahil gwapo siya at may built ang katawan.
Ghaddd! Bat ko ba siya pinupuri!
"Bat ka nakatingin sa katawan ko?" basag niya ule sa katahimikan.
Omgg nahuli niya ba ako. Shit nakakahiyaa.
"Wag ka ngang assuming!" deny ko.
"Nakita kita. Nakatingin ka sakin mula ulo hanggang paa" humagalpak siya sa kakatawa. "Wag mong sabihing pinagpapantasyahan mo ako".
"What the f~ck! Hibang kaba?" maarteng sabi ko saka ko siya inirapan.
Nandito na kame sa harap ng gymnasium, walang tao ngayon. Mas mabuti na yun baka kung anong issue pa ang kumalat sa campus.
"So ito yung gymnasium niyo? Ang liit" reklamo niya.
"Ede wag kang magaral dito" sambit ko.
"Just kidding" tumawa siya.
Kiddingin mo muka mo!
Pumasok kame sa gymnasium malinis ito at wala ngang tao. Nawala bigla si Cen sa tabi. Luminga linga ako sa paligid ng gymnasium. Nakita ko siyang kinuha ang isang bola sa isang tabi.
I think magbabasketball siya. Dinribble niya ang bola at tumakbo at nag lay up siya, na shoot. Marunong pala siyang magbasketball. Kinuha niya uli ang bola at pumwesto siya sa gitna ng court. Inihagis niya na ang bola at nashoot yun. Magaling nga siya.
Hinayaan ko na lang siyang maglaro at pumunta ako sa upuan. Dinampot ko ang cellphone ko upang magfacebook na lang dahil mukang nageenjoy pa si Ercen kakabola.
Pagkabukas ko ng fb ay wala ni isang message doon. Nagscroll na lang ako at nagbasa ng memes.
*yung naglelesson kayu tapos biglang tumabi sayo si krass.
BINABASA MO ANG
Chasing in the Tides (Island Series #2)
RomansaIsland Series #2 Chase those memories, that she can't remember. Chase the past, that she wanted to know. Life with him, love with him. Chasing in the tides.