Chapter 6: Prince of Good Manners -_-

46 1 0
                                    

Sabi ko matutulog na ako eh…

Pero heto ako, mulat na mulat pa rin.

Nakauwi at nakatulog na rin si Bubbles.

Samantalang ako... di pa rin madalaw ng antok.

Bumangon ako tapos pumunta ng living room, medyo masakit pa yung paa ko, pero baka bukas okay na to.

Thanks to Yuan. ^_^

Patay na yung mga ilaw, cellphone ko na lang yung ginagamit ko para makita ko yung dinadaanan ko.

Umupo lang ako malapit sa bintana.

Pinagmamasdan yung ganda ng gabi.

Nang biglang may nakita akong isang lalaking patingin tingin dito sa building. Madaling araw na kaya talagang kahina-hinala.

Agad kong nilagay sa kamay ko yung baril ko na nakatago sa bulsa ko.

Madali lang para sa akin ang magtago ng baril kahit anong suot ko, dahil sa nasanay na rin ako. Para if ever na may emergency may magagamit ako.

Buti na lang naka-jacket ako ang problema nakashorts lang ako.

Hindi nga kita yung mukha ko, pero malalaman nilang babae ako, kailangang hindi mabuko na si Sasa ay isang agent.

Bahala na. Kailangan kong mahuli yung lalaking yun. Baka sakaling konektado siya sa mission ko. Kailangan ko na ng lead.

Tumakas ako palabas ng building, hindi kasi alam ng security guards na agent ako, ang alam nila isa ako sa artist ng company, lagpas curfew na kaya ninja-moves! Hahaha.

Nasa likod na ako ng lalaking sinasabi ko. Hingang malalim, kailangan kong baguhin konti yung bose ko.

“Itaas mo yung mga kamay mo kung ayaw mong paputukin ko tong baril na hawak ko.” Angas haha. Pero hinde, seryoso talaga ako.

Humarap siya saakin, nakataas yung mga kamay niya.

“Sino ka? At bakit ka nagmamasid dito sa building na to?” Atat na talaga ako.

“….” Aba’t speechless si kuya.

“Hindi ka magsasalita?” Nang aasar ata si kuya eh..pft.

Bigla niyang binaba yung kamay niya at hinugot yung baril niya, akmang babarilin na niya ako ng sinipa ko yung kamay niya na dahilan para mabitawan niya yung hawak niya.

Hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko.

The Idol Project (Editing) ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon