Chapter 1

92 5 2
                                    

CHAPTER 1

DIYOS KO! Ang init-init talaga sa mundong ibabaw!

"Woi Dasy! Kesa tatambay tambay ka riyan ay lumayas ka na at maghanap ng trabaho! Baka akala mong libre lang ang paninirahan mo sa puder ko? Napeperwisyo mo ako!" At kasabayan ng sobrang init na panahon ang init ng ulo ni Tiya Ruby.

"Napeperwisyo siya eh sa sofa lang naman niya ako pinapatulog? Parang siya ang bumibili ng pagkain ah?" Sarkastikong bulong ko. Kainis. Bakit kasi nagpapaalipin ako sa mga nilalang na ito? Kapag nakahanap talaga ako ng matinong trabaho ay lalayas na ako sa lugar na ito. I swear!

"Ano na namang ibinubulong bulong mo diyan!? Magkakapera ba tayo sa kakabulong mo ha!!?" Pasimpleng inirapan ko siya dahil feel na feel niya lang ang paghiga sa sofa habang nakatutok sa kanya ang electric fan. Wow! Sobra na talaga! As if siya ang nagbabayad ng kuryente?

"Sabi ko lang po, aalis na ako para maghanap ng trabaho." Sabi ko nalang. Kahiya naman sa kanya eh.

"Echoserang 'to! Akala mo maganda!" Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Punyeta ang isang 'to! Parang hindi siya pangit ah. Feeling niya ba maganda siya? Gago!

Umalis na ako para maghanap ng trabaho. May nakita akong hiring sa malapit.

Hiring!

Waitress. Waiter

"Ah kuya, hiring pa kayo?" Tanong ko sa lalaking nagkapit ng papel. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang baba. Ngumiwi siya at tinanggal ang pagkakakapit ng hiring post. Pasimple rin akong napangiwi.

"Hindi na pala ineng. Sige alis na ako." Saka siya pumasok muli sa loob. Hayy. I always get that. Ang hinahanap lang nila palagi ay yung mga ooooover sa gandang dilag para maka-attract ng costumer. Eh ano nga ba namang silbi ng tigyawatin  kong mukha sa resto nila diba?

May hitsura naman siguro ako pero hindi talaga ako marunong mag-ayos. Maraming pimples ang mukha at may malaking salamin pa na akala mo'y nerd, pero hindi talaga ako matalino. Dyahe! It's hard to live in this judgemental world.

Matamlay akong naglakad lakad pa sa gitna ng maalinsangang kalye. Nagbabakasaling may maghi-hire sa akin. Kahit ano papatulan ko. Kahit pa pang janitress lang o street sweeper. Pero last resort ko nalang yun. Kailangan ko munang maghanap ng trabaho ng matino ang sweldo para hindi umatungal si Tiyang.

Inabot na ako ng gabi sa kakahanap ng trabaho. Pakiramdam ko sayang lang lahat ng effort at pagod ko dahil wala talaga akong mahanap. Kung meron man ay hindi nila ako tinatanggap. Bakit kasi big deal na sa panahon ngayon ang looks? Paano kung naghire ka nga ng maganda pero palpak naman? Mas mabuti pa yung hindi masyadong kagandahan pero magaling at dedikado sa trabaho. Pero ano nga bang aasahan natin sa panahon ngayon? Hayy. Kapag maganda ka, may trabaho ka na agad. Eh paano kami?

Tiningnan ko ang huling poste at naghanap ng kahit anong hiring poster. Shit! Wala na talaga. Nanlumo lang ako at napatingin sa kalangitan. Dyahe! Ang dilim na pala! Ngayon ko lang napansin. Hayy. Ito na siguro ang sign ni Lord na kailangang maging janitress nalang ako. Di bale mag-aapply na ako bukas.

Uuwi na sana ako ng may mapansin akong nakadikit sa poste. Nyeta! Paano nagkaroon ng hiring poster dito!? Watdahek? Imposible. Nalinga lang ako ng ilang segundo ah. Cringe. Baka hindi ko lang napansin kanina?

Nagulantang ako ng sobra ng mabasa ko ang nakalagay roon. Dapak?

Hiring: Live-in maid

Required: must be blood type O

Salary: 20,000 per week

Call: 09********

Napalunok nalang ako dahil sa sweldo. Ilang ulit ko pang binilang kung apat na zero nga yung nababasa ko o epekto lang ito ng gutom. Hek! Sinong nasa matinong isip ang magpapasweldo ng 20,000 sa isang maid? Nababaliw na ba sila?

At kelan pa naging required ang blood type sa pagiging maid? Weird. Pero nevermind! Blood type O ako! At 20k a week pa! Hinalikan ko yung poster. Hulog ka ng langit! Swerte!

"Kita mo nga naman. Worth it na ang effort at pagod!" Komento ko habang kinukuha ang cellphone na basag sa bag ko.

Tinipa ko ang number na nakalagay sa poster at tinawagan iyon.

"Hello, what can I do for you?" Isang baritono at malamig na boses ang narinig ko mula sa kabilang linya. Shocks! Ang gwapo ng boses!

"Ummm.. I'm Dasy. Open pa po ba ang hiring niyo ng maid?" Kinapalan ko na ang mukha ko. Pero sana hindi tumakbo ang lalaking ito kapag nakita niya ang mukha ko. Shet! This is my last chance. Sana hindi mapurnada.

"Type O?" Tanong ng boses sa kabilang linya. Shet! Ang lamig ng boses. Ang lakas ng pakiramdam kong gwapo 'to.

"Ah, oo. Blood type O ho ako." Natataranta kong sabi. Jusko! Sino ba namang hindi mahohook sa boses na ganoon? Like hindi ko pa siya nakikita nun ah. Paano kapag face to face na?

"Come here. I'll send you the address." Ngayon na? As in ngayon na? Ang bilis naman. Shocks! Amoy pawis pa ako at hindi pa matino ang suot kong damit. Malas!

"Ah okay po---" at pinatay niya yung tawag. Mukhang masungit ah. Mapapalaban ako. Pero keri lang. Kinakaya-kaya ko nga ang himagsik ni Tiyang, ito pa kaya?

Dali-dali akong pumunta sa sinend niyang address. Pero sa halip na ma-excite ako ay kinabahan ako ng makita ang lugar.

Dito ba talaga yun? Paulit ulit kong tiningnan ang address. Ang layo ng nilakad ko. Dyahe! Bakit kasi malayo sa kahanggan ang haunted house---este mansion na ito? Pero seryoso? Dito ba talaga ako magtatrabaho? Sa... nakakatakot at malaking bahay na ito?

Andami kong naalalang horror stories at movies bigla. Ipinilig ko ang ulo ko. Horror, psh! Fiction lang naman yun eh. Sigurado akong hindi yun totoo. Weh? Talaga lang, Dasy?

"You're the maid?" Nilingon ko ang boses. Siya yung katawagan ko kanina. Paano siya napunta sa tabi ko? In fairness, hindi ko yun napansin.

Shems! Napatitig ako sa mukha niya. Bakit may ganito ka guwapong nilalang na nag-eexist sa mundo? Artista ba 'to?

"Excuse me?" Sabi nito at ngumiti nang tipid. Shoot! Pakiramdam ko nakalimutan kong huminga ng mga five seconds.

"Ah... Ano ulit?" Tanong ko bigla. Shet! Kailangan kong maging matino. Ayokong mawala ang opportunity na 'to. Lalo na at ganito kaguwapo ang pagsisilbihan ko, once in a lifetime lang na mangyayari 'to!

"I'm asking if you are Dasy, the type O." Ulit niya. Tumango lang ako. Shit! Nakakakilig. Pakiramdam ko namumula ang mukha ko. Naalala niya kasi ang pangalan ko.

"Good," lumapit siya sa akin at inamoy mo. Shet! Lumayo ako agad. Bakit siya nang-aamoy? Naconcious tuloy ako bigla.

"Nakakahiya po, sir. Amoy pawis pa ako eh." Wrong move. Stupid! Ang tanga ko talaga. Sana hindi naman siya conscious sa amoy ng mga maid. Hindi kasi ako nagpapabango eh.

"You'll start working now. Ihahatid kita sa inyo para kunin ang mga gamit mo." Tumango nalang ako. Spell speechless. May trabaho na ako? Ganun kabilis? At amo ko pa talaga ang gwapong lalaking ito? Bakit parang sobrang swerte ko ata ngayon? Napalingon ako muli sa bahay na mukhang haunted house. Masama ang kutob ko dito.


Serving The Vampire Princes (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now