NINE: THE INDULGENT DEED

74 7 4
                                    

Chill and Enjoy Reading!

__________


Pagkamulat ko ng aking mga mata ay naramdaman ko agad ang bigat nito, kaya naman humarap ako sa kaliwa ko at isang bookshelf ang nakita ko.

Hmm...Kailan ba ako naglagay ng bookshelf sa dorm ko? Specifically, sa kwarto?

Nilingon ko naman ang kanan ko at nakita ang study table roon at isang Mac Computer.

Kailan ako nagkaroon ng study table sa kwarto? Tiningnan ko ang kwarto at nakita ang puting comforter na nakapatong sa akin. Wait lang? Pink ang comforter ko ah?

Napabangon ako at kasabay nun ang pagsakit ng ulo ko, napapikit ako pero sinikap kong igala ang paningin ko sa buong kwarto, white and brown ang kulay ng interior nitong kwarto, at kung titingnan nang husto panglalaki itong kwarto na 'to.

"Good Morning," bati nang isang pamilyar na boses.

Bumaling ako sa may pintuan at nakita si Paris, na nakapamulsa sa black armored shorts at nakasuot ng white v-neck t-shirt.

Lumundag naman ang puso ko, at napagtantong umaga at hindi ko alam ang itsura ko!

"Nasan ako?" tanong ko sa kanya.

Suot ko pa rin ang damit ko kahapon, shocks ano ba 'to?! Wala man lang palit palit!

"You're in my room, obviously. 'Di ko alam ang room number mo," sagot niya.

"Gano'n ba? Ano bang nangyari kagabi?" tanong ko habang hinihilot ang sentido ko.

Pinipilit kong alalahanin ang nangyari kagabi, ang alam ko lang binuhat niya ako galing sa secret garden. At halos 'di ako magsalita, naramdaman ko na lang na ihiniga niya ako, na akala ko sa room ko!

"You're drunk. I found you in the secret garden, sleeping there," he informed me.

Tumigil ako sa paghilot at tiningnan siya. Then it hits me!

"My happiness..."

"Kill me...Paris..."

"Can I die now Paris?"

"Oh my!" Sigaw ko.

Nasapo ko ang noo ko sa pag iyak at sa mga kung ano anong sinabi ko sa kanya kagabi! Ayoko na!

"All the words I've said. Please don't take it seriously," I said to him with shaking voice.

He just gave me nod, "You might want to change. Here...I bought you clothes."

Lumapit siya sa akin at inabot ang isang paperbag.

Nakakahiya! Binilhan pa talaga ako ng damit! Haisst! Ayoko nang uminom! Damn that whiskey!

"T-Thanks. Babayaran ko na lang," wika ko sa kanya.

Umiling lang ito at tinuro ang pintuan malapit sa kama. "That's the bathroom, and please. 'Wag mo na akong bayaran."

Tumalikod na siya at lumabas sa kwarto niya.

Hiyang-hiya tuloy ako. Tiningnan ko naman ang laman ng paperbag at nakita ang isang pares ng underwear at puting longsleeves tsaka maong shorts. I wonder if he knows my size? Hayyy... Siya na nga 'tong inabala ko tas magrereklamo pa 'ko.

Nagtungo na ako sa bathroom niya. Unlike sa bathroom ko, walang bathtub roon pero dito meron. May nakita pa akong bodywash at shampoo roon na parang kabubukas pa lang ng seal. Don't tell me binili niya rin ito?

A Slayer At The Vendetta (Town of Laodicea Series #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon