SASA’S POV
(From Samantha to Sam to Sasa. Haha sorry guys! Bear with her.)
*****Author’s Note: Si SASA lang ang may POV, wala ng iba. Kaya huwag niyo na hanapin ang POV ng iba pang characters.
Kamusta na kaya sila Kuya Stan, sila Selene?
Ang dami kong ginagawa, sobrang busy ko. T_T
Lumipat na din ako ng tirahan.
For the mean time dito ako sa isang hotel nag-iistay but after the training, lilipat na ko ng dorm, dun na din ako ipapakilala.
Modeling, dancing, singing, hosting, acting. Mababaliw na ata ako, 2 weeks… more of a hell week.
Grabeng effort to! Sobrang iksi ng training period ko.
Baka dito pa lang mamatay na ako. T_T
My job isn’t that easy. Pero ka-careerin ko to!
“Miss Sasa? Are you okay?” Tanong ng dance instructor ko habang nakahiga ako sa sahig.
“Ah opo.” Seriously mamamatay na ata ako. -_-
“Ah Miss Sasa, honestly magaling ka compared to those whom I trained before, madali kang natututo. Last part na to ng training mo. Congratulations in advance.”
Sabi nung trainor ko sa modeling.
“Thank you po, Sasa na lang po wag ng Miss Sasa.” Yes! Tapos na, sa wakas.
My trainors don’t know about the idol project, ang alam lang nila talagang nagtraining na ako before pero nagstop lang kaya kailangan ko ulet ng training. Pinaghirapan ko ring umacting na parang may alam na no. Kaya nga Agent Wise di ba? Kaya kong makipagsabayan, planning and strategy lang yan. Haha!
Makakatulog na din ako!
*Kring-kring
Seriously! T_T
“Oh?” Haha sorry pagod ako.
“Sam, kamusta? Okay ka lang?” Si Selene.
“Oo, eto laging pagod. How’s your mission?”
“Di ko pa tapos pero keri pa. I miss you. Miss ka na din daw ni Bry wala siyang makulit dito.” Hahaha. Nagpapatawa na naman to eh.
“Miss na din kita. Paki-sabi kay Bry di ko siya miss, haha sabi ko na eh may lihim na pagtingin yan sa akin.”
BINABASA MO ANG
The Idol Project (Editing) ❤
Teen FictionThey call me Wise. I'm an agent. Mind over heart is my nature when it comes to work. Then one day, I met these so called idols and became a part of them, then I fell in love. The next thing I know, things are falling apart. Will I be able to make th...