Chapter 2

52 4 0
                                    

CHAPTER 2

"Punyeta ka! Wag ka nang babalek! Iiwanan ka rin niyang jowa mo!" Naririnig ko pa rin ang mga walang kwentang sigaw ni Tiyang mula sa labas. Dyahe! Napangiwi nalang ako sa harapan ng amo ko. "Wag kang feelingera! Hindi ka maganda!" Pahabol niya pang sigaw. Dahek? Ang sarap talagang sugurin ng babaeng yon. Akala niya ba maganda siya?

"Sorry po talaga, medyo makitid po kasi ang utak ng tiyahin ko eh." Sabi ko at napakamot sa ulo. Nagulat ako nung makita ko na parang naging pula ang mata niya. "Hala ka!" Humarap siya sa akin. Teka? Bakit kulay itim na ulit? Namamalikmata na naman ba ako?

"Bakit?" Tanong niya. Umiling ako. Hayy. Malalim na ang gabi, siguro inaantok na ako.

Akmang ilalagay niya ang mga gamit ko sa kotseng dala namin ng masampal ako ng hiya sa katawan. Umayos ka, Dasy! Amo mo yan eh. Kapal lang ng mukha mong gawin siyang tagabuhat.

"Ay! Ako na po." Sa pagkuha ko ng kahon mula sa kanya ay naramdaman ko ang braso niya. Bakit ganun? Ang lamig! Sobrang lamig.

"Okay lang po ba kayo?" Tanong ko. Tumango lang siya at hindi nagsalita. Normal lang ba ang ganun kalamig na katawan?

Nang maayos na akong nakaupo habang kalong ang aking mga gamit ay umandar na ang sasakyan pabalik sa haunted house---este mansyon pala. Bababa na sana ako ng nauna siya at pinagbuksan ako ng pinto. Hala siya! Shet! Ang gentleman. Kung bagay lang sana kami, malamang pinatulan ko na 'to.

Natigil ako sa pagda-down ng sarili ko nang marinig ko ang pagbukas ng dambuhalang gate. Oh yes! Dambuhala talaga. Para talagang haunted house ang bahay na ito. Sana walang multo rito. Napangiwi ako nang dahil sa mga naiisip ko.

"Let's head inside." Tipid na sabi niya. Wow! Pinagbuksan ako ng gate. Shet! Assumera ka talaga, Dasy! Walang gwapong lalaki ang magkakagusto sa'yo. Amo mo 'yan! Boss. Maid ka lang, muchaha. Matuto kang lumugar!

Sinundan ko siya sa loob. Pagkatapak na pagkatapak ko pa lang sa loob ng gate ay malamig na hangin ng gabi ang sumalubong sa akin. I cringed. Yun kasi  yung tipo ng hangin na parang binubulungan akong wag na tumuloy. Like potek? Hangin? Bumubulong? Kulang lang talaga ako sa tulog.

Ang laki talaga ng bahay at parang walang tao. Walang ibang maid, guard or whatsoever. Hindi ba siya natatakot na manakawan siya dito?

"Excuse me, ikaw lang po ba ang magiging amo ko?" Tanong ko habang naglalakad kami papasok. Naisip ko lang kasi na parang sobrang laki naman yata ng mansyon na ito para sa isang tao lang.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Shit! Ito pala yung sinasabi nilang breath taking moment. Waahh! Nakaka-inlove si koya! Pero may nasabi ba akong masama? Bakit naman siya tatawa? For sure, may nagawa na naman akong katangahan nang hindi ako aware! Nakakahiya.

"Hindi ako ang magiging amo mo rito, Dasy. Ipapakilala pa kita." Whuuutt? Hindi siya ang amo ko? So pwede ko siyang jowain? Just kidding. Asa pa more, Dasy!

Nakapasok na kami sa madilim at malaking bahay. May binuksang siyang switch at nabuhay lahat ng ilaw. Nag-adjust nga ang mata ko eh. Ikaw ba naman from sobrang dilim to sobrang liwanag. Ay iba!

"Pasensya na, hindi kasi ugaling magbuhay ng ilaw ang mga amo mo eh." Sabi niya.

"Ang ganda!" Nakangiti kong komento habang pinagmamasdan ang kabuuan sa loob. Malinis at punong puno ng mga antiques pati yung mga chandeliers may pagka-ancient rin ang designs! Ang ganda ganda. Parang ako lang, charot!

"Bukas kita ito-tour sa buong bahay. Pirmahan mo muna." Sabi niya at may inabot na papel.

Wow! May kontrata. Nakasaad doon na dito ako titira at may day off ako tuwing linggo. Makatanggap ko rin daw ang 20, 000 pagkatapos ng bawat linggo. Tango-tango lang ako habang binabasa ko yun. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Nagtataka niya akong tiningnan. Luh?

"Hehe. Wala po akong ballpen eh." Sabi ko at nagkamot. Malala na ito ah. Baka may kuto na ako. Kailangan ko nang bumili ng suyod. Next time nalang siguro kapag nakasahod na ako.

Nagtaka naman ako nang maliit na kutsilyo ang iabot niya sa akin. Ah! Napanood ko ito sa mga pelikula eh. Kinuha ko ang kutsilyo at hiniwa ng maliit ang thumb ko sapat lang para lumabas ang dugo at itinatak ko iyon sa papel. Yun! Nagmukha tuloy finger print.

"Fuck you, Shan."

"Ay pakyu den! Shan daw? Sino si Shan?" Parang tanga kong sabi. Gulat akong napatingin sa isang gwapong lalaki na nakasandal sa dingding. Ang gwapo at kala mo model. Pero mukhang bulgar siya at palamura. Ganito ang mga vibes ko sa mga fuckboy sa min eh. Siya ba ang magiging boss ko?

"It's my name, Shan." Sabi ng lalaking katabi ko. Ah---anak ng! Gaano ka katanga, Dasy? Yung tipong mag-iisang oras mo nang sinasamba at pinagnanasaan ang kagwapuhan niya pero nakalimutan mong tanungin ang pangalan. Gagi ka, self.

Pero ang mas nakakagulantang pa ay bigla nalang may isang lalaking nakapajama at magulo ang buhok ang bigla nalang sumulpot sa harapan ko. Titig na titig siya sa sugat ko sa thumb. At dyahe! Kulay pula ang mata niya na parang nagniningas! Totoo na 'to pramis.

"Waah! Shan! Kulay pula ang mata niya! Jusko!" Atungal ko kay Shan. Yow nakiki-Shan na din ako. Keri lang. Hindi ko naman siya amo eh.

"Nasaan?" Inosenteng tanong niya. Bulag ba siya?

"Ayan! Hindi mo ba nakiki---" paglingon ko sa lalaki ay kulay gray na ang mata ng lalaking nasa harap ko. Teka paano nga ba siya napunta diyan. Namamalikmata na naman ba ako?

"Hi." Sabi niya at naglahad ng kamay sa akin. Nginitian ko nalang siya. Shocks! Ang cute ng singkit niyang mata at gwapo. Feeling ko makakasundo ko ito. O pwede din namang hindi. Malay ko ba kung makitang tao lang 'to?

"So she's not aware her real job?" Tanong nung lalaking nakasandal sa dingding habang nakatingin kay Shan. Nagkatinginan lang sila na animoy nag-uusap. At ano yung sinabi niyang job ko? Tungkol ba sa pagiging maid yun?

"Tsk." Napalingon ako sa isa pang gwapong lalaki na naka-headset. Bahay rin ba ito ng mga ninja? Bakit hindi ko naaabutan ang mga pagsulpot nila? At bakit ang g-gwapo nilang lahat? Bakit gumawa si Lord ng mga ganito kagwapong nilalang? Ito ang mga maraming napapaiyak na babae eh. Huwag mong sabihing itong mga gwapong nilalang na ito ang magiging amo ko?

"Ah, Dasy. Ituturo ko sa'yo ang kwarto mo. Doon ka muna at wag kang lalabas kahit na anong mangyari." Seryosong sabi ni Shan. Tumango nalang ako at sumunod sa kaniya para pumunta sa kwarto ko.

Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto. Malaki at malinis. May kama na mas maayos pa kesa sa sofa sa bahay ni Tiyang. Nagtaka na ako ng sobra. Normal ba para sa mga maid ang ganitong klaseng kwarto? Para kasing may mali.

May narinig akong mga nababasag na bagay sa baba. Sobrang nacu-curious ako. Pero sabi nga ni Shan wag daw akong lalabas. Naglabas nalang ako ng panyo at itinakip sa sugat na nasa hinlalaki ko.

"So you really don't have a single idea about all of this. What a fool." Nanlamig ang buong katawan ko ng mapansing may katabi na ako. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. Pero nakalock ang pinto. Pa-paanong?

Siya yung gwapong lalaki kanina, yung nakasandal sa dingding na parang fuckboy ang datingan. Paano siya nakaupo sa tabi ko ng hindi ko napapansin. Dahek? Inilapit niya ang mukha niya sa leeg ko at inamoy iyon. Nanghihina pa rin ako sa sobrang gulat kaya hindi ako makagalaw.

"Curiosity will kill you. Don't worry, you will know everything soon." Bulong niya sa malamig na boses. At sa ganoong tagpo ay bigla nalang siyang nawala. Parang bigla nalang siyang nagdisappear sa hangin. And speaking of hangin, naalala ko bigla kung paano huminga. Dyahe! Paano? Paano niya nagawa yun?

Uh-oh. I smell trouble.

Serving The Vampire Princes (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now