Kabanata 2

84 14 2
                                    

Hands-off

Simpleng dress lang ang suot ko dahil 'di ako pinayagan ni daddy na suotin yung binili kong bagong dress but it's okay. Medyo maikli lang 'tong dress na ito dahil sa pagkakatanda ko, eto yung last year gift ni kuya Ysaac sa'kin kaya medyo umikli masyado.

May point rin naman si daddy kasi foundation yung pupuntahan namin at hindi allowed yung mga dress kagaya nung binili ko at isa pa, masyado akong excited na pumunta roon para pagtuunan pa ng pansin ang damit ko.

I love charity works. Siguro ito yung isang namana ko kay daddy dahil mahilig din sya rito.

Malapit na ako sa foundation na gaganapan ng event mamaya. 'Di na sumabay sakin si daddy kasi sabi niya'y may dadaanan pa sya kaya't mauna na raw ako pero mukhang panibagong kamalasan na naman ngayong hapon ang makukuha ko.

Sobrang traffic! Antagal pang umusad.

"Kuya ben bakit po sobrang traffic dito? May banggaan po ba sa unahan?"

"Ah maam... hindi po ko sigurado pero may nagkakagulo po kasi 'dun sa unahan. Mukha yatang matatagalan tayo ma'am," problemadong saad ni kuya ben, ang driver namin.

"Ganun po ba? Tawagan ko na lang po si daddy para 'di na sya mag alala," tumango naman si kuya ben bilang pag sang-ayon.

Nakailang tawag na ako pero 'di pa rin sumasagot si daddy, tiyak na abala iyon dahil magsisimula na ang event.

Tinawagan ko nang tinawagan and finally! Sa pang anim na ring ay sumagot na rin siya.

"Dad!"

["Yes honey? Is everything okay? Bakit wala pa kayo rito ni ben, ilang minuto na lang magsisimula na ang event."]

"Eh kasi dad... natraffic kami ni kuya ben. Nandito pa rin kami simula kanina. Sobrang traffic at hindi ko alam kung makakaalis pa po kami rito," i sighed.

["Nasaan ba kayo ngayon? Pakausap nga kay ben"]

Binigay ko naman ang phone kay kuya ben at nanatiling nakatingin sa labas kasi 'di ko rin naman naririnig yung mga sinasabi ni dad.

"Kausapin ka raw po ulit ni sir ma'am," maikling sabi ni kuya ben kaya ngumiti naman ako at ibinigay niya na sakin ang cellphone.

Minsan naiisip ko kung ano ba talagang problema ni kuya ben.

Masyadong malimit kung magsalita lalo na kapag nandiyan si ate hazel. Speaking of ate hazel, she's our maid for almost 5 years. Kaya masyado na syang napalapit sa pamilya namin, lalo na sakin kaya alam na alam ko rin na crush na crush niya si kuya ben. Hahaha ang cute nga nila! I ship them so hard! I love them. At sana magkatuluyan talaga sila hahaha.

I chuckled because of what I thought about them at sinagot na ang tawag ni dad.

"Yes dad?"

["Yayik papapuntahin ko diyan si cian para masundo ka. Sumabay ka na sa kaniya at susunod nalang si ben."]

Tumingin naman ako kay kuya ben na nananatiling nakatingin sa kalsada.

"Okay po but who's cian dad?"

["Yung sinasabe ko sayong anak ni tito renz mo na kakadating lang galing america."]

"Ah okay dad. I don't know his face pero sige po. I'll just wait here. Thanks dad!"

["Okay honey, you're always welcome. Papunta na siya jan. Ingat kayong dalawa. I love you."]

In A Crowded Place Where stories live. Discover now